Kabanata 7

13 2 5
                                    

Isang napakalamig na gabi naman ngayon. Hindi umuulan pero napakalamig. Narito ako sa rooftop ng apartment na inuupahan ko. Iniwan ko muna si Vicente dahil hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya kung bakit n'ya sinabi yun sa aking Ina. Buti na lang at nadala ko pa sa paliwanag kay Mommy. Sinabi ko na isa s'yang Español na hindi pa gaano marunong magsalita ng English. Pero sanay sa wikang Tagalog, sinabi ko na lang na bago kong kaibigan na nagbabakasyon lang sa Pilipinas. Hindi pa naman makakauwi si Mommy ngayon kaya okay lang na nandoon muna s'ya habang inaalam namin kung paano s'ya makakabalik sa panahon n'ya.
Pero hanggang ngayon binabagabag pa rin ako kung anong dahil at napunta s'ya sa panahong ito. Mabuti pa nga at bumalik na muna ako para mapag-usapan namin iyon.

Nag unat-unat muna ako tsaka sinimulang ihakbang ang aking mga paa patungo sa apartment ko. Wala pang isang linggo na nandito sya pero nakakaramdam na agad ako ng lungkot sa oras na makabalik sya. Binuksan ko ang pintuan at agad na tumambad si Vicente at hinila ako papunta sa harap ng TV. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil wala akong gana makipag away ngayon.

"Tingnan mo! Nasa TV si Heneral!" saad ni Vicente na may bahid nang pagkagulat at naguguluhan. Statue lang ang nakalagay at mga pictures ni Goyo. Marahil paghahanda ng mga Bulaceño para sa pag alala sa kanyang kabayanihan ngayong darating na December 2. Sinasabi rin sa balita ang tungkol sa misteryosong pagkawala ng kanyang ayudante.

"Hindi kaya ikaw yung misteryosong nawawala d'yan?" seryosong saad ko at tsaka naupo sa sofa. Nanatili naman s'yang nakatayo at nagbitaw ng buntong hininga.

"Think of it. Ayudante ka at hindi mo alam kung paano ka napunta sa panahong ito." dagdag ko.

"Tama ka. Pero hindi ko maalala ang mga nangyari bago ako mapunta rito. Inaalala ko...aalalahanin ko." tugon nito at umupo sa aking tabi na may isang dipa ang pagitan.

"Anong araw ngayon?" tanong nito sa akin ngunit hindi ako binalingan nang tingin.

"Ika-3 nga ng Nobyembre. Kulit!" irita kong saad dito dahil kanina pa s'ya tanong nang tanong kung araw na. Hindi ba s'ya natutulog sa panahon nila?! Tsk!

"Hayst. Hindi pa ako inaantok. Kwentuhan mo na lang ako ng mga pangyayari sa panahon n'yo. Mahilig din kaya ako sa History noh! Minsan nga hinihiling ko na mag time travel ako at napadpad ako sa panahon n'yo. Masyado kaseng gentleman mga Ginoo noon! Tapos gusto ko maranasan yung hara-harana na yan, yung mga sinaunang panliligaw. Yung ipagsisibak ako ng kahoy at susungkitin ang mga bituin makuha lamang ako!" masiglang saad ko dahil mukhang nalulungkot s'ya. Binalingan naman ako nito nang tingin tsaka ngumiti at tumango-tango.

"Pero bago yun. Matanong ko nga, ano na ba ang panliligaw na ginagawa ng mga lalaki ngayon?" kunot noo n'yang tanong. Sus! Kung alam n'ya lang!

"Hay nako! Wala ka nang maaasahan sa mga lalaki ngayon! Karamihan ginagawang laro ang pag-ibig! Palibhasa kase text-text lang may girlfriend o boyfriend ka na. Hindi na dumadaan sa habulan ng itak! Kaya ito ako ngayon, single. Pero masaya naman." mahaba kong patutsada. Pero parang wala naman s'yang naintindihan sa sinabi ko. Hayst Vicente nga naman.

"Anong teks-teks? Bakit ginagawang laro ang pag-ibig? Samantalang kami noon luluha pa ng dugo. Kung tutol ang mga magulang mo sa pag-iibigan n'yo, talagang marami ang hahadlang sayo bago n'yo maabot ang altar. Ultimo kahit tabak ng itay sasaluhin mo."seryoso nitong saad na akalama mo ang lalim nang pinaghuhugutan sa buhay.

"Iba na kase ang henerasyon ngayon. Parang napapadali na ang lahat. Kadalasan hindi na nakukuha ang bagay na mula sa pinaghirapan. Kaya siguro may mga taong hindi talaga nakukuntento sa bagay na meron sila.Iba kase yung saya kapag nanggaling sa pinaghirapan. Kadalasan, tanging pagiging masaya lang ang mahalaga sa isang relasyon. Dahil sa saya, nakakalimutan na nating hindi lang sa saya umiikot ang pag-ibig." saad ko ngunit nanatili lamang s'yang tahimik.

"Pero ano nga ba ang pag-ibig?" dagdag ko rito at napalingon s'ya sa malayo.

"Napakalalim ng pag-ibig, puno ng panganib. Gaya ng isang rosas, sa napakaganda at halimuyak nitong bango. Hindi mo papansinin ang tinik na maaaring magdulot sayo ng sakit. Kapag nasaktan ka, bibitawan mo. At may pag-aalinlangan ka nang muling hawakan at pulutin. Ngunit ang tunay na mangingibig, hindi takot sa bawat panganib. Hindi rin puso lamang ang pinaiiral, kailangan mong gamitin ang utak para sa tamang direksyon ng pag-ibig. Kailangan mong putulin ang nagdudulot ng sakit. Katulad ng mga tinik sa rosas. Nagkakamali at nasasaktan ang tao dahil sa ibang paggamit at pagpapakahulugan nito ng pag-ibig." seryosong usal nito. Napakalalim naman ng sinabi n'ya. Tama nga ako, buti pa sa panahon nila sincere sila pagdating sa love.

"Wow! Ang lalim nun ah. Wala ka bang nobya na naiwan sa panahon n'yo?" pangangantyaw ko rito at sinisiko-siko pa s'ya.

"Huh?! Wala noh! May nakasulat ba sa aklat?! Nadadamay lang naman ako dahil kay Goyo. Kung sinu-sino ba namang mga binibini ang natitipuhan." saad nito habang pumapalag.

"Anong nakasulat ang pinagsasabi mo?! Nabura na sa aklat kase napadpad ka rito. Malamang ang huling nakasulat lang sa aklat ay yung misteryosong pagkawala mo! Ni hindi nga nakasulat dun pangalan mo e." singhal ko rito na ikinatahimik n'ya.

"Kung nabura sa aklat, bakit alam mo na ako ang ayudante ni Goyo?" tugon nito na may bahid nang pagtataka. Agad din naman akong napatigil. Kaya pala lahat ng pagr-research ko tungkol sa kanya walang lumalabas. Alam ko talambuhay n'ya at kahit pagkamatay n'ya pero walang lumalabas sa internet na ganoong impormasyon. Hindi kaya mabago ang pangyayari sa buhay n'ya dahil dito?

"Aba! Sinabi ko ba yun?!" pagmamaang-maangan ko rito dahil hindi ko rin alam ang mga nangyayari.

"Hindi mo ba sinabi? Guniguni ko lamang ata iyon. Dibale, susulitin ko muna ang mga oras ko rito habang hindi pa ako nakakabalik." tugon n'ya na halatang naguguluhan.
Ang hirap naman ng kalagayan n'ya.

"Osige na! May pasok pa tayo bukas sa coffee shop. Matulog na tayo, Vicente." huli kong tugon at tsaka s'ya tinalikuran. Marahan akong nahiga sa kama at dahan-dahang pumikit.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon