"Fix and complete all the requirements for your on-the-job training. Also, do your assigned tasks and pass it on time. I wouldn't accept any excuses. I wouldn't give any consideration," Our Professor, Mr. Romualdez, announced using a stern and strict voice, "Class dismissed."
Tamad ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng silid. Palihim na lamang akong napailing. Napakasungit talaga no'ng Professor na 'yon! Akala mo palaging pinagkakaitan ng ulam sa bahay dahil palagi na lamang parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha!
Nagsimula nang maglabasan ang mga tao sa classroom. Ito na ang panghuling subject namin ngayong araw. Half day lang kami tuwing Tuesday pero hindi rin naman nakakatuwa dahil napakaraming gawain. 4th year na kasi kami ngayon at ang pag-assikaso ng requirements para sa gaganaping OJT ang isa sa mga pinagkakaabalahan naming lahat.
"Tara na! Hindi pa ba tayo lalabas?" tanong ni Shaeynna kaya naman napairap ako.
"Mauna ka na! Magkikilay at mag-aayos muna ako! Ayokong lumabas ng classroom na 'to na haggard ako!" wika ko at kinuha sa bag ang pouch ng make-up.
Napakamot siya sa ulo. "Mauuna na akong lumabas, ha? Tatawagan ko lang si Kean!"
I threw her a death glare. "Puro ka Kean! Baka busy sa pagre-review 'yong tao?!"
"Hindi 'yon!"
"Anong hindi? Hindi siya busy ngayon?"
"Hindi 'yon tao!" She roared with laughter as she left the classroom.
Natatawa akong umiling at pinagpatuloy ang pag-aayos ng sarili. Sanay na naman si Shaeynna na maghintay sa akin nang matagal. Sa ilang taon ba naman naming pagkakaibigan hindi pa sila masasanay sa akin?
Sayang nga lang kung nandito si Eloisa siguradong sunud-sunod na talak na inabot ko ro'n. Argh, I miss my best friend! Iba pa rin talaga kapag kumpleto kaming tatlo–but I do understand her situation. Sadyang hindi ko lang talaga maiwasang manghinayang kung minsan.
Sa aming magkakaibigan, kaming dalawa na lang ni Shaeynna ang naiwan dito sa University. Kean and Terrence already graduated. Lumuwas ng Maynila si Kean para pumasok sa review center doon, paghahanda sa nalalapit na board exam. Si Terrence naman, ewan, siguro gano'n din. Hindi na kami masiyadong nagkakausap kaya hindi ko alam kung anong mga ganap niya sa life ngayon.
Basta ang mahalaga, maganda ako. On fleek na ang kilay ko at hindi na ako mukhang maputlang tingnan dahil nakapag-apply na ako ng make-up.
After thirty minutes of pagpapaganda, I was ready to leave the classroom. Habang binabalik sa pouch ang mga makeup na ginamit ko ay nakasimangot na pumasok muli si Shaeynna sa classroom.
"Hindi ka pa ba tapos dyan? 'Yong manliligaw mo hinahanap ka sa labas," hindi maipinta ang mukhang aniya.
My brows furrowed. "Sinong manliligaw? The one from the engineering dept or the agriculture guy?" naguguluhang tanong ko.
Mas lalong nalukot ang mukha ni Shaeynna sa tanong ko. Aba malay ko ba kung sinong tinutukoy niya!
"Wala sa choices, sis. The Business Ad guy..." she corrected me.
My mouth formed into a circle. Tumayo na ako at isinukbit ang strap ng itim kong shoulder bag sa balikat. Hinawi ko ang aking blonde at hanggang bewang na buhok.
"Mauna ka nang lumabas. Magtatago ako ro'n sa may pinto, sabihin mo wala na ako!"
A line appeared between her brows pero hindi na nagreklamo pa. Kibit-balikat itong tumalikod at lumabas muli ng classroom. Dahan-dahan ang hakbang ko patungo sa sulok ng classroom para roon magtago. Mula rito, dinig na dinig ko ang usapan nilang dalawa sa labas.
BINABASA MO ANG
Closing Entries (Accounting Series #5)
RomanceAccounting Series Five (COMPLETED) "Closing entries is one of the most important cycles in accounting. It aims to transfer all the temporary accounts into permanent ones or either reset them to zero." Escaping from the disappointment and pain. Leav...