Kabanata 5

34 3 4
                                    

Napamulat ako sa malambot na bagay na dumampi sa aking labi. Hindi ako nakagalaw nang makita na magkalapat ang labi namin ni Vicente sa isa't isa. Ngunit agad naman siyang natauhan at kaagad na tumayo.

"Patawad Binibini! Hindi ko sinasadya!" Usal nito at yumuko pa,pansin ko ring tumatagaktak ang kanyang pawis. Nanginginig din ang kanyang kamay at hindi makatingin sa akin ng diretso.

Umupo na lamang ako sa Sofa dahil nahihirapan akong ibuka ang aking bibig dahil sa pangyayari.

"WAHHHHH ANG FIRST KISS KO!" sigaw ko habang naluluha pa at kaagad na pumasok ako sa aking kwarto.
Sinaraduhan ko ang pinto at kaagad na ni-lock,kaagad akong lumundag  sa kama at tsaka nagtalukbong ng kumot.

SHIT! 19 PA LANG AKO PERO NAWALA NA FIRST KISS KO! huhu dahil lamang sa isang aksidente ay nawala na!

"Pero in fairness ang lambot ng labi nya" mahina kong sambit at hinawakan ang labi ko.
T-TEKA! ANO?! MALI MALI! HINDI KO GINUSTO ITO!

Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagbabasa ng libro, makalimutan lang ang pangyayari kanina.
Haysss Oo nga pala, ipapaalam ko na si Vicente sa aming amo. Kulang pa kase ang crew sa coffee shop kaya naghahanap ang amo namin. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa at tinawagan ang aming amo, wala pang isang minuto ay sinagot nya naman ito.

"M-magandang tanghali po."nahihiya kong tugon sa kabilang linya at narinig ko naman ang pagtikhim ni Sir Vladimir.

"Magandang tanghali din, don't worry si Remz na nagpaliwanag kung bakit hindi ka nakapasok ngayon. Mayroon ka daw na hindi inaasahang bisita."tugon nito sa kabilang linya. Hays Salamat naman! Mainitin din kase ang ulo nitong si Sir Vladimir!

"Since tanghali pa naman, kung gusto mo pwede ka naman humabol. Marami kaseng customers ngayon e, kulang tayo ng crew."nababagot na dagdag nito. Sumagi sa isip ko si Vicente,naghahanap nga pala iyon ng mapapasukang trabaho.

"Ah sir! Sakto yung bisita ko po ay naghahanap din ng trabaho pansamantala. P-pwede po ba?"kinakabahan kong tugon dito.

"Magandang balita iyan! Oh ano papasok ka ba ngayon? Isama mo na rin sya!"natutuwang usal nito at tsaka nagpaalam dahil dumadagsa na raw ang mga customer duon.

Inayos ko muna ang aking mga kalat at binuksan ang pinto tsaka lumabas.

"Vicente! Vicente!"pagtatawag ko dito at tiningnan ang bawat sulok ng bahay. Hays marahil nanonood nanaman sya.

"N-nariyan ka lang pala,magbihis ka at pupunta tayo sa pinapasukan kong trabaho."naiilang kong tugon dito. Shocks ano ba yan! Naalala ko nanaman ang nangyari kanina!

"B-binibini patawad sa nangyari kanina. Hindi ko sinasadya, magdodoble ingat na ako sa aking mga kilos sa susunod. P-patawad muli."nakayukong usal nito na parang iiyak na.

"A-ayos lang iyon,ano ka ba?! Walang may gumusto sa nangyari! Kaya magpalit ka na ng damit."masayang saad ko rito para mabawasan ang pagka ilang na nararamdaman namin.

"Saan na nga ulit tayo pupunta? Hehe"nahihiyang tugon nito at nagpakamot kamot pa sa ulo. Ulyanin din pala ang isang ito.

"Sa pinapasukan kong trabaho, tinawagan ko ang amo ko kanina. At Oo pasok ka na sa trabaho."usal ko dito at tsaka nakita ko ang pagguhit ng kanyang ngiti sa kanyang mga labi.

"TALAGA?! KUNG GANON AY MAGHAHANDA NA AKO!"natutuwang tugon nito. Hays eto nanaman sya,sumisigaw nanaman!

"Doon kita pinapasok dahil babantayan ko ang bawat kilos mo. Wala ka sa panahon mo Vicente kaya mag-iingat ka at huwag mo rin hayaan na may makatuklas pa sa iyong sikreto!"seryosong tugon ko dito ngunit nakangiti lamang sya.

"Opo,kamahalan."tugon nito at tsaka nagbigay galang pa. Ang weird talaga ng Koronel na ito!

"Kamahalan amp! Magbihis ka na huy! Baka maabutan tayo ng traffic!"sigaw ko rito. Tumango naman siya at pumasok na sa kwarto upang magbihis.

Pumasok na rin ako sa kwarto pero bago yun ay tiningnan ko muna ang kusina, baka naiwan nanamang bukas ni Vicente ang lutuan.

Duon na siguro ako magpapalit ng damit pantrabaho, white jeans at t-shirt muna ang susuotin ko. Baka magalit nanaman si Lolo Vicente at ipagpipilitan na taghirap na ang Pilipinas sa tela!

Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay may kumatok na sa aking pintuan. Bilis naman matapos ni Vicente, halatang excited!

"Sandali lang"tugon ko dito. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay lumabas na ako. Bumungad naman si Vicente at sinuri pa ang aking kasuotan.

"Mabuti naman at hindi mahalay tingnan ang iyong kasuotan. Halika ka na Binibini!"usal nito at tumungo na sa pintuan para lumabas.

-

Sa jeep na lang kami sumakay,wala kase akong makitang taxi. Ilang na ilang pa ang kasama ko dahil sa katabi at kaharap nya. Hays ang kanilang mga suot,tiyak na magrereklamo nanaman sa akin si Vicente, laging tela na lang ng Pilipinas ang naisisingit kapag may nakikita siyang ganito.

"B-binibini, malayo pa ba tayo?"iritadong saad nito. Nilingon ko naman ito at laking gulat ko ng may isang babae ang nakapatong sa balikat nya. Nakabusangot ang mukha ni Vicente at halatang hindi nagugustuhan ang kanyang lagay.

Naputol ang aking sasabihin ng biglang pumreno ang driver. Muntik pa akong mapasubsob kay Vicente at yung babae naman na nakasandal kay Vicente ay muntik ng tumilapon sa unahan. Mabuti na lang at nakakapit din si Vicente dahil kung hindi, titilapon din sya.

"Dios Mio!"saad ni Vicente kaya ang iilan ay napalingon sa kanya. May iba pang natatawa dahil sa babaeng  sumubsob. Paano ba naman kase, ang lawak lawak pa ng upuan kay Vicente pa sisiksik. Para-paraan din si Ate HAHAHAHAHA

"Para po Manong!"sigaw ko dahil naririto na kami. Agad na akong bumaba at hinila si Vicente dahil mahirap na baka maiwan pa ulit.

Pumasok na ako sa coffee shop habang hawak hawak pa rin si Vicente. Dahil baka basagin pa nito ang salamin na pinto dahil sa hindi nya alam kung paano buksan! Naku po HAHAHAHA

"Oh mabuti naman at narito ka na. Siya na ba ang ipapasok mo?"usal nito at tsaka pinagmasdan si Vicente. Bumati naman si Vicente at nagbigay galang.

"Siya na nga po,pero wala pa po siyang experience sa ganito sir. Isinama ko lang ho para alam nya na ang kanyang gagawin para sa pagpasok nya."usal ko dito habang si Vicente naman ay palinga linga.

"It's okay,ayos itong ipinasok mo ah. Sure ako na dadagsain ito ng mga customer lalo na ng mga girls."saad ni Sir Vladimir at ngumiti pa. Wow firstime ko lang si Sir makita na nakangiti HAHAHA.

"Ako na ang bahala sa kanya, magpalit ka na ng damit para makapagsimula."dagdag pa nito.

"Oh Vicente tandaan mo bilin ko ha. Dito ka muna."saad ko kay Vicente at tumango tango naman sya.

Disente tingnan si Vicente,hindi mahahalata na galing pa siyang ibang panahon.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon