Kabanata 8

16 3 6
                                    

Isang mahinang katok ang gumising sa akin. Marahan akong bumangon at tsaka nag inat-inat. Kinusot-kusot ko pa ang aking mata at tsaka kinuha ang cellphone na nakapatong sa maliit na lamesa. Alas 5 pa lang ng umaga nanggigising na s'ya. Alas 8 pa ang pasok namin. Oo nga pala, huminto muna ako ng pag-aaral dahil naaksidente ako. 2 months din akong nakaratay dahil nabangga ang  kotse na minamaneho ko. Second year college na ako sa susunod na pasukan. Tourism ang aking kurso.

"Binibini, gising na. Mahuhuli tayo sa trabaho. Luto na ang almusal." saad ni Vicente.

"Ang aga-aga pa eh. O s'ya sige, susunod na ako." tugon ko rito at tsaka niligpit ang kama. Agad naman akong pumasok sa CR at tsaka naghilamos.

Pagpunta ko sa kusina ay handa na ang pagkain. Sinangag na kanin, pritong itlog at talong ang nakahanda sa lamesa. Hinding-hindi talaga mawawala sa tabi n'ya ang Milo at gatas naman para sa akin, para raw tumangkad ako. 5'5 na height ko naliliitan pa rin s'ya sa akin.

"Okay Vicente, lead the prayer." saad ko at pumikit. Kaagad n'ya namang sinimulan ang pagdadasal. Nung mag-isa lamang ako sa apartment ko hindi ko kinaugalian ang pagdadasal bago kumain. Kaya masasanay na akong magdasal dahil nandito si Vicente.

Pagkatapos n'yang magdasal ay sinimulan ko nang kumain. Kakaiba sa pakiramdam kapag kumakain ng ganitong oras. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito.

"Mamaya pala pagkatapos natin sa trabaho pupunta ulit tayo ng Mall. Nakalimutan ko bilihan ka ng cellphone. Tuturuan naman kita kung paano gumamit. Para habang nandito ka, sa oras na malayo ka sa akin may koneksyon pa rin tayo." pagbasag ko sa katahimikan. Tumango-tango naman s'ya at ipinagpatuloy ang pag kain. Hindi nga pala ugali ng mga Pilipino noon na magkwentuhan habang nasa hapag kainan kaya hindi na ako nagsalita pa.

Pagkatapos ng isang oras at kalahati, nakahanda na rin kami bago umalis. 6:30 pa lang pero ayos na yun dahil paniguradong traffic na naman. Narito kami sa kalsada at nag aabang ng sasakyan. Ganitong oras pa lamang ay puno na agad ng mga pasahero ang jeep kaya napagdesisyunan na lang namin na mag taxi na lang.
Hindi naman kami nabigo sapagkat may tumigil din sa harap namin. Pinauna ko munang pasakayin si Vicente dahil baka kung ano pa ang mangyari.

Nakatingin lamang si Vicente sa bintana. Marahil naninibago pa rin. Hindi ko alam kung nasisiyahan ba s'ya sa kanyang nakikita. Buti nga hindi si Jose Rizal ang napadpad dito e, ako mismo mahihiya sa mga kabataan.

"Anong tingin yan, Vicente?" tanong ko rito.

"Wala, nasisiyahan lamang ako." tugon nito sa akin ngunit hindi pa rin ako binabalingan nang tingin.

"Huh? Meron bang nasisiyahan na nakakunot ang noo?" taka kong saad sa kanya. Nakita ko naman ang pagtingin ng driver sa pamamagitan ng salamin at tsaka ngumiti.

"Saan ko kayo ibababa?" mahinahong tanong ni Manong.

"Sa may Demeter coffee shop po Manong." tugon ko rito. Malapit na rin pala kami, natatanaw ko na ang coffee shop.

Pagkahinto ng sasakyan ay kaagad na akong nagbayad at bumaba.
"Ang mga nangyayari ay nakatadhanang mangyari. Huwag mong babaguhin kung ayaw mong habambuhay maghintay sa kanya." pahabol na saad ni Manong at tsaka tuluyang umalis. Naiwan ako na may halong pagtataka. Hindi kaya may alam si Manong tungkol dito? Kaagad ko naman tinanong si Vicente kung narinig n'ya ang sinabi ng driver pero wala raw s'yang narinig at marahil daw ay guniguni ko lang yun. Dumiretso na kami ng pasok sa coffee shop. 24 hours naman itong bukas kaya hindi na kami maghihintay pa. May 30 minutes pa bago ang duty namin pero nagbihis na agad kami. Pinaalala ko kay Vicente ang trabaho n'ya, hindi naman mahirap. Nangangamba lang ako dahil baka may makaaway itong customer.

"Vicente, tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka ha. Nandoon lang ako sa harap." saad ko rito at tumango naman s'ya. Isa rin naman s'ya sa crew kaya hindi s'ya mawawala sa paningin ko.
Pagpatak ng alas 8, pumunta na kami sa aming mga pwesto.

"Good morning. What is your order, Sir?" unang bati ko sa customer. He's a police base sa kanyang suot.

"One hot brewed coffee please." tugon nito at tsaka tumingin sa kanyang relo. May katangkaran ang lalaking ito, moreno at kulay tsokolate ang mata. Pamilyar s'ya sa akin na tila ba nakita ko na kung saan. Naagaw naman ni Vicente ang aking atensyon. Kahit ilang dipa ang layo namin ay nakita kong tinitingnan n'ya rin ang kausap ko na tila namumukhaan n'ya. Nakakunot pa ang noo nito at nakapamewang pa. Nagtama naman ang tingin nilang dalawa kaya nagulat si Vicente ngunit blangko lamang ang ekspresyon ng mukha ng mamang pulis. Magsasalita na sana ako upang itanong kung anong pangalan ang ilalagay sa cup ngunit nauna s'yang magsalita.

"Raven. Take out." tipid na saad nito.

"Okay Sir. We'll call you when your drink is ready." tugon ko rito at kaagad naman s'yang naupo sa bakanteng upuan.
Binalingan ko naman si Vicente nang tingin. Kahit may ginagawa ito napapansin kong sinusulyapan n'ya ang pulis. Ano ginagawa n'ya at ganon s'ya sa pulis?

After a couple of minutes tinawag ko na si Sir Raven. Raven pangalan n'ya base sa pinalagay n'yang name sa cup, kung sa kanya yun. Agad naman s'yang nagbayad at nagbitaw nang ngiti bago umalis. Nakita naman ito ni Vicente at iiling-iling pa pagkatapos umalis ng mamang pulis. Bakit ganyan makaasta si Vicente? Parang antagal n'ya nang kilala ang pulis na yun.

Hanggang alas cingko lang ang duty namin sa coffee shop. Kaya pagpatak ng alas cingko agad na kaming nagbihis. Pupunta pa kami ng mall para bumili ng cellphone n'ya, baka magpaalis-alis na rin s'ya habang inaalam ang misyon n'ya. Para may koneksyon kami kung saan ko s'ya hahanapin.

"Bakit ganoon na lang ang tingin mo sa pulis kaninang umaga? Pag yun napikon sayo baka ipadampot ka." pagtatanong ko rito habang nag aabang kami ng sasakyan.

"Hindi mo ba s'ya namumukhaan? Kamukha n'ya si--" hindi n'ya natuloy ang kanyang sasabihin ng may biglang nagpaputok ng baril at nagsitakbuhan ang mga tao.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon