Kabanata 20

7 1 0
                                    

"Hoy Sem! Bilisan mo kung sasama ka." saad ni Remz habang kumakatok sa pintuan. Agad namang nagmadali si Sem sa pagbibihis. Hindi n'ya namalayan na kanina pa pala s'ya nakatulala at inaalala ang mga nangyari kagabi.

"Palabas na!" tugon nito at tsaka binitbit ang bag.

"Sabi ko sayo ’wag ka nang sumama e." pagtataray ni Remz dito. Nagpumilit lang si Semantha na sumama dahil gusto n'ya rin daw makita ang estatwa ni Gregorio.

"Tsk! Tara na kanina pa naghihintay sa kotse si Vicente at Raven." dagdag na sambit nito.

Nagmadaling bumaba ang dalawa at naabutan si Raven na nakasandal sa kotse na kanina pag naghihintay. Nakabusangot ang mukha nito at sinenyasan na lamang ang dalawa na pumasok na sa loob ng kotse.

"Kasama ka pala Sem." wika ni Raven habang habang nagmamaneho.

"Sasama talaga ako ’noh. Ano yun? Kayo lang ang pupunta sa Tirad Pass. Pekeng kaibigan." tugon ni Semantha.

"At tsaka bakit ayaw nyo'ko pasamahin?" dagdag pa nito.

"Panget mo kaseng kasama e." sambit ni Raven.

"Gusto mo bang patayin ulit kita kagaya nang pagkamatay mo sa nakaraang buhay mo?" halakhak ni Semantha na tila nasasapian. Gulat namang napalingon ang tatlo rito.

"Bakit? Ikaw ba yung Igorot sa past life mo?" tugon ni Raven.

"Oy! Diba Amerikano ang bumaril sayo?!" saad ni Semantha.

"Oo nga. Pero hindi ako mababaril kung hindi itinuro ng Igorot ang daan. Traydor!" wika ni Raven. Tinititigan naman s'ya ni Vicente kaya biglang natauhan si Raven.

"At tsaka bakit ako? Hindi naman ako naging Gregorio. Kamukha ko lang s'ya ’noh. Si Remz nga e kamukha si Telesforo Carrasco." dagdag pa nito kaya napalingon sa kanya si Remz.

"Kamukha? Di hamak na mas maganda pa ako dun." sabat ni Remz.

"Maganda ka ba? Tsaka lalaki si Telesforo ’noh." usal ni Vicente kaya tinarayan ito ni Remz.

"Oo nga naman." sabat din ni Raven.

Hindi naman kalayuan ang Tirad Pass ngunit masyado itong matarik. Kaya hindi nila madadala ang kanilang sasakyan pataas. Bawat madadanan nila ay may nakapaskil na tarpaulin bilang pag-alala sa kabayanihan ni Gregorio.

"Ano kayang kaganapan sa Bulacan?" bulong ni Raven. Buwan ng Nobyembre naghahanda ang mga Bulaceño para sa death anniversary ni Gregorio.

"Doon na lang natin i-park yung kotse." wika ni Remz.
Itinigil naman ni Raven ang kotse sa may parking lot at nagbayad sa nagbabantay dito.Bumaba na ang apat at kaagad na nilibot ang kanilang paningin.

"Tingnan n'yo banda roon. Pwede tayo magrent ng kabayo para mabilis tayong makarating sa estatwa ni Gregorio." wika ni Remz nang mabasa ang nakapaskil.

"Hindi ako marunong mangabayo." tugon ni Semantha. Natatakot pa ito dahil nung bata pa lamang s'ya ay nasipa ito ng kabayo.

"Sus! Aminin mo nang natatakot ka lang dahil nasipa ka ng kabayo noon." halakhak na sambit ni Remz. Nag init naman ang ulo ni Semantha nang makitang pinagtatawanan s'ya ng tatlo. Bukod sa ayaw n'yang maalala ang bagay na 'yon ay hindi talaga s'ya marunong.

Magkasamang kumuha ng kabayo si Raven at Remz kaya naiwan ang dalawa.

"Nako! Mukhang uulan pa." wika ni Vicente habang nakatingin sa kalangitan.

"Oo nga ’noh. Sana hindi tumuloy." tugon ni Semantha. Sa katunayan ay naiilang ito dahil sa mga nangyari kagabi.

"Oo nga pala. May ipagtatapat ako. Yung sinabi ko sayo kagabi, hindi ’yon totoo. It's just a dare. Nung wala ka, naglaro kami nila Loisa." malamig na usal ni Vicente. Agad namang natigilan si Semantha sa sinabi nito.

"A-ano?" wika ni Semantha.

"It's just a da--"

"Hindi mo dapat ginagawang biro ang bagay na ’yan. Hindi mo iniisip ang mararamdaman ng tao. Para mo na rin’g pinaglalaruan ang damdamin nito." pagputol ni Semantha sa sasabihin nito. Pumipiyok pa ito habang pinipigilan ang pagtulo ng luha. Tinalikuran n'ya na lamang si Vicente at tumakbo papunta kung saan naroon sila Raven.

"An’yare sa’yo?" wika ni Raven. Pansin nitong namumula ang mata ni Semantha.

"Pinuwing ako ni Vicente." tugon ni Semantha at tsaka kinusot-kusot ang mata.

"Siraulo talaga ’yon." sambit ni Raven. Umakto na lamang s'yang naniniwala dahil batid n'yang hindi ito ang dahilan.

"Tara na! Raven kunin mo yung dalawa." sambit ni Remz nang matapos ma-fill up-an ang mga papel.

Hila-hila ni Raven ang dalawang kabayo at isa naman ang kay Remz.

"Mapupunta ang pinaka malaking kabayo kung saan sasakay si Sem." wika ni Remz.

"Dito sa akin!" ngiting tugon ni Raven. Mas gusto nitong sak’yan ang malaking kabayo. Hindi naman sila nagkaproblema sa kabayo dahil marunong ang mga itong magpaamo.

"Ano? Paunahan?" sambit ni Raven nang makasakay na sila sa kabayo. Sumang ayon naman ang dalawa maliban kay Semantha na bumilis ang kabog sa dibdib.

"Ano?! Nanggagago ka ba?!" sambit ni Semantha ngunit tila walang narinig si Raven.

"Mahuli panget!" sigaw ni Raven at kaagad na pinakaripas ang takbo sa kabayo. Napakabilis nang pagpapatakbo nito kaya todo ang kapit ni Semantha kay Raven.
Nangunguna si Raven samantalang nahuhuli si Remz. Maingat ang pagpatakbo ni Remz samantalang ang dalawa ay buwis buhay.

"Mukhang uulan!" sigaw ni Vicente. Kaagad nga namang bumuhos ang napakalas na ulan kaya binagalan nila ang pagpapatakbo sa kabayo dahil baka madulas ang mga ito.

"May silungan malapit sa estatwa ni Gregorio." wika ni Raven. Tumungo sila kung saan naroon ang estatwa at hindi naman sila nabigo. Maliit lamang ang silungan kasya rito ang limang tao.

"Sem. D'yan ka lang. Maghahanap kami ng pwedeng pagtalian ng kabayo." saad ni Remz.

"Mag iingat ka rito...palagi." mahinang sambit ni Vicente. Tumango-tango na lamang si Semantha rito kahit masama pa ang loob nito sa kanya.

Sinusundan ni Semantha ng tingin ang tatlo hanggang sa mawala ito sa paningin n'ya.

Pagkalipas ng 30 minuto wala pa ang tatlo. Bumuhos ang napakalas na ulan kaya labis ang pag aalala ni Semantha.

"Ang tagal. Parang hindi na'ko babalikan e." wika ni Semantha. Nililibang na lamang n'ya ang sarili sa pagc-cellphone kahit walang cignal. Sa katunayan ay nalulungkot ito sa huling sinabi ni Vicente. Animo’y may iba itong sinasabi.

Maya-maya lang ay natanaw n'ya si Raven at Remz. Naglalakad ang mga ito at basang-basa ng ulan.

"N-nasaan si Vicente?" kinakabahang saad ni Semantha. Hindi naman nagsalita ang dalawa at bakas ang lungkot sa mga mukha nito kaya mas lalong kinabahan si Semantha.

"H-huy! Nasaan si Vicente?" ulit na pagtatanong ni Semantha. Iniabot ni Raven ang kwadernong hawak nito. Kaagad na kinuha ito ni Semantha nang makitang pag aari ito ni Vicente. 

"Umalis na s'ya." mahinang tugon ni Raven. Bumuhos ang luhang kanina pang pinipigilan ni Semantha. Nabitawan n'ya ang hawak nitong kwaderno at tumakbo patungo sa huling lugar kung saan n'ya nakita si Vicente. Sinasambit nito ang ngalan ni Vicente habang umiiyak.

"Vicente! Nasaan ka?!" sigaw ni Semantha.

"Sem! Halika na dito baka mahulog ka! May bangin d'yan!" wika ni Raven. Hindi n'ya makita ito dahil sa lakas ng ulan at kapal ng hamog.

Maya-maya lang ay natagpuan ito ni Raven na nakaupo sa ilalim ng puno. Nilalamig at animo’y wala sa sarili.

"Umuwi na tayo." mahinahong wika ni Raven at inalalayan sa pagtayo si Semantha.

"Kanina pa ako naghahanap. Nandyan lang pala kayo." hinihingal na usal ni Remz.

"Mahina na ang ulan. Tara na" tugon ni Raven. Tumungo sila kung saan naroon ang kabayo. Nandoon pa rin ang kabayong sinakyan ni Vicente.
Hawak-hawak ni Remz ang lubid na nakatali sa kabayo ni Vicente habang nakasakay ito sa kabayo n'ya.
Habang nakasakay si Semantha sa kabayo nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang naalalayan ito ni Raven kaya hindi ito nahulog. Binilisan nila ang pagpapatakbo ng kabayo upang makarating sila sa kanilang sasakyan.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon