Kabanata 14

12 2 0
                                    

It's been a week since nakaramdam si Vicente nang pagkahilo. Napapansin ko rin na nag iiba ang kinikilos n'ya. Lagi n'yang inaabala ang sarili n'ya sa pagsusulat sa notebook. Hindi ko alam ang sinusulat n'ya dun dahil nagagalit s'ya kapag tinitingnan ko. Ngayong araw din ang alis n'ya, pinagpilitan ni Sir Raven na doon muna raw tumira si Vicente. Hindi naman tumutol si Vicente, syempre gusto n'ya rin e.

"Huwag ka nang malungkot. Dadalawin naman kita rito." wika ni Vicente habang nag aayos ng kanyang mga gamit.

"Ako malulungkot? Ang saya-saya ko nga e." tugon ko rito. Syempre joke lang yun, mamimiss ko rin s'ya syempre.

"Edi ’wag. Hindi na lang ako magpapakita sayo kahit kailan." pagsusungit ni Vicente.

Natahimik naman ako dahil baka pag gising ko sa ibang araw hindi ko na s'ya makikita pa. Pinag resign na rin s'ya ni Sir Raven sa coffee shop.Ginawa s'yang houseboy sa bahay nila dahil hindi naman ito papayag na basta-basta na lang titira dun. Marunong naman s'ya sa gawaing bahay kaya sinang ayunan n'ya ito. Bukod doon sabi sakin ni Vicente masaya raw s'ya dahil lagi n'yang makikita si Goyo.

"Mag iingat ka dun ha." mahinahon kong saad. Napatigil naman ito sa kanyang ginagawa at mataman akong tiningnan.

"Magb-bonding tayo buong araw bago ako lumisan." tugon nito sa akin bakas ang malungkot nitong tinig.

Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa pintuan. Si Sir Raven na ito marahil kaya pinuntahan ko ito at pinagbuksan.

"Remz? Kasama ka pala?" pagtataka kong wika.

"Oo, may bonding kami e. Sama ka?" tugon nito. Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit si Sir Raven.

"Hindi pwede. Boys hangout toh e." singit ni Sir Raven. Napakasungit n'ya talaga kahit kailan.

"Bakit? Pwede naman ako maging one of the boy ah." pagpupumilit ko rito.

"Tsk! Hindi nga pwede. Nasaan si Vicente? Excuse me nga." tugon ni Sir Raven at pumunta sa sala kung saan naroon si Vicente. Naiwan naman si Remz kaya hinila ko ito sa gilid.

"Uy Remz. Baka sabihin mo kay Sir Raven ang tungkol kay Vicente ha. Malilintikan ka sakin." pagbabanta ko rito ngunit kinunutan lamang ako ng noo nito.

"Anong tungkol kay Vicente?" naguguluhang tugon nito.

"Diba sinabi ko naman sayo na nanggaling s'ya sa nakaraan. S'ya yung sinasabing misteryosong nawawalang ayudante ni Heneral Goyo." mariing bulong ko rito.

"Huh? Nababaliw ka na ba? Ngayon mo lang sakin sinabi yan. Nakakaloka ka. Tsaka anong nanggaling sa nakaraan? Pwede ka nang maging hisfic author." natatawang saad nito.

Paanong ngayon ko lang sinabi? Sinabi ko na yun since napunta si Vicente sa panahong ’toh ah.

"Ah hehe ganun ba? Biro lang yun." naguguluhang palusot ko rito.

"Paano ba yan? Aalis na kami." bungad ni Sir Raven. Nakangiti naman yung dalawa na animo’y may tinatagong sikreto. Kaunti lang ang dalang gamit ni Vicente dahil kakaunti lang ang gamit n'ya.

"Aalis na kami,Binibini. Mag iingat ka rito." tugon ni Vicente at nagpasalamat. Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil magiging tahimik na ang apartment ko.

"Sige,mag iingat din kayo sa pupuntahan n'yo. Niyaya rin ako ni Rafael lumabas ngayong araw e kaya hindi ako malulungkot." kinikilig na tugon ko ngunit si Remz ang tumili.

"Uy! Uy! Uy! Kumakarengkeng ka na HAHAHAH. Ninong ako sa kasal ah!" pagbibiro ni Remz at kinikilig pa ito.

"Sus! May magkakagusto ba sayo?" singit ni Sir Raven na umaastang nandidiri pa.

Long-time crush ko si Rafael, hindi ko nga alam kung bakit bigla-bigla na lang nagyaya na lumabas e.

"Hay nako! Inggit ka lang!" tugon ko rito. Nakakunot naman ang noo ni Vicente at ganoon din si Sir Raven.

"O s'ya sige. Aalis na kami. Bye." pangingibang usapan ni Sir Raven.
Nagpaalam na silang lahat at tuluyan nang umalis.

Nakaramdam naman ako ng lungkot kaya dumiretso muna ako sa sala upang manood ng TV. Maya-maya na ako mag aayos dahil 2 hours pa naman bago makarating si Rafael dito.

Nang bubuksan ko na ang TV napansin ko ang notebook na naiwan ni Vicente. Kaagad ko naman itong kinuha at binuklat sa unang pahina.

Noviembre 02, 2018

Basa ko sa unang pahina ngunit nabigla ako ng may biglang humablot sa notebook na hawak ko.

"Naiwan ko pala ang pinakamahalaga." kinakabahang saad ni Vicente.

"Wala akong nabasa." tugon ko rito.

"Kahit na, dapat hindi mo ito hinahawakan. Sige, aalis na ulit ako rito. Mag iingat ka sa Rafael na yan." malamig na tugon ni Vicente tsaka umalis.

Naupo na lang ako sa sofa at nanood. Wala rin akong maintindihan sa pinapanood ko dahil ang daming pumapasok sa utak ko. Nagtataka ako dahil wari ko'y nakalimutan ni Remz ang sinabi ko sa kanya. Sigurado naman akong sinabi ko yun. Nakalimutan n'ya ba o nagmamaang-maangan lang s'ya? Pero kung nakalimutan n'ya, marahil may kinalaman ito kay Vicente.
Hindi ko alam kung anong pagkalimot ba ang nangyari. Marahil nakalimutan n'ya kung ano ang katauhan o pinanggalingan ni Vicente ngunit kilala n'ya pa rin ito.

Hindi kaya nagkaroon ng tyansang malabong makabalik si Vicente sa panahon n'ya dahil unti-unting nakakalimutan ng mga taong nakakaalam sa katauhan n'ya kung sino s'ya? Kailangan ko gumawa ng paraan para hindi mabago ang kasaysayan. Kahit may parte sa akin na malulungkot ako kapag nakabalik na s'ya sa panahon nila. Pero hindi ko kailangan maging makasarili. Nakatadhana ang lahat ng mga nangyayari at wala akong dapat baguhin.

Naputol ang aking pag aagam-agam ng may tumawag sa aking cellphone.

"Good afternoon, Miss. Nasa byahe na'ko susunduin kita." tugon ni Rafael sa kabilang linya.

"Huh?! Hindi pa ako nakakapag ayos." gulat kong tugon dito. Masyado s'yang napaaga.

"Maganda ka na. And it's okay dahil traffic naman kaya may time ka pa." wika nito. Sinang ayunan ko na lamang ito at tsaka binaba ang cellphone. Dumiretso na'ko sa kwarto upang mag ayos.

Classmate ko rin si Rafael nung Elementary at High School ako. Schoolmate na lang ngayon dahil magkaiba kami ng course. Engineering ang kinuha n'ya at tourism naman sa akin. Sayang nga lang dahil naaksidente ako kaya hindi ko naituloy ang pag aaral ko. Mag aaral naman ako sa susunod na pasukan.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon