Kabanata 19

5 1 0
                                    

Unang bukas pa lamang ng resto ni Remz marami na ang mga customer dito. Maganda ang lugar dito na tiyak na naging patok sa mga nature lover. Maayos at disiplinadong pumipila ang mga customer upang makapasok nang maayos. Halos karamihan dito ay mga magkasintahan. Nang makapasok na ang karamihan makikita rito ang banda, si Vicente at Semantha na naghahanda sa isang maliit na entablado.

"Uy Vicente. Ready ka na ba?" usal ni Semantha kay Vicente. Lumingon naman sa kanya ito at ngiti lamang ang itinugon. Posturang-postura ang ayos nito kaya halos karamihan sa mga kababaihan ay sa kanya ang tingin.

"Good luck sa atin." sambit ni Lorenzo at tsaka isinukbit ang gitara.

"Ahm miss. Pwede bang mag request ng song?" wika ng estranghero. Sinuway naman ito ng kasama n'yang babae na marahil ay kasintahan n'ya ito.

"Sure! Pero may additional fee. HAHA just kidding. Sige ano yun?" tugon ni Semantha habang si Vicente ay nanatiling tahimik lang.

"Ikaw nga by South Boarder." ngiting sambit nito. Mahahalata sa awra nito ang hindi mapalagay. Alalang lumingon naman si Semantha kay Vicente ngunit tumango lamang ito sa kanya senyales na alam n'ya ang awit.

Nagsimula nang tumugtog ang banda at tila si Semantha lang ang kinakabahan dahil unang beses n'yang umawit sa harap ng maraming tao.

Heto na naman
Nag-iisip,minsa’y nagtataka.
Na sa’kin na ang lahat
Bakit nangungulila?

At nang makita ka
Ibang sigla aking nadarama.
Pag-ibig nga ba ito
Ako'y nangangamba.

Nais kong ipagtapat sa’yo
Sana’y dinggin mo
Ang lihim ng pusong ito.
Kahit na tayo’y magkaibang mundo.

Halos na kay Vicente ang atensyon ng karamihan. Kahit ang mga naka focus sa pagkain at pag inom ay naagaw nito ang atensyon dahil sa napakalamig at napakaganda nitong boses.

Ikaw nga, ang s'yang
hanap-hanap.
Kay tagal na ako'y
nangarap.
Lumuluhod, nakikiusap.
Ako ay mahalin mo sinta.

Ikaw nga, ang s’yang
magbago.
Sa akin, sa aking buhay.
Handang iwanan ang
lahat.
Para lang sa’yo sinta.

Sabay na awit ni Semantha at Vicente. Maganda ang kombinasyon ng kanilang tinig na kinagiliwan ng lahat. Biglang tumayo ang lalaking nagrequest ng kanta at kinalaunan ay lumuhod sa harap ng kanyang kasintahan. Inilabas nito ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing.

"Trillions of stars but I'd always admire the brightest one. Will you be my light for the rest of my life? Will you marry me?" kinakabahan ngunit sinserong wika ng lalaki. Napakatip naman sa bibig ang kasintahan nito at maluha-luha s'yang tinitigan.

"Say yes!" sigaw ng mga tao sa loob.

"Y-yes! I do." masayang tugon ng kasintahan nito. Sinuot ng lalaki ang singsing sa daliri nito, tumayo ito at nagdampi ang kanilang mga labi dahil sa labis na kagalakan. Umiwas naman ng tingin si Semantha maging si Vicente.

"Ayiiiee!"
"Ss. Stay strong!
"Ninong ako pare!"
"Pakain sa kasal!"

’Yan ang karamihang sigaw ng mga nasa loob. Sa kabilang banda masayang-masaya naman si Remz dahil unang bukas palang ng kanyang resto ay may isang kaganapan na ang hindi malilimutan.

Nang makilala ka
Ibang saya aking nadarama.
Alam kong pag-ibig ito
Anong ligaya.

Nais kong ipagtapat sayo
Sana’y dinggin mo
Ang lihim ng pusong ito.
Kahit na tayo’y magkaibang
mundo.

Ikaw nga, ang s'yang
hanap-hanap.
Kay tagal na ako'y
nangarap.
Lumuluhod, nakikiusap
Ako ay mahalin mo sinta.

Tuloy na pag awit ng dalawa na animo’y mayroong hindi maamin.
Bakas sa mga tinig nito ang matinding emosyon kaya napakaganda ng daloy ng kanilang inaawit.

Sa kabilang banda makikita si Raven na abala sa pagc-cellphone na kalaunan ay lumabas din dahil sa pagkabagot.

Ilang oras din ang pag awit ng dalawa kaya minabuti na muna nilang magpahinga. Walang kaso naman iyon dahil sadyang may kasalitan sila sa pag awit.

"Excuse me." wika ni Semantha sa lalaking nakaharang sa pintuan. Nagbigay naman ito ng espasyo at humingi nang paumanhin.
Dumiretso si Semantha sa ikalawang palapag kung saan malapit ang kanyang silid. Tumambay muna ito sa corridor at pinagmasdan ang mga bituin na nagkikislapan.

"Napakaganda mo ngayon." wika ni Vicente at tumabi kay Semantha na may isang dipa ang layo. Hindi namalayan ni Semantha na nakasunod pala si Vicente sa kanya.

"Lagi." tipid na tugon ni Semantha.

"Sino naman may sabi n'yan?" pang aasar ni Vicente rito kaya matalim s'yang tiningnan ni Semantha.

"Sa tingin mo. Bakit kaya gano’ng kanta ang ni-request nung lalaki kanina habang nag aalok ng kasal?" pangingibang usapan ni Semantha.

"Dahil ’yun din ang kinanta n'ya nung naging kasintahan n'ya ang binibini. At mula noon ’yun na ang paboritong kanta nilang dalawa. Narinig ko lang haha!" tugon ni Vicente.

"Chismoso talaga oh!" halakhak ni Semantha.

"Trillions of stars but I'd always admire the brightest one." bulong ni Vicente habang nakatingin sa pinakamaningning na bituin.

"Ganda ng accent mo ah." manghang tugon ni Semantha.

"Sa lahat ng liwanag na nakikita ko. Ikaw at ikaw pa rin ang hahanapin ko." sinserong wika ni Vicente.

"Gusto kita.." dagdag pa nito at diretsong tinitigan sa mata si Semantha.

"H-huh?" naguguluhang tugon ni Semantha. Inilabas naman ni Vicente ang pulang rosas na hawak nito at ibinigay kay Semantha. Maigi n'ya itong pinagmasdan at tila kapipitas lamang ng bulaklak ngunit wala itong tinik.

"Maingat kong tinanggal ang mga tinik n'yan." sambit ni Vicente.

Naalala naman ni Semantha ang pagpapakahulugan ni Vicente sa pag-ibig gamit ang rosas. Ang tunay na umiibig, hindi takot sa panganib.

"Alam kong nabigla ka. Ngunit hindi ko kailangan ng anumang tugon mula sa iyo. Ayaw kong makatanggap ng kahit anong salita hangga’t hindi ko pa napapatunayan ang sarili ko." mahabang usal ni Vicente at tumingin sa kalawakan.

"Pero hindi ka nagmula sa panahong ito." mahinang tugon ni Semantha. Bakas ang lungkot sa boses nito dahil ano mang oras ay mawawala rin si Vicente.

"Hindi ako mangangako ngunit gagawin ko ang lahat ng paraan. Kahit sa pagbalik ko hinding-hindi kita kalilimutan. At kahit sa huling hininga ko, pangalan mo pa rin ang sasambitin ko.." wika ni Vicente at mapait na ngumiti.

Hindi naman tumugon si Semantha. Kaya muli na lamang silang tumingin sa kalawakan.

"Uy! May meteor shower! Vicente humiling ka." sigaw ni Semantha. Humiling naman si Vicente maging si Semantha.

"Anong hiniling mo?" wika ni Vicente ngunit ngiti lamang ang itinugon ni Semantha.
Bigla namang nakaramdam ng hilo si Vicente kaya nagpaalam na lang ito kay Semantha na magpapahinga na.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon