Kabanata 21

2.2K 102 30
                                    

Maraming tao ang nabubuhay sa paniniwala na kapag mahal mo ang isang tao, dapat mong ialay ang buong porsyento ng buhay mo para sa kaniya. Na dapat handa kang maubos sa ngalan ng pag-ibig. Na kahit wala nang matira para sa sarili mo, mapatunayan lang ang pagmamahal mo sa isang tao. . . but that belief wasn't applicable for me.

Dahil para sa akin, kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kailangan mo pa ring magtira para sa sarili mo. Alam ko kung kailan ako magbibigay at alam ko rin kung kailan ako titigil. Hindi ko na hahayaan pa ang sarili kong umabot sa puntong masagad at maubos ako.

Owing to the fact that you can love someone endlessly without losing yourself. And if loving and knowing self-worth means being selfish, then I gladly admit that I am.

Not all people would understand me, I know, but that's the least important for me now. And if they are going to ask me if I regret letting him go?

My answer is no. . .

Because seeing where he is right now, I know I made the right decision. If letting him go means making him realize the right thing and unleashing the best of him, then I would do it without reluctance.

"Magdadalawang taon na, hindi ka pa rin uuwi?"

Napairap ako nang wagas sa kawalan dahil sa tanong niya mula sa kabilang linya. Sa tuwing nagkakausap kasi kaming dalawa ay wala na siyang ibang tinatanong kundi kailan ako uuwi at babalik ng Pilipinas.

I let out a low chuckle before shaking my head, obviously teasing him again. "Sabi ko naman sa'yo, eh. Kung na-mi-miss mo 'ko puwede mo naman akong puntahan dito–"

"Ang kapal mo! Wala akong sinasabing na-mi-miss kita, ha? Huwag masiyadong assuming," defensive niyang sagot dahilan para humagalpak ako ng tawa.

I flipped my hair and fixed the angle of my phone. "Eh ba't mo kasi laging tinatanong?"

"Kasi gusto ko lang ipaalala sa'yo na next year na ang kasal ng kaibigan natin. Miss na miss ka na rin ni Eloisa kaya kailangang umuwi ka. Dapat kumpleto tayo."

"Aysus, 'yon lang ba? Sige susubukan kong i-try." I laughed.

He threw me a dagger look. "Huwag mong i-try, subukan mo."

"At isa pa, may isang beses pa ngang hinanap ka ni Jolo. Gusto ka raw niyang makausap. . ." walang prenong aniya pa niya.

Now that he mentioned that name, a wide smile of mine automatically faded. My heart throbbed in unexplainable emotions and I know Terrence noticed it. He immediately changed the topic and tried to lighten up my feelings again by throwing corny jokes.

Ngunit kahit hanggang sa matapos ang video call naming dalawa ay hindi na naalis ang bigat na nakapatong sa aking dibdib. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago tumungo sa fridge para kumuha ng alak na maiinom. Dala ang isang bote ng scotch whiskey ay tumungo ako sa veranda kung saan tanaw ko mula rito ang abalang kalsada at city lights.

I can't help but to let out a heavy sigh again.

Almost two years.

Mahigit dalawang taon na magmula nang matapos ang relasyon naming dalawa. Mahigit dalawang taon na ang nakalipas magmula nang umalis ako ng Pilipinas at tumungo rito sa Korea. Sa mga naunang buwan ng pananatili, masasabi kong kahit papaano ay okay ako. Sa kabila ng durog na puso, pakiramdam ko ay malaya ako.

Mayroon akong sariling trabaho, humiwalay na rin ako ng condo na tinitirhan, unti-unti kong nabayaran at natapos ang mga utang namin ni Jolo sa Pilipinas at higit sa lahat, nagagawa at nabibili ko ang gusto ko.

At kapag mayroong mga taong nagtatanong kung kumusta na ako o ang puso ko, isa lang ang paulit-ulit kong sinasagot. . .

"Okay ako,"

Closing Entries (Accounting Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon