Kabanata 9

2.4K 146 34
                                        

I was stunned into silence at that moment. Pilit kong hinahagilap ang tamang salita na isasagot sa kaniya ngunit wala. Bigo. Hanggang sa matapos ang gabing iyon, pakiramdam ko'y lumulutang ako sa kalangitan.

I shouldn't feel this way, right? Hindi dapat kumakalabog nang husto ang dibdib ko. Hindi dapat nagliliyab ang magkabilang pisngi ko sa mga salita niya. Hindi dapat nangangatog ang mga binti ko, hindi ko dapat nararamdaman ang mga paru-parong naglulumikot sa loob ng tiyan ko, at higit sa lahat. . . hindi dapat nagwawala ang sistema ko.

Simple lang naman iyong tanong niya, ngunit kahit lumipas na ang isang linggo, kapag naaalala ko iyon ay iba pa rin ang epekto sa akin niyon.

And I can't help but to shake with laughter whenever I remember our last conversation before we part ways that night.

"Kapag ano. . . puwede na ba akong manligaw?" he asked and let out a manly chuckle.

My heart doubled its pace but I was still able to give him a tiny smile. "Oo naman. Basta huwag sa'kin. . ."

His mouth fell open and before he could even protest, I turned my back and walked away.

Bumalik ako sa reyalidad nang magsalita si Nanay. Tapos na kaming maghain ng pagkain para sa hapunan at hinihintay na lang si Tatay para sabay-sabay kaming kumain. Kausap pa kasi nito sa Jolo at tila seryoso ang kung anumang tinatalakay nilang usapin. Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap na iyon at kaagad kong narinig ang pagpapaalam ng lalaki.

"Aalis ka na agad? Hindi ka na ba muna sasabay sa amin maghapunan?" tanong ni Nanay.

Umiling si Jolo at matipid na ngumiti. "Naku, hindi na po. Shy type po kasi ako kaya sa bahay na lang ako kakain pero kung pipilitin–"

"Hindi, Nay. Huwag ninyong pilitin," sabat ko pa dahilan para matawa si Jolo.

Tinapik ito sa balikat ni Tatay at bago tuluyang tumalikod ay tumango pa ito sa akin. Umupo si Tatay sa kabisera. Siya ang nag-lead ng prayer bago kami nagsimulang kumain. Like we always do, our dinner is filled with utmost happiness.

"Ano nga palang pinag-usapan ninyo ni Jolo?" tanong ni Nanay nang humupa ang tawanan.

"Ah iyon ba. . ." ani Tatay at pinunasan ang gilid ng kaniyang labi.

Patuloy lang ako sa pagkain na tila wala nang pakialam sa pinag-uusapan, ngunit ang hindi nila alam ay atentibo ang tainga ko sa pakikinig.

"Nagpaalam siya sa akin na simula raw bukas ay hindi na siya makakapamasada," ani Tatay.

Literal na natigilan ako sa pag-kain dahil sa narinig. My forehead creased as my brows furrowed. Pilit pa ring pino-proseso ang aking utak ang sinabi ni Tatay.

"Ano bang ibig mong sabihin? Hindi siya mamamasada bukas o hindi na talaga siya mamamasada kahit kailan?" dagdag na tanong pa ni Nanay.

"Hindi na siya magtratrabaho sa atin," paglilinaw naman ni Tatay.

Mas lalong lumalim ang gatla sa aking noo at naguguluhang tumitig aking ama. "Bakit daw? May problema ba?" I asked and trailed off. "Bakit. . . parang biglaan naman yata?"

Nagkibit balikat si Tatay. "Iyon ang hindi ko alam. Wala naman kasi siyang sinabi na dahilan kung bakit. Personal na rason daw kaya hindi ko na rin pinilit pang alamin. . ."

"G-Gano'n ba?" I uttered, almost a whisper but enough for them to hear.

Patuloy akong binabagabag ng isiping iyon kaya naman matapos kumain at maghugas ng pinggan ay nagdesisyon akong kausapin si Jolo. Una kong pinuntahan ang tindahan kung saan sila palagi tumatambay kaso sa kasamaang palad ay ni isang anino mula sa Kanto Teens ay wala akong nakita. Kaya naman sa huli ay nagdesisyon na lang akong pumunta kina Eloisa. Baka sakaling alam niya kung nasaan si Jolo o baka sakaling alam din niya ang sagot sa mga tanong ko. They're cousins afterall.

Closing Entries (Accounting Series #5)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon