"Sige na anak, pumayag ka na. Sinadya ka talaga ng Tita Suzette mo dito." Pamimilit sa akin ni Mama. Kanina pa niya ako kinukulit dahil sa pakiusap ng kaibigan niya. Gagawin ba naman akong Tutor ng anak nila? My goodness!
"Ayoko nga Ma!" Naiinis kong sagot saka ako pabalibag na umupo sa kama ko. "Isa pa, ang yabang kaya ng anak ni Tita Suzette." Dagdag ko pa which is totoo naman. Kaklase ko siya kaya alam ko.
"Napaka harsh mo naman sa kaniya anak. Try mo lang and if it doesn't work, you can quit." Pangungumbinsi pa niya.
"Ngayon pa lang Ma, I quit." Mariin kong sabi sa kaniya saka ko itinaktak ang lahat ng laman ng bag ko. "Asan na ba kasi 'yon?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ano bang hinahanap mo diyan?" Tanong niya. Palabas na siya sa pinto ng kwarto ko. "Pagkatapos mo diyan, bumaba ka na at kausapin mo ang Tita Suzette mo regarding sa offer niya."
Tumango na lang ako habang hinahalughog ang gamit ko. Asan na ba kasi 'yong memory card na 'yon? Dito ko lang inilagay sa bag ko 'yon e.
At isa pa bakit kailangang ako ang maging Tutor ni Kent? Ang daming iba dyan at busy ako.
"Matagal ka pa ba diyan, Kaira?" Naririnig ko na ang boses ng Mama ko kaya naman agad akong lumabas.
-----
"I also heard na Scholar ka ni Governor Cobarrubias, that's why I chose you to be the Tutor of my son. Besides, you already know each other." Sabi ni Tita Suzette habang hawak ang dalawang kamay ko.
Nagkakamali kayo Tita, I know him by his name and attitude but we're not close. Nasabi ko na lang sa isip ko.
"So you're in silence now, does it mean you're agree and willing to be Kent's Tutor?" tanong pa ulit niya. Hindi na lang ako sumagot dahil alam ko naman na magmamaktol sa akin si Mama mamaya.
Hayst! Nakakainis talaga!
Matapos nilang makaalis sa bahay namin, minadali ko ng kumain ng hapunan at pagtapos noon ay pumasok na ako sa kwarto ko.
Gumagawa na ako ng assignment nang biglang tumunog ang messenger ko. Kent mentions me sa Group Chat namin, at bakit naman kaya?
Hindi ko naman naisip na mag reply pa, masasayang lang ang oras ko at isa pa busy ako.
-------
"Kaira!!" Isang nakakaalimpungat na tawag na may kasabay na sunodsunod na pgkatok sa pinto ng silid ko.
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko, umaga na pala. Nakatulugan ko na ang assignment ko, itutuloy ko na lang sa school mamaya.
"Kaira!!" Narinig ko na naman ang boses ni Mama, kaya naman, bumangon ako at binuksan ang pinto.
"Bakit ba Ma? 6:20 pa lang oh.." naiinis ko na namang sabi at ipinakita ko pa sa kaniya ang oras sa cellphone ko.
"Oo Kaira, maaga pa pero mahiya na Naman sa anak ng Tita Suzette mo. Kanina ka pa niya hinihintay."
"Huh?!" Nalito ako sa mga nangyayari. Bakit siya nandito? Hindi ko na natanong pa si Mama dahil bumaba na siya. Pasikreto ko na lang na siyang sinilipit dito sa may hagdan.
Gosh!!! Kinurot ko pa ang braso ko.
"ARAY!!" Pabulong kong tili. Hindi nga ako nananaginip.
Nagmadali along pumasok sa loob ng kwarto ko at agad kong binuksan ang messenger ko.
Goodness! Nag chat pala siya sa akin at hindi naman ako nag reply.
Naligo din ako agad dahil nakakahiya.
"Pinaghintay mo pa si Kent anak." Sabi ni Mama bago kami lumabas ng bahay.
"Hindi naman ako nagpasundo diyan e." Naiinis kong sabi. Napakaaga tapos ganito pa ang bubungad sa akin.
"It's okay Tita." Sagot naman nitong si Kent.
"Mag-ingat kayo." Paalala ni Mama bago bumalik sa loob ng bahay.
"Oh, isuot mo ito." Iniabot Niya sa akin ang helmet. Oh ayan na, hindi lang pala ang pagpunta niya dito sa bahay ang ikaiinis ko, pati pala itong rides niya.
Wala na rin akong magagawa. No choice ako. Kaya naman, ng maisuot ko na ang helmet ay umupo na ako sa motor niya.
"Kumapit ka. Baka ka mahulog." Paalala Niya. Ipinatong ko naman sa balikat niya ang mga kamay ko saka niya pinaharurot ang motor niya.
----
Bumaba na ako sa motor niya.
"Paano ba itong helmet mo? Ang hirap tanggalin." Pagmamaktol ko sa kaniya habang hawak ang belt lock ng helmet niya.
"Ako na nga." Hinila niya ang braso ko palapit sa kaniya kaya naman....
"ARAY!!" Sigaw niya sala hinawakan ang ulo niya.
"Papatayin mo ba ako?" Tanong niya habang sapo pa rin ng palad ang ulo.
"Hinila mo kasi ako." Pangagatwiran ko naman. Hindi na siya nagreklamo pa dahil kasalanan naman talaga niya.
Tinanggal niya ang lock ng helmet na suot ko at matapos noon ay iniwan ko na siya. Ayoko'g sumabay sa kaniya ano.
![](https://img.wattpad.com/cover/267628267-288-k567662.jpg)
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
RandomNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...