Kabanata 13

11 2 0
                                    

Third Person's POV

Nagsimula nang tumugtog ang aawitin ni Raven. Dalawang mikropono ang meron kaya ibinigay n’ya ito kay Vicente samantalang si Semantha ay nakaupo lamang at pinapanood ang dalawa habang kumakain ng popcorn. Natawa pa s'ya nang lumingon sa kanya si Vicente, batid n’yang hindi nito alam ang kanta.

"Oh diba sabi mo napapag-aralan naman ang daloy ng kanta HAHAHA!" pangangasar nito kay Vicente. Hindi na ito nakapagsalita pa nang magsimula nang umawit si Raven.

Ipagpatawad mo aking
kapangahasan.
Binibini ko, sana’y
maintindihan.
Alam kong kailan lang
tayo nagkatagpo.
Ngunit parang sayo
ayaw nang lumayo.
Ipagpatawad mo,
ako ma’y naguguluhan.

Isang napakagandang tinig ang ibinulalas ni Raven. Damang-dama nito ang awit at palihim na sinulyapan si Semantha. Ibinaling naman nito ang atensyon kay Vicente at siniko senyales na s'ya na ang susunod na kakanta. Lito man si Vicente pinilit pa rin nitong umawit.

Di ka masisi na ako
ay pagtak’han.
Di na dapat ako pag
tiwalaan.
Alam kong kailan lang
tayo nagkatagpo.
Ngunit parang sayo
ayaw nang lumayo.
Ipagpatawad mo minahal
kita agad.

Kahit ngayon pa lang n'ya ito narinig at inawit hindi s'ya naging palyang awitin ito. Namangha pa si Semantha at ngumiti naman si Raven. Tumayo pa ang dalawa habang magka akbay at tila sinasabayan ng galaw ang awitin.

Aah~ minahal kita agad.
Aah~ minahal kita agad.
Ipagpatawad mo..

Sabay na awit ng dalawa at nakisabay na rin si Semantha.

"Hoy babae! Ikaw naman ang kumanta!" saad ni Raven.

Walang alinlangang kinuha ni Semantha ang mikropono ni Vicente. Kumunot pa ang noo nito dahil nawiwili s'yang umawit ngunit wala na s'yang mikropono. Naupo s'ya sa sofa at pinagmasdan na lamang ang dalawang umawit.

Minahal kita, aah~
Agad-agad, aah~
Sana naman ipagpatawad
mo.
Ang malabis na kabilisan
ko.
Ngunit ang lahat ng
ito’y totoo.

Sabay na awit ng dalawa na hindi na namalayan na sila’y magkaakbay na. Si Vicente ay kumakain na lamang dahil matutunaw na ang ice cream.

"Hmp! Hindi bagay." ismid ni Vicente habang nakatingin sa dalawa. Umalis ito sa kinauupuan at pumunta ng kusina upang kumuha ng tubig inumin dahil nananakit ang kanyang lalamunan.

Nang matapos ang kanta napansin ni Semantha na wala na si Vicente sa kanyang kinauupuan. Nagpaalam ito kay Raven at tango lamang ang itinugon nito dahil nawiwili ito sa pagkanta.

Una nitong pinuntahan sa kusina dahil kusina lamang ang laging pinupuntahan ni Vicente. Hindi naman s'ya bigong nasumpungan ito.

"Oh? Bakit ka nandito?" seryosong usal ni Vicente at tsaka uminom ulit ng tubig.

"Sungit mo naman. Ikaw na nga itong hinahanap e." pagtatakang tugon ni Semantha dahil sa ikinikilos ni Vicente.

"Umiinom lang ako ng tubig. Dun ka na kay Goyo." sambit ni Vicente tsaka tinalikuran si Semantha at umikot pa ang mga mata nito.

Nagtaka naman si Semantha kaya sinabihan n'ya na lamang si Vicente na sumunod dahil baka hinahanap na sila ni Raven.

"Tsk. Pumunta nga." bulong ni Vicente at sumunod kay Semantha kung nasaan ang kinaroroonan nito. Habang papalapit s'ya nakita n'ya ang dalawa na nagtatawanan. Pumagitna ito sa dalawa at umakbay ito kay Goyo.

"Ako ba pinagtatawanan n'yo?" sambit ni Vicente.

"Huh? Sino ka ba?" taas kilay na tugon ni Semantha kay Vicente.

Lumingon naman si Vicente kay Raven ngunit nakatitig ito kay Semantha. Palihim n'ya itong hinarangan at umastang nasamid.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo may katok sa pintuan ang nakapagpahinto sa kanilang ginagawa.

"Tsk! Bahala ka nga d'yan." saad ni Semantha at pumunta sa pintuan. Laking gulat n'ya nang makita kung sino ang kumakatok.

"Uy Remz! Akala ko magiging busy ka?" gulat na saad ni Semantha at pinapasok si Remz. May dala itong maleta at mga prutas.

"Haysst yun na nga e. Pupunta sana akong Paris ngayon kaso may emergency." tamlay na tugon nito.

"Halika sa sala. Nandoon si Vicente at Sir Raven. Nagkakatanhan." usal ni Semantha at kinuha ang maleta ni Remz bakas sa mukha nito ang pagtataka nang marinig n'ya ang pangalang Raven.

Nagkagulatan ang dalawa nang makita nila ang isa't isa. Habang si Vicente ay nabigla rin sa biglaang pagdating ni Remz.

"Remz?!" gulat na sambit ni Raven.

"Magkakilala kayo?" pagtatakang tugon ni Semantha. Tumango-tango naman ang dalawa.

"Oo naman Sis! S'ya ang boyfriend ko!" tugon ni Remz at hinawakan ang kamay ni Raven.

"Huh?!!" gulat na gulat si Semantha at Vicente. Sinusuri pa nito ang dalawa.

"Ano ka ba Remz?! Bitaw nga!" angal ni Raven at napasimangot naman si Remz.

"Walang namamagitan sa’min noh. Magkababata kami. Kung wala s'yang naikukwento sa inyo na kababata kasalanan n'ya na yun. tsk!" dagdag na saad ni Raven.

"Ah Oo. Naikwento n'ya na sa akin hindi nga lang binanggit kung anong pangalan. Nagkahiwalay kayo dahil naging abala ka sa pagpupulis mo." sambit ni Semantha. Nakangiti naman si Vicente habang pinagmamasdan si Remz at Raven animo’y bumalik sa alaala nito nung sila ay nasa Pasong Tirad ngunit kinalaunan nakaramdam ito ng hilo na kaagad namang napansin ni Raven.

"Vicente, ayos ka lang?" pag aalalang tanong ni Raven at hinawakan ito sa braso.

"Oo,nakaramdam lang ako ng hilo." tugon ni Vicente na kaagad namang nagkatinginan si Remz at Raven. Kumaripas naman ng takbo si Semantha papuntang kusina.

Inalalayan ni Raven at Remz si Vicente na maupo sa sofa. Pagbalik ni Semantha may dala itong tubig sa baso na kaagad namang pinainom kay Vicente.

"Magpahinga ka na lang muna Vicente. Sa ibang araw na lang natin ito ituloy. Hinding-hindi ka makakapaghinga habang may ingay." pag-aalalang wika ni Semantha. Tahimik lamang ang tatlo at wala sa kanila ang may balak magsalita. Tumama naman ang paningin ni Vicente sa kwaderno na nakapatong sa maliit na lamesa na katabi ng TV na ibinigay sa kanya ni Raven.

"Siguro aalis na muna kaming dalawa ni Remz para makapagpahinga si Vicente. Tawagan n'yo na lang ako kapag may hindi magandang nangyari. Vicente, magpagaling ka ha." pamamaalam ni Raven. Sinang ayunan naman ito ni Semantha ngunit si Vicente ay nakatingin lamang sa kwaderno.

Bago umalis ang dalawa sinulyapan muna nila si Vicente na may bakas nang pag aalala.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon