Almost three years ago when Jolo, my man, started to play a big role in my life. I didn't bother to hesitate accepting Jolo albeit some of the people were doubting and throwing shades about him.
Palaging sinasabi ng ibang tao na hindi na raw magbabago ang boyfriend ko. Na mananatili itong patapon at walang direksyon ang buhay. And of course, I didn't believe in that!
Sino ba naman sila para sabihin 'yon?
Sino ba sila para pangunahan ang buhay ng ibang tao?
Kahit napakaraming tao ang hindi naniniwala sa kaniya, ako lang ang bukod-tanging nanatili at nagtiwala. . . kasi alam kong kaya niya. Alam kong hindi siya palaging si Jolo na patapon ang buhay at nakaasa sa iba.
And when I say that, I know it was the truth.
Pero kahit na marami na siyang napatunayan, marami pa ring nasasabi ang ibang tao lalo na sa ngayong sinusubok na naman siya ng tadhana.
Tulad na lang ngayon, kumakain ako ng lunch kasama ang mga kaibigan ko sa trabaho. Alam nilang lahat ang pangyayari sa buhay namin ni Jolo. Hindi na naman kasi iba ang trato ko sa kanila.
"I told you, he'll always be a failure. Sa una lang 'yan magaling. Sa una lang niyan kayang patunayan ang sarili sa'yo," saad ni Grace bago sumimsim sa milktea na hawak niya.
"Sa true lang. Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-rami pa lalaki sa mundo na mayroong mas maayos na buhay ay sa isang tambay ka lang bumagsak," dagdag pa ni Lyn kaya naman hindi maiwasang kumunot ang aking noo at panlisikan siya ng tingin.
"Tambay noon, Lyn," mariing pagtatama ko at bahagya siyang inirapan.
Jameela let out a sarcastic chuckle as she faced me. "Correction, tambay na ulit ngayon. Hindi ba't ilang buwan na simula nang mag-resign siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nahahanap na trabaho?"
I was caught off guard with his question. My lips formed into a grim line as I took a heavy sigh.
"Apat na buwan na," mahinang tugon ko, " pero sinusubukan naman niyang maghanap at saka sa susunod na buwan ay magbubukas na ulit kami ng panibagong negosyo kaya abala rin siya sa pag-aasikaso ng mga kinakailangang permit."
"Ay ewan namin sa'yo, 'teh. Bakit kasi hindi ka na lang humanap ng ibang boylet diyan sa tabi-tabi. Iyong mas angat at may kaya sa buhay kagaya ni Joseph. . ." pagtukoy ni Sandra sa isa pa naming katrabaho na mayroon daw gusto sa akin.
Salungat naman ito sa pinapayo ng mga kaibigan kong si Shaeynna at Eloisa. Sa phone ko lang sila nakakausap dahil lumipad na patungong ibang bansa si Shae at si Eloisa naman ay abala sa mga ganap niya sa buhay.
"Stay with him, Trish. Jolo needs someone who can lean on right now," ani Shae na sinegundahan naman ng isa pa naming kaibigan.
"Hindi sa pagiging bias ha? Pero ang sama naman kung iiwan mo siya dahil lang sa nagkakanda-letse-letse ang buhay ng pinsan ko ngayon. He stayed with you during your toughest time kaya sana gano'n ka rin sa kaniya. . ." Eloisa said.
"Wala naman akong balak iwan siya," paninigurado ko na siyang ikinahinga nila nang maluwag.
Totoo iyon. Kagaya nga ng palagi kong sinasabi, hangga't kaya ko siyang unawin ay gagawin ko. Kahit minsan ay naiisip kong hindi na tama at hindi ko alam kung hanggang saan ako kayang dalhin ng pagtitiwalang ito.
"Natuto na 'ko, bebe. Hindi na ako basta-basta magtitiwala na lang sa kung sinu-sino. Promise ko sa'yo na gagawin ko ang lahat para mag-boom pak pak ganern 'tong business natin. Ikaw, mag-focus ka lang sa trabaho mo at ako na ang bahala rito." Nanggigigil niyang pinisil ang aking pisngi at hinalikan ako sa noo.
BINABASA MO ANG
Closing Entries (Accounting Series #5)
RomanceAccounting Series Five (COMPLETED) "Closing entries is one of the most important cycles in accounting. It aims to transfer all the temporary accounts into permanent ones or either reset them to zero." Escaping from the disappointment and pain. Leav...
