Kabanata 22

9 1 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas magmula nang makabalik si Vicente sa panahon n'ya. Abala na rin si Raven at Remz sa kani-kanilang mga trabaho. Samantalang si Semantha naghahanda upang bumisita sa Ama ni Rafael na nasa ospital. Nangako kase ito na pupunta s'ya pagkauwi n'ya galing Ilocos. At babalik din kaagaran dahil doon ito magt-trabaho bilang vocalist. Doon na rin s'ya mag aaral dahil pagsasabayin n'ya ang pagt-trabaho at pag aaral. Ipagpapatuloy n'ya ang kursong tourism na matagal n'ya ng pangarap. Gusto n'ya maging flight attendant para raw makarating sa iba't ibang bansa na libre.



Habang nag aayos si Semantha sa sarili napagawi ang lingon n'ya sa kwadernong iniwan ni Vicente. Nilapitan n'ya ito at hinawakan, hindi n'ya maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Kahit una pa lamang ay batid n'ya nang mawawala rin si Vicente. Binasa n'ya ulit ang papel na nakaipit dito, labis ang pagtataka n'ya kung bakit Vincent ang inilagay n'yang pangalan at hindi Vicente. Inakala n'yang iningles lamang ni Vicente ang kanyang ngalan. Ipinagtapat rin ni Vicente sa kwaderno ang kanyang misyon. Nakasaad dito, noong nasa labanan s'ya ng Pasong Tirad inakala n'yang doon na rin magtatapos ang kanyang buhay dahil nasawi na rin ang kaibigan nitong si Goyo. Nagawa n'ya raw humiling na ibig n'yang makita ang Pilipinas sa hinaharap. Ibig n'yang malaman kung matagumpay ba’ng naipaglaban nila ang Pilipinas. Hindi n'ya raw lubos akalain na matutupad ang kahilingan n'yang ito. Naalala n'ya raw ang lahat simula ng lagi n'yang pagkahilo. Masaya raw s'ya sapagkat nagbunga ang kanilang pagsasakripisyo, ngunit ganoon pa rin daw ang sistema sapagkat kapwa Pilipino sila-sila lang rin ang nagpapatayan. Gusto n'ya man daw manatili ngunit hindi ito ang panahong itinadhana sa kanya.

"Kung pwede lang na kahit ako na lang ang dumalaw sa iyo. Kahit ’di mo na'ko maalala. Gusto ko lang na maabot ka ng paningin ko, gusto kitang makita." wika ni Semantha at marahang ibinaba ang kwaderno. Kinuha n'ya na ang kanyang bag na naglalaman ng cellphone at tsaka lumisan.

"Kanina ka pa ba?" saad ni Rafael at bumaba ng kotse. Kung hindi pa ito bumaba at nagsalita hindi pa ito mapapansin ni Semantha dahil sa lalim ng iniisip nito.

"N-nandyan ka na pala. Nasa isang minuto pa lang ang paghihintay ko." tugon ni Semantha. Agad namang pinagbuksan ni Rafael ito ng pinto at tsaka pumasok.

"So kumusta sa Ilocos?" wika ni Rafael habang nagmamaneho.

"Ayos naman. Nakakapagod nga e." matamlay na tugon ni Semantha dahil naalala n'ya ang pag alis ni Vicente.

"Oo nga pala. Kumusta si Vincent?" dagdag pa nito. Ibig n'yang malaman kung ano ang naging lagay ng nakabungguan n'ya. Wala sa kanilang dalawa ang makakasuhan dahil walang nag apila rito. 

"Naging critical ang lagay n'ya noong December 2. Buti nga stable na s'ya ngayon sa awa ng Diyos." sambit ni Rafael. Iyon din ang araw kung kailan bumalik si Vicente.

"Nagising na ba s'ya?" dagdag na tanong ni Semantha.

"Oo, ilang oras lang pagkatapos n'ya maging critical. Miracle... sabi ng doctor ang bilis daw nang paggaling n'ya simula nang magising s'ya. Bihira lang daw ang may ganoong case. Sinuri na ang lagay nito kaya ngayon maaari na s'yang umuwi." mahabang saad nito at nabalot ng kuryosidad si Semantha.

"Mabuti naman kung gano'n. Gusto ko s'yang kumustahin. Pero magpahinga na muna s'ya." tugon ni Semantha.

Kinuha ni Semantha ang cellphone n'ya at nagsaliksik sa talambuhay ni Vicente.

"Nakabalik na nga s'ya." bulong ni Semantha. Naroon na rin ang mga impormasyong nawala nang mapadpad si Vicente sa panahong ito. Wala na ring nakasulat na hindi matukoy ang misteryosong pagkawala ng isang ayudante ni Gregorio del Pilar. Imposible naman na maging panaginip sa kanya ang lahat dahil may iniwan si Vicente na magpapaalala sa kanya. Kilala pa rin naman ito ni Remz at Raven. Naalala n'ya na inamin din ng dalawa na pinagpaplanuhan nila ang pagiging malapit sa kanya. Ang ipinagtataka n'ya lamang ay bakit kailangan pa ni Remz magpanggap na malambot. Sa katunayan daw ay may nililigawan na ito.

Pagkatapos ng ilang minuto nakarating na sila sa ospital. Ngunit bago iyon dumaan muna sila sa bilihan ng mga bulaklak at prutas. Bumili si Semantha ng prutas para sa Ama ni Rafael.

"Dito ka muna ha. Need ko muna makausap ang doctor ni Dad." wika ni Rafael nang makapasok sila sa ospital. Tumango naman si Semantha at naupo sa bakanteng upuan. Hindi naman s'ya nagugulat sa mga nakikita n'yang nadisgrasya simula nang maospital din s'ya.

"Makapaglakad-lakad nga muna." wika ni Semantha. Naglakad-lakad s'ya rito at palihim na sinusulyapan ang salamin ng bawat pinto. Karamihan sa mga pasyente rito ay mga bata at matanda. Nakaagaw pansin sa kanya ang awra na animo’y pamilyar sa kanya. Lumapit s'ya sa pinto upang hintaying humarap sa gawi n'ya ito.
Nagsasalita ang lalaki na tila may kausap. Sinilip naman ni Semantha ang kausap nito at nakita ang babaeng may matandaan na marahil ang Ina ng pasyente.

Nagulantang si Semantha ng biglang humarap sa gawi nya ang kanina n'ya pang tinitingnan.

"Hali ka na. Kanina pa kita hinahanap." saad ni Rafael kaya nawala ang atensyon ni Semantha sa lalaking tinitingnan n'ya. Bago ito magsalita nilingon n'ya ulit ito ngunit wala na ito sa pwesto n'ya.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" saad ni Rafael.

"Ah wala. Namamalikmata lang ata ako. May kamukha kase yung kaibigan ko." tugon ni Semantha habang nakatingin pa rin sa silid.

"Ah, d'yan yung room ni Vincent. D'yan s'ya nalipat nung nagising s'ya. Nasa apat ata sila d'yan e." sambit ni Rafael at sinilip din ang silid.

"Excuse me." tugon ng nurse nang mabuksan ang pinto ng silid. May dalawang lalaki ang nasa likod nito kaya hindi makita kung ang mga tao na nasa loob.

Nagbigay naman ng espasyo ang dalawa at humingi nang paumanhin.

"Gusto mo bang pumasok sa loob?" wika ni Rafael.

"Narito pa s'ya. Baka mamayang hapon pa ang uwi n'ya." dagdag ni Rafael.

"Ay nako, hindi muna. Tsaka na lang siguro. Tsaka Daddy mo yung ipinunta ko rito." tugon ni Semantha. Sa katunayan ay pakiramdam n'ya wala s'yang mukhang maihaharap dito kahit hindi n'ya kasalanan ang aksidenteng nangyari.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon