Kabanata 6

24 3 8
                                    

"Oh ano Vicente, kumusta? Alam mo na ba ang gagawin mo?" tanong ko kay Vicente habang pinupunasan ko ang lamesa. Tumayo naman ito sa kanyang kinauupuan at tsaka inagaw ang basahan na aking hawak hawak at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng lamesa.

"Madali lamang naman pala Binibini ang trabahong ito, pansin kong ang mga tao ngayon ay bihasa sa wikang Ingles. Nakakaintindi at nakakapagsalita naman ako ng wikang Ingles kaya hindi ako mahihirapan na makipag usap sa kanila. Marahil ang aking iiwasan na lamang ay ang pagsasalita ng tagalog na hindi naaangkop sa panahong ito."saad ni Vicente at marahan na umupo, nakakunot din ang noo nito na tila malalim ang iniisip. Hays, baka marahil ang ipinagtataka nya ay ang pagiging bihasa ng mga Pilipino sa wikang Ingles. Naalala ko hindi ko pa pala sa kanya nasabi na nasakop kami ng mga Amerikano.

"A-ayos yan, tara na. Umuwi na tayo.."pangingibang usapan ko. Hindi pa ito nakakasagot ay agad ko na itong hinila sa kanyang kinauupuan. Nagpaalam na kami sa aming Amo at pati na rin sa aking mga naiwan na kasamahan.

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo?"pagtataka kong saad kay Vicente dahil kanina pa nakakunot ang noo at tila nababagot.

"Lagi na lamang tayo nauunahan sumakay, marahil aabutin na tayo ng isang oras dito. Tsk! Kung nadala ko lamang ang aking kabayo dito, edi sana malapit na tayo sa inyong tahanan!"inis na tugon ni Vicente at sumipa pa sa hangin kaya napatingin ang ibang tao na nag aabang rin ng jeep.

"Loh,pogi sana kaso parang may sayad."bulong ng isang babae,mabuti na lamang at hindi narinig ni Vicente. Muntik pa akong matawa kaya malamig akong tiningnan ni Vicente.

"Anong nakakatawa?"malamig na tugon nito kaya agad akong napalunok.

"H-huh? Tumatawa ba ako? Hindi naman ah! Napaka OA mo kase, hindi na uso ang kabayo dito noh!"saad ko kay Vicente habang pinipigilan pa rin ang pagtawa. Magsasalita pa sana ito ngunit kaagad ko na siyang hinila ng may tumigil na jeep sa harap namin.

"Sa wakas nakasakay din!"saad ko habang pinupunasan ang pawis na tumatagaktak sa aking noo, napakainit at siksikan kami rito. Agad ko naman na nilingon si Vicente sa aking tabi, pilit niyang inaalis ang buhok na dumidikit sa kanyang mukha dahil sa babaeng katabi nya na feeling endorser ng shampoo.

Kinalabit ko na lamang ang babae at agad na binigyan ng ponytail upang itali sa kanyang buhok. Mahirap na at baka kung ano pa ang magawa ng isang ito, kanina pa hindi maipinta ang mukha.

--

"Binibini, ano ang ibig mong kainin? Magluluto ako"nakangiting saad nito sa akin. Tsk, kani-kanina lang daig pang babaeng may dalaw.

"Kahit ano lang."matamlay kong saad at tsaka binuksan ang TV,sakto namang nakipag video call ang aking Ina kaya agad akong nag ayos ng aking sarili,sinenyasan ko naman si Vicente na manahimik ngunit dumudungaw ito sa aking cellphone.

"A-ano ka ba Vicente,magluto ka na lang dun."pagtitimpi na saad ko sa kanya at tinulak ito papalayo. Umalis pa itong nakakunot ang noo, huminga muna ako ng maluwag bago sinagot ang tawag ng aking Ina.

"Hi sweetie, Kumusta? Kumain ka na ba?"pagtatanong ng aking Ina sa kabilang linya, palihim ko naman inayos ang aking sarili at bahagyang ngumiti.

"Yes Mom,how about you? kailan ka po uuwi rito? I really miss you na."naiiyak kong tugon dito, ilang taon na rin kaming hindi nagkakasama. Pinagmasdan ko ang mukha ng aking Ina na tila may tinitingnan sa aking likuran. Laking gulat ko ng makita si Vicente na nakadungaw sa aking cellphone at nakakunot pa ang noo.

"S-sino sya Hija?"nakakunot noong saad ni Mommy.
"K-kai-"
"Boyfriend nya po"pagputol na saad ni Vicente sa aking sasabihin,napasapo na lang ako sa aking noo at hindi malaman ang sasabihin. Sinilip ko ang reaksyon ni Mommy, and guess what? Gulat at parang natutuwa pa ito.

"No Mom, h-hindi yun totoo!"saad ko dito.
"Dalaga na ang anak ko."saad ni Mommy habang nangingilid pa ang luha nito. Jusku naman!
Matalim kong tinitigan si Vicente ngunit nananatiling walang reaksyon ang kanyang mukha.

"Ikaw kaya ang unang nagsabi non, boyfriend mo ako Binibini"usal nito at mahinang tumatawa. Napakapogi nya pala pag tumataw- tsk! Teka! Erase! Erase! Saad ko sa aking sarili at mahinang ginugulo ang buhok.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon