Kabanata 4

39 3 9
                                    

"Bakit walang lumalabas sa google?" usal ko sa sarili dahil kanina pa ako nagse-search patungkol kay Vicente Enriquez pero walang lumalabas. Kanina pa kami nakauwi ni Vicente, sumakay na lang kami ng taxi dahil hindi raw kami masusundo ni Remz. Kakabihis ko pa lamang ay sa laptop na kaagad ako humarap,hinayaan ko muna si Vicente na nanonood sa sala,mabuti na rin iyon dahil importante itong aking gagawin. Baka magtanong sya sa talambuhay nya at sa mga pangyayari pagkatapos ng labanan sa Pasong Tirad. Marahil ay magtatanong pa iyon kung nasakop kami ng mga Amerikano.

Habang naghahanap ako sa google ay may napansin akong nakalagay na Battle of Tirad Pass. Kaagad ko itong pinindot dahil alam ko na kasama si Vicente Enriquez sa labanang ito. Dito rin nagwakas ang buhay ng Batang Heneral na si Gregorio del Pilar.

Napakunot na lamang ang aking noo ng may nabasa akong nakasaad na mayroon daw isang Koronel na nawawala matapos ang labanan sa Tirad Pass. Hindi pa raw natutukoy kung sino ito magpahanggang sa ngayon. Ayon naman sa mga nakatakas sa labanan sa Tirad Pass ay kasa-kasama pa daw nila ito ngunit kalaunan ay bigla na lang daw naglaho. Ang nababatid lamang daw nila ay isa itong Koronel ngunit hindi matandaan ang ngalan. Kahit anong pilit daw nilang alalahanin ay hindi pa rin nila matandaan. Ang haka haka naman ng iba ay marahil daw ay nahulog sapagkat matarik ang bundok na kanilang pinaglabanan.
Ang sabi naman ng iba ay marahil kasama rin ito sa nasawi at kaluluwa na lamang ang nagpakita sa kanila.

Hindi kaya si Vicente ang kanilang tinutukoy? Koronel din si Vicente at napadpad pa sa panahong ito. Ang kwento pa ni Vicente magmula ng mapadpad sya dito ay nakipaglaban pa daw sila sa Tirad Pass laban sa puwersa ng mga Amerikano. Tiyak na sya nga ito...hindi ako maaaring magkamali!

Naisara ko na lamang ang aking laptop ng may kumatok sa aking pintuan. Hays! Muntik ko nanaman masira! Lintek!

"Binibini? Kumain na tayo. Nagluto ako ng paella!" usal ni Vicente kaya tumayo na ako at nagtungo sa pinto upang buksan. Bumungad naman sa akin si Vicente na naka apron pa. Wow naman,paano nya nalaman kung paano suotin at para saan yung apron?

"Nagtataka ka marahil kung saan ko natutunan ang bagay na ito. Napanood ko lamang sa bagay na hugis kwadrado.. ano ngang bagay iyon Binibini?" wika nito habang nakakunot ang noo. Alam talaga na nagtataka ako,husay nga naman.

"Ah TV ang tawag dun Vicente. Halika na,nagugutom na ako!" saad ko habang nakahawak sa tiyan. Agad na akong nagpunta sa kusina,nakahanda na rin ang mga pinggan at baso maging ang kutsara't tinidor. Pinagsandok ko muna siya ng kanin,bago naupo.

"Alam mo na lahat ng bagay dito ah! Sa TV mo nanaman ba iyan napanood?" Usal ko dito, susubo na sana ako ng pagkain ngunit inagaw nya sa akin ang kutsara.

"Binibini! Hindi pa tayo nagpapasalamat sa Maykapal para sa pagkaing nakahatag sa hapagkainan!" Usal nito kaya napatameme na lang ako. Nag umpisa na siyang pumikit at nagdasal kaya pumikit na rin ako.

Napakasarap nya magluto! Dinaig pa ako! Kahit anong pag-aaral ko sa pagluluto ay hindi pa rin napapasarap ang aking luto.
Makapagpaturo nga minsan.

"Binibini,kanina ko pa napag isipan na ibig ko muna magtrabaho pansamantala habang hindi pa ako nakakabalik sa panahon namin. Bukas na ako maghahanap ng trabaho,para may maitulong naman ako sa panggastos sa pang-araw-araw sa iyong tahanan." Seryosong sambit nito habang nagpupunas ako ng lamesa. Nakaupo ito at nakatingin lamang sa kawalan.

"Huh? Sigurado ka ba dyan? Tsaka wala naman problema sa mga gastusin dito e. At tsaka baka mapagtripan ka pa ng mga tambay sa kanto! Higit sa lahat baka maligaw ka pa!" Seryosong usal ko dito. Iba na kase ang panahon ngayon! Baka may makaalam pa ng sikreto nya.

"Nababagay lamang sa isang Ginoo ang magbanat ng buto! Tsaka nakakahiya naman Binibini,nakikitira na nga lamang ako dito tapos ikaw pa magtatrabaho para sa mga gastusin!" Wika nito na parang ayaw papigil. Napabuntong hininga na lamang ako at tsaka tumango-tango dito. Tiyak na hindi nanaman ito papipigil,laging may sariling desisyon sa buhay.

"Osige,ganito na lamang. Total naghahanap pa ang boss namin ng crew sa coffee shop ay ikaw na lamang ang ipapasok ko." Saad ko dito at kita ko naman ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. Ganda ng ngiti, bagay maging model ng close up! HAHAHHAHA

"Kaya ako'y sa iyo e!" Ngiti nito sabay kindat. Hindi naman maiwasan ang pag init ng aking pisngi. Hala! Ba't ang init ng pisngi ko?!

"Binibini,ibig kong panoorin yung mga magagandang dilag. Yung tila isang laruan kumilos? Alam mo ba iyon? Aksidente ko lamang nailipat." Usal nito habang nakapahalumbaba.

"Huh? Magagandang dilag? Halika,hahanapin na lamang natin ulit." Usal ko at tsaka hinila si Vicente papuntang sofa sa harap ng TV. Anong magagandang dilag tinutukoy nya?

Binuksan ko ang TV at inilipat lipat ang channel. Tinatanong tanong ko muna ito kung iyon ba ang kanyang tinutukoy bago ilipat uli sa ibang channel.

"Oh, iyan na ba?" Nauubos pasensya kong saad dahil kanina pa ako palipat-lipat ng channel.

"Ayan! Nakuha mo!" Sigaw nito at napapalakpak pa. Napakaingay! Mababasag eardrums ko sa isang toh!

"Ano?! Barbie?! Sure ka?! Yan talaga yun?!" Hindi makapaniwala kong saad. Dahil isang sundalo at Koronel ba naman ang manonood ng ganitong palabas?! Ako nga hindi nanonood nyan e,mas gusto ko pa ang horror at barilan!

"Oo! Sigurado ako iyan yun!" Sigaw pa nito kaya napatakip na lang ako ng tenga

"Sus Ginoo! Mga babae at binabae lang ang nanonood nyan! Siguro isa ka ring binabae noh! Umamin ka!!" Pang aasar ko dito kaya siningkitan lamang ako ng mata nito.

"Binibini,hindi ako isang binabae! Ibig ko lamang panoorin iyan dahil mukha silang mga prinsesa!" Naiinis na tugon nito.

"Sige,kung ayaw mo namang panoorin ko iyan matutulog na lamang ako." Dagdag pa nito at tsaka tumayo mula sa kinauupuan.

"Hala! Nagbibiro lang ako e!" Usal ko at agad hinila ito pabalik sa upuan. Sa kasamaang palad nawalan ng balanse si Vicente at  bumagsak ito sa akin kaya napahiga na rin ako sa Sofa.

Bigla na lamang ako napamulat ng may naramdamdaman akong pagdampi sa aking labi.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon