Hindi umalis si Jolo sa aking tabi habang nasa loob pa kami ng venue. Panay pa ang pang-aasar sa amin ng mga kaibigan pati na rin nina Nanay at Tatay. A glimpse of happiness was written all over their face.
"Okay lang ba kung tatlong pirasong rosas lang ang maibigay ko sa'yo bilang regalo? Pasensya na talaga, ha? Medyo gipit kasi talaga ako ngayon pero huwag kang mag-alala, babawi naman ako sa'yo kapag–"
I put my index finger to his lips so he can stop explaining and shut his mouth up. I noticed him stilled once again as his adam's apple moved harshly.
"Ano ka ba, Jolo? Para kang others." I chuckled and wet my lips. "Hindi mo kailangang magpaliwanag sa'kin, okay?" Kinuha ko sa kaniyang kamay ang rosas at malawak ang ngiti sa labing iyon ay tinitigan.
"Masayang masaya na 'ko sa kung anumang bagay na ibigay mo," dagdag ko pa bago siya inaya patungo kung nasaan sina Nanay at Tatay.
Nakaalis na sina Shaeynna at Kean kasama si Terrence dahil mayroong simpleng handaang inihanda ang parents ni Shae. Si Eloisa naman ay kasama ang aking magulang na naghihintay sa isang tabi. Hindi na kami naghanda pa, ang napag-usapan namin nina Nanay ay kakain na lang kami sa labas.
Bago pa man kami tuluyang makalapit sa kanila ay mayroong humarang sa dinadaanan namin. Awtomatikong nag-palpitate ang dalawang kilay ko nang magtama ang mga mata namin ng talipandas na si Kim.
"Ano ka naman d'yan, Kim? Papansin lang?" asik ko, dahilan para umangat ang sulok ng labi nito.
"Ang sungit mo naman, Trish. Gusto lang naman kitang batiin ng congratulations." He laughed and it irritates me more. Dumako ang paningin niya sa lalaking nasa tabi ko at mapanghusga itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Salamat. Alis na kami. . ." walang emosyong tugon ko.
Hinawakan ko ang pala-pulsuhan ni Jolo at akmang hihilahin na siya paalis nang muli na namang magsalita ang mayabang at talipandas na si Kim.
"I'm so disappointed in you, Trish. Akala ko pa naman ay mayroon kang taste sa pagpili ng lalaki. Hindi ko inaakala na kagaya ka rin pala ng kaibigan mong pokpok na kung sinu-sino na lang ang–"
"Huwag na huwag mong dinadamay ang mga kaibigan at kahit sinong parte ng buhay ko, Kim. Wala akong pakialam sa kung inaakala mo tungkol sa akin. Sa'yo na 'yan, saksak mo sa baga mong gago ka!"
It was supposed to be a delightful day for me, but that freaking Kim ruined the perfect mood! Akala mo naman ay kung sino siyang makapagsalita na pati kahit past mistake ng kaibigan ko ay dinadamay niya. Kung makapagsalita siya ay para bang alam na alam niya ang kwento at pinagdaanan ni Eloisa. Kung maliitin niya ako pati na rin si Jolo ay para bang ang taas taas niyang kupal siya!
"Hayaan mo na 'yon. Huwag ka nang mainis. . ." alo sa akin ni Jolo nang makauwi kami sa bahay.
"Hindi ko lang maiwasan na mainis sa walangyang Kim na 'yon. Akala mo talaga ay kung sino."
Pabagsak akong sumandal sa sofa at pinagkrus ang dalawang braso sa ilalim ng dibdib. Imbis na sumagot pa sa pagmamaktol ko ay lumuhod na lang si Jolo sa harapan ko at marahang tinanggal ang suot kong killer heels.
Hindi ko siya nilubayan ng titig habang ginagawa niya iyon. Kanina, habang kumakain kami sa labas kasama ang pamilya, si Eloisa at iba pa naming kamag-anak ay naramdaman ko ang pananahimik at pagkailang niya. Lalo na noong paulanan siya ng samu't saring tanong ng mga tao sa paligid namin. Their questions were too personal and too thoughtless.
However, despite him being uncomfortable with all of it, Jolo still managed to answer it honestly and sincerely.
At hanggang ngayon nga na makauwi na kami sa bahay ay pansin ko pa rin ang paglipad ng isipan niya kung saan, ngunit dahil sa kakadaldal ko ay pinipilit niyang makasabay sa akin.
BINABASA MO ANG
Closing Entries (Accounting Series #5)
RomanceAccounting Series Five (COMPLETED) "Closing entries is one of the most important cycles in accounting. It aims to transfer all the temporary accounts into permanent ones or either reset them to zero." Escaping from the disappointment and pain. Leav...
