Kabanata 11

2.5K 115 20
                                        

"Seryoso ka ba talaga na liligawan mo 'ko? Buong akala ko talaga ginu-goodtime mo lang ako," natatawang wika ko kay Jolo.

"Grabe ka talaga sa'kin. Nakakagigil ka, parang gusto kitang i-kiss." He laughed as he pinched my cheeks.

Kasalukuyan kaming kumakain ng food court. Sinamahan ko kasi siyang mag-inquire sa course na papasukan niya sa TESDA. Mabuti na lang at wala akong klase ngayon. Tapos na naman kasi ang internship ko at nagko-kompleto na lang ng ibang gawain sa iba pang subjects.

Everything went smoothly between Jolo and I. Sa ilang buwan na lumipas ay mas lalo pa naming nakikilala ang isa't-isa. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makaniwala. Parang ang bilis bilis ng lahat.

Parang kailan lang ay halos isumpa ko na siya sa sobrang inis at pagkamuhi ko sa kaniya, ngayon naman ay halos hindi na kami mapaghiwalay dalawa. Walang araw din na hindi ko nakikita ang pagmumukha niya.

Despite our busy schedule, he still finds ways to show his effort for me and I greatly appreciate all of it.

"Bakit mo ba ako gustong ligawan? Ano bang nakita mo sa'kin? Dahil maganda ako?" sunud-sunod kong tanong, dahilan para matawa siya nang malakas at mapailing.

Kung hindi ko pa siya panlilisikan ng mga mata ay hindi siya titigil. Nang kumalma siya mula sa kakatawa ay binasa niya ang kaniyang pang-ibabang labi bago kumagat sa kinakain niyang kalamares.

"Alam mo kasi my Trisha of the world, totoong maganda ka, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit niligawan kita. . ."

My brows furrowed on what he had said. "Eh ano pala?"

"Liligawan kita kasi gusto kita. Liligawan kita kasi ikaw ang nakikita kong babaeng makakasama ko hanggang pagtanda. At higit sa lahat, ikaw lang ang babaeng ninanais kong mapangasawa," aniya

I felt my cheeks burning and red as a tomato. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang malanding ngiti. "Makata ka ba? Rhyming, eh."

"Oo, ah. Hindi mo ba alam?"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla, hindi talaga makapaniwala. "Totoo?"

"Hmm. . ." He nodded his head as a radiant smile formed into his lips. "MAKATAnggap lang ako ng isang magandang ngiti mula sa'yo, pakiramdam ko'y hulog na hulog na ako." He really emphasized the word 'makata.'

I then shyly laughed and hit his arm. "Enebe! Pere keng tenge!"

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkasama ni Jolo. Basta ang alam ko lang, nang makauwi ako sa bahay ay halos mapunit na ang aking labi sa lawak ng ngiti.

Nakakahiya mang aminin ngunit tila kinakain ko na yata ang mga salitang sinasabi ko noon. Simula noong dumating at nakilala ko siya ay nasira na ang mga bagay na pinaniniwalaan ko. Hindi naman ako bobo at mas lalong hindi ako manhid. Alam ko sa sarili kong higit na sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko sa lalaki.

This might be funny but come to think of it, sa dinami-rami ng mga lalaking sumubok pumasok sa aking buhay ay ni isa'y wala akong pinahintulutan. Kung iisiping mabuti ay walang-wala si Jolo sa mga iyon. Gwapo ang mga iyon at may kaya sa buhay kung tutuusin. Ideal man at pasok na pasok talaga sa standards na hinahanap ko.

Even so, we really don't know how cupid plays with our hearts.

"Kapag nagmahal ka, walang standards standards. Walang ideal man. . ." panimula ni Shaeynna, "kasi kapag nagmahal ka, ultimo mabaho niyang hininga, tatanggapin at mamahalin mo nang buong puso."

"Totoo 'yon. At saka para sa akin, ha? Hindi ako naniniwala sa mga ideal man kinembular na ganiyan. Alam n'yo kung bakit?" ani Eloisa.

"Hindi," sabay naming sagot ni Shae.

Closing Entries (Accounting Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon