Kabanata 18

9 1 0
                                    

Alas 6 ng umaga nang umalis ang apat papuntang Ilocos. Halatang puyat si Semantha dahil sa pagp-practice ng kanta nila ni Vicente sa opening ng resto ni Remz. Masigla pa rin naman ang mga mata ni Vicente dahil sanay ito sa pagpupuyat.

"Anong oras tayo makakarating?" wala sa wisyong saad ni Semantha.

"Ewan. Ako ba ang nagmamaneho?" tipid na sagot ni Vicente. Nasa unahan si Remz at Raven habang yung dalawa ay nasa likod. Si Raven naman ang nagmamaneho dahil kotse nito ang kanyang dala.

"Ikaw ba tinatanong ko?!" wika ni Semantha kaya naalimpungatan si Remz na kanina pang tulog. Napailing-iling na lang ito dahil sanay na s'ya sa gano’ng sistema ni Vicente at Semantha.

"Bakit? Sinasagot ko na nga tanong mo. Ikaw pa ang galit d'yan. Ang sama talaga ng ugali mo." usal ni Vicente at ibinaling na lang ang atensyon sa kwadernong hawak nito.

"Ano sinusulat mo d'yan?" pangingibang usapan ni Semantha at akmang aagawin ito kay Vicente ngunit agad namang nailayo n'ya ito.

"Ako isinusulat mo d'yan noh? Syempre masama ako d'yan, kwento mo ’yan e." wika ni Semantha at isinandal ang ulo nito sa bintana at tsaka pumikit.

Kalahating oras ding nanahimik ang byahe dahil nakatulog si Semantha. Pinagmasdan ito ni Raven upang kumpirmahing tulog na ito at tsaka nagsalita.

"Vicente, sasama ka ba sa amin ni Remz sa Tirad Pass? Balak mo ring pumunta roon diba?" wika ni Raven kaya gulat na napalingon si Vicente sa kanya.

"Paano mo nalaman?" nakakunot noong tugon ni Vicente.

"Kase hilig mo yun diba? Patungkol kay Gregorio." sambit ni Raven. Nawala naman ang pagtataka ni Vicente rito kaya itinuon n'ya ulit ang atensyon sa kwadernong hawak nito.

"Malapit na tayo. Doon sa may malaking puno na maraming lanterns." singit ni Remz kaya agad na nagising si Semantha. Isinara naman ni Vicente ang hawak nitong notebook at inilagay sa bag nito.

Ilang minuto lamang ay nakarating na sila. May mga empleyado na rin ang nag aayos para sa opening mamaya. Pinagtitinginan na rin ito ng mga taong napapadaan.

"Wow! Vintage!" manghang saad ni Semantha at nagpicture-picture pa.

"Vicente! Halika picture tayo." dagdag nito at hinila si Vicente. Maganda ang pagkakakuha ng larawan dahil pareho itong nakangiti. Silang tatlo na lamang ang naiwan, nauna na si Remz para kausapin ang mga empleyado nito.

"Tama na yan. Dadalhin ko na muna sa loob ito." wika ni Vicente. Kinuha n'ya na rin ang mga gamit ni Semantha at Raven tsaka tumungo kung saan naroon si Remz. Pinagtitinginan pa ito ng mga babaeng empleyado kaya napakunot ang noo ni Semantha.

"Sem." sambit ni Raven kaya napalingon dito si Semantha. Kinunan naman ito ng larawan ni Raven ng lingid sa kaalaman ni Semantha kaya naging katawa-tawa ang itsura nito.

"Ano ba yan?! Di nang inform ampota!" inis na tugon ni Semantha. Inagaw pa nito ang cellphone ni Raven upang burain. Maganda ang itsura ni Raven sa larawan ngunit animo’y nagmukha s'yang alien sa larawan na ’yon.

"Akin na!" saad ni Vicente at inagaw muli ang cellphone n'ya rito.

"Ulitin na lang natin. Mukha kang sumpa rito e." dagdag ni Raven.

Naka peace sign ang dalawa at parehong nakangiti. Nang makita ito ni Semantha hindi na ito umangal. Niyaya n'ya na lamang si Raven upang puntahan ang kwarto nila nang makapagpahinga.

"Remz. Dito ba ang silid ko?" sambit ni Semantha. Spanish style ang pagkakayari sa tahanang panuluyan ni Remz.

"Hindi. Dun kayo sa second floor nila Raven at Vicente." tugon ni Remz. Dahil doon daw magpapahinga ang mga tumutugtog sa banda. Tumango-tango na lang si Semantha at tumungo sa second floor kung nasaan ang kanyang silid.
Napakaganda ng lugar na ito, tanaw ang mga bundok. Halos karamihan na natatanaw nito ay mga hacienda kaya tila nakabalik s'ya sa panahon ng mga kastila.

"Kaya pala nawala kayo bigla nandito na kayo." saad ni Semantha nang makita si Raven at Vicente na naghahabulan ng parang mga bata. 20 años na si Vicente samantalang si Raven ay 24 na.

"Ano naman? Are you jealous?" maarteng tugon ni Vicente dito.

"Don't tell us na nagseselos ka. Edi tawagin mo si Rafael at gayahin n'yo kami. Tara doon sa puno ng mangga Vicente!" wika ni Raven at tsaka bumaba ang dalawa.

Sinilip ni Semantha ang dalawa na tumatakbo na tila nagpapaunahan sa puno ng mangga.

"Mga muntanga lang HAHAHHA!" saad ni Semantha at tsaka pumasok ng kanyang silid upang magpahinga. Alas 6 ng gabi ang opening kaya may ilang oras pa ito upang magpahinga.

"Ano ba ’yan?! Hindi ako makatulog. Tsk!" banas na saad nito dahil kanina pa s'ya nagpapaikot-ikot sa higaan upang makatulog.
Napagdesisyunan na lang nitong bumaba at bumungad sa kanya si Vicente at Raven na nagkakape.

"Uy ampogi nila noh. Lalo na yung Raven yung pangalan." bulong ng isang babae habang nagkakabit ng lantern sa bintana.

"Hindi noh. Mas pogi yung isa. May dimple pa kapag ngumingiti. Aackk!" kinikilig na tugon naman ng isa.

Tiningnan naman ni Semantha si Vicente at nakita n'ya itong todo ngiti at tawa. Hindi naman tutol si Semantha sa sinabi ng babae dahil nakakaagaw pansin nga rito ang ngiti ni Vicente.

"Luh. Papansin talaga s'ya sa mga babae." bulong ni Semantha at diretsong lumabas. Tinawag pa ito ni Raven ngunit hindi n'ya ito nilingon.

Naghanap-hanap s'ya nang matatambayan. Dumako ang paningin n'ya sa dalawang puno ng acacia. May duyan pa rito na nakatali kaya mas mainam na gawing pahingahan.

Tumungo s'ya rito, tiniyak n'ya pa na hindi ito mapuputol.

"Hindi yan mapuputol."

Nagpalinga-linga naman si Semantha kung sino ang nagsalita.

"Nandito sa taas." dagdag pa nito kaya tumingin sa taas si Semantha. Nakita n'ya rito ang lalaking nakaupo sa sanga. Moreno, matangos ang ilong at may mala-anghel na mukha.

"Ikaw lang pala. Akala ko kapre." wika ni Semantha.

"Bakit ka ba nandyan? Pagkakamalan ka talagang kapre e." dagdag panito kaya bumaba ang lalaki.

Kulay tsokolate ang mga mata nito lalo na't kapag nasisinagan ng araw. May katangkaran at maamo ang mukha.

"Lorenzo Ildefonso pangalan ko. Purong Pilipino." ngiti nito.

"Ako yung guitarist sa amin. Mamaya para sa opening. Sayang naman ang itinuro sakin ng Lolo ko kung hindi ko magagamit diba?" dagdag pa nito at tsaka naupo sa ilalim ng puno.

"Ah edi kasama ka namin." masiglang saad ni Semantha.

"Ikaw pala yung babaeng vocalist na sinasabi ni Sir Remz? Ano na nga ulit pangalan mo? At tsaka yung isang lalaki?" sunod-sunod na tanong ni Lorenzo.

"Yes po ako nga. Semantha Dizon name ko pero tawagin mo na lang akong Sem. Tsaka Vicente naman pangalan nung kasama ko." wika ni Semantha at napatango-tango naman si Lorenzo rito.

"Lorenzo! Sino na naman yan? Halika muna rito." saad ng lalaking nasa pinto ng resto at nakangiti pa ito ng nakakaloko.

"Mauna na muna ako Sem. Tawag na naman ako ni Javier. Mamaya na lang ulit, ingat ka d'yan." paalam ni Lorenzo at tsaka tumungo sa lalaking tumatawag sa kanya.

Base pa lamang sa reaksyon ni Javier alam na ni Semantha na tila babaero si Lorenzo kaya napailing-iling na lang ito.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon