Kabanata 1

74 5 6
                                    

Isang malamig na tubig ang naririto sa CR. Nagdadalawang isip pa ako kung maliligo ba ako o magh-half bath lang. Naiisip ko rin na mag init na muna ako ng tubig.

"Hays ano na nga gagawin ko dito?" sambit ko sa sarili dahil hindi ko na namalayan na natulala na pala ako dahil sa pag iisip kung maliligo ba ako.

"Ay Oo, Maliligo! HAHAHAHHA" hagalpak ko na parang nababaliw. Kanina pa pala ako nasa CR,mahuhuli nanaman ako sa trabaho ko. Kailangan ko magtrabaho ngayon dahil magsesecond year college na ako. Dito ako sa Manila mag-aaral kaya kumuha ako ng apartment na matutuluyan, nasa ibang bansa kase ang aking Ina. Wala akong kapatid at wala rin akong ginagisnang Ama .
Hinubad ko na ang aking suot na pantulog at tsaka nagsimula ng magbuhos. Kahit may shower dito ay timba pa rin ang aking ginagamit, tipid -tipid din ng tubig. Dito na ako nagtrabaho sa Maynila kahit sa susunod na pasukan pa ako mag aaral dahil naaksidente ako kaya nahinto ako sa pag-aaral.

"Teka, maling bra pala ang nakuha ko. Tsk! Dun na lang ako sa labas magbibihis. " saad ko tsaka lumabas ng CR.

"H-HOY SINO KA?! " saad ko at akmang babatuhin ng bra. Ang gara naman kase, may isang lalaki ang nakahiga sa kama ko. Nakasuot pa ito ng unipormeng pangsundalo pero makaluma. Tumayo naman ang lalaki dahil sa pagsigaw ko at papikit -pikit pa.

"DIYAN KA LANG! HUWAG KANG LALAPIT! TATAWAG AKO NG PULIS! " sigaw ko at mukhang gulat na gulat ang lalaki at palinga -linga pa ito. Sinusuri nya rin ang buong kwarto na may pagtataka sa kanyang mukha. ABA! Kapal ng mukha!

"H-huh nasaan ako? Hindi ko maunawaan ang iyong tinuran Binibini. Tsaka bakit ganyan ang iyong suot? Para kang haligi. " usal nito at umiwas pa ng tingin.

"A-Anong haligi?! Umayos ka sa pagsasalita mo. Huwag mo akong hintaying manakit! Paano ka nakapasok dito?! " singhal ko sa kanya kaya napaupo na lamang sya sa aking kama na tila nag-iisip.

"Binibini huwag kang sumigaw, hindi kaaya-aya sa isang binibini ang sumigaw. Sige ganito, magpapaliwanag ako. Ang naalala ko lamang ay nasa Pasong Tirad kami nilalabanan namin ang puwersa ng mga Amerikano. Ngunit sa kasamaang palad hindi kami nagtagumpay,kakaunti lamang kaming nakatakas. Nalulungkot ako sa sinapit ng Heneral hindi sya nakaligtas, hindi ko rin batid kung bakit ako napunta dito. Iyon lamang at wala na akong iba pang maalala. " usal nito at may namumuo pang luha sa mata.

ISANG MALAKING SCAM! Anong sinasabi nito? Labanan sa pasong Tirad Tsk! Nasisiraan na ba sya ng ulo?! Kunwari malalim magsalita ng tagalog para mapaniwala nya ako sa kanyang kalokohan?!  Tsk!

"Anong labanan sa Pasong Tirad?! Duh It's 21st Century na magkakampi na ang bansang Amerika at Pilipinas!" saad ko at hindi inalintana kung mali ba ang pag-iingles ko.

"YUNG TOTOO, UMAMIN KA! PAANO KA NAKAPASOK DITO?! " dagdag ko pang saad dito.

"Binibini hindi ko nga alam, baka ikaw nga ang dumukot sa akin dito. Hindi ko ugali ang pumasok sa hindi ko naman tahanan. " nakakunot ang noo na usal nito. At ang kapal talaga ng mukha! Ako pa talaga ang dumukot sa kanya! Tsk!

"Ah ako pa talaga ah! " usal ko at pinaikot-ikot ang kamay at binato ko sa kanya ang hawak kong b-bra?! Siraulo!  Mali!  Tsk Hays!
Sumakto pa sa mukha ng lalaki ang hinagis kong bra sa kanya.

"Anong bagay ito? Napakaliit naman." usal nito at itinali pa ito sa kanyang ulo.

"H-Hoy Bastos! Ibalik mo yan! " sigaw ko dito at hindi malaman ang gagawin. Habang ang isang ito naman ay nakatayo lamang at hindi gumagalaw. Hindi nya pa rin inaalis ang bra ko na nakatakip sa mata kanya. Magmumukha syang alien, hindi ko alam ang gagawin kung Tatawa ba ako o magagalit dahil sa ginagawa nya.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon