Kabanata 11

16 2 0
                                    

Third Person's POV

Isang malamig na hangin ang pumukaw sa isang binata. Alas 5 pa lamang ay gising na ito. Nakatulog ito sa kanilang balkonahe dala ng kalasingan. Agad na bumangon at niligpit ang mga kalat. Matagal n'ya nang minamanmanan ang lalaking nanggaling sa nakaraan, mas mapapadali ang lahat kapag nakuha n'ya itong lapitan.

"May ilang linggo pa upang matapos ang misyon. Ang gagawin n'ya lang ay alalahanin ang lahat at tanggapin ang nakuhang sagot." tugon nito habang umiinom ng kape. Bata pa lamang ito ay alam n'ya nang mangyayari ito. Sa paglipas ng mga araw nabubuhay s'ya ng may pag-iingat.

Hindi madali ang naturang misyon, kailangang mamili ang taong nanggaling sa nakaraan. Kung pipiliin nitong manatili sa hinaharap malaking kapalit ang magaganap. Makakalimutan s'ya ng mga tao sa hinaharap kahit ang mga naging kaibigan nito, walang makakaalala sa kanya. Mabubura s'ya sa aklat ng kasaysayan.

"Kumusta? Natupad na ba ang plano?" sambit ng isang Ginoo sa kabilang linya.

"Oo,kaunti na lang mapapalapit na ako sa kanya. Mahaba-haba ulit na pagpapanggap." tugon nito.

"Mabuti naman! Nakakasawa magpanggap na malambot! Kailangan ko munang magpakalayo-layo ngayon. Sinabi ko kay Sem na busy ako kaya hindi ako magiging active sa lahat ng social media ko. Don't worry darating ako kapag need mo'ko. O s'ya sige, pupunta ako ng Paris ngayon! Ingat self, good luck din sayo!" dagdag na sambit nito sa kabilang linya at binaba ang telepono.

Dalawang tao ang may alam sa lahat ng pangyayaring ito. Dalawang taong maaaring nabuhay sa nakaraan at muling nabuhay sa hinaharap. Hindi sila maaaring magpakilala kay Vicente. Ang tanging gampanin lang nito ay maging gabay sa kanyang misyon.

Sa kabilang banda masayang nag aalmusal sila Sem at Vicente. Sumasabay sa pag awit habang nakikinig ng tugtugin. Sinasaway ito ni Vicente dahil masama raw na kumanta habang kumakain. Inutusan nito na patayin muna ang tinatawag n'yang kwadrado, speaker kung tatawagin. Wala namang nagawa si Sem kundi ang sumunod na lamang. Mahirap nga kapag may kasama kang matanda, matanda sapagkat mahigit isang daang taon ang tanda nito sa kanya.

"Wala namang pasok ngayon diba? Mamaya ka na lamang magpatugtog at umawit habang naglilinis tayo. Gusto ko yang inaawit mo kahit hindi ko alam." saad ni Vicente.

"Oh, bakit ka nagsasalita? Diba masamang magsalita habang kumakain?!" tugon ni Semantha sa kanya. Pandesal na may palamang itlog ang kanilang almusal. Sawa na raw kase s'ya sa sinangag palibhasa'y pihikan din ito.

"Ubos na naman. Ikaw na lamang ang hindi tapos." saad ni Vicente na may pang-aasar. Agad na sinubo ni Semantha ang natitira nitong tinapay at mabilis na nginuya. Nagulat naman si Vicente sa ginawa nito at natawa na lamang dahil sa mukha ni Semantha. Animo'y kambing na tila mauubusan ng damo.

"Oh ayan tapos na! Magpapatugtog na ulit ako." sambit ni Semantha at tumayo upang magpatugtog.

"Hindi yan,patugtugin mo yung patungkol sa ngiti." sabat ni Vicente habang nililipat-lipat ni Sem ang tugtog.

Minamasdan kita,
nang hindi mo alam.
Pinapangarap kong ikaw ay akin.
Mapupulang labi
at matingkad mong ngiti,
Umaabot hanggang sa langit.

"Ito ba?" pagtatanong ni Sem kay Vicente. Ngumiti ito at tumango bilang pag sang-ayon. Hindi maikakaila na nakakapang-akit ang ngiti nito sapagkat lumalabas ang maliit na biloy sa pisngi nito.

Huwag ka lang titingin sa'kin
at baka matunaw ang puso
kong sabik.

Sumabay sa awit si Sem habang nagpupunas ng mesa. Habang hindi naman maalis ang ngiti ni Vicente. Napakaganda para sa kanya ang awiting ito. Para sa kanya mas kaibig-ibig sa binibini ang ngiti nito.

Sa iyong ngiti,
ako'y nahuhumaling.
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
ang mundo ko'y tumitigil.
Para lang sayo
ang awit ng aking puso.
Sana ay mapansin mo rin
ang lihim kong pagtingin.

Malakas na pag awit ni Sem habang ginagawang mikropono ang kutsara at tsaka nilingon si Vicente na nagwawalis. Animo'y nawiwili ito habang nakikinig ng musika. Mas magandang maglinis habang may tugtog sapagkat hindi ka makakaramdam ng pagod.

"Vicente! Kabisaduhin mo ang kanta ha!" sigaw ni Sem dito.

"Oo, gusto mo kantahan pa kita bago ako bumalik!" pagbibiro nito ngunit nginitian lamang s'ya ni Semantha.

Masaya ngayon si Vicente, kahit pinuyat s'ya ni Raven kagabi. Hiningi nito ang kanyang cellphone number at magdamag itong magkatawagan at magka-text na animo'y matagal nang magkakilala. Binigay rin ni Raven ang kanyang calling card kay Semantha. Humingi ito nang maayos na pasensya. Ibig n'yang lumabas silang tatlo kapag wala itong trabaho. Napag-usapan nilang pumunta sa Ilocos ngayong darating na Disyembre. Gusto raw ni Raven makita ang rebulto ng kanyang kamukha, higit pa doon magbubukas ng isang restaurant ang kanyang matalik na kaibigan.

"Uy! Diba pupunta tayo sa Ilocos ngayong December? Bagong bukas yun at syempre may banda. Mag volunteer ka na kumanta ha!" pangangantyaw ni Sem kay Vicente lingid sa kaalaman nito na may maganda itong tinig.

"Bakit hindi ikaw ang kumanta? Ikaw ang maganda ang boses. Ayokong umawit, nakakahiya." tugon nito.

"Masyado ka namang KJ!" sambit ni Semantha.

"Oo nga pala, nagkausap kami ni Raven kagabi. Gusto n'ya akong ipasyal. Nabanggit ko na hindi pa ako nakakapag libot dito." pangingibang usapan ni Vicente. Nagtaka naman si Semantha dahil hindi nito alam na nagkausap sila nito. Bukod doon, magkausap din sila ni Sir Raven ngunit hindi manlang s'ya sinabihan nito.

"Saan ka naman ipapasyal? Hindi n'ya manlang ako sinabihan ah!" pagtatampo nito.

"Ganun ba? Baka nakalimutan n'ya lang. Nabanggit ko rin na magkasama tayo sa iisang bahay. Sabi n'ya hindi raw magandang tingnan lalo na't walang namamagitan sa atin. Ibig n'ya akong patirahin sa bahay nila para may kasama raw s'ya. Tama naman s'ya, hindi nga magandang tingnan. Tsaka kahit bago pa lamang kami nagkausap pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala at mabait naman s'ya." mahabang palintaya nito habang may hawak na notebook.

"At pupunta ka naman dun? At saan naman nanggaling yang hawak mo?" kunot noong tanong nito.

"Pag iisipan ko pa, kung hindi ako pupunta dun bubukod ako ng tahanan. At tsaka itong kwaderno ibinigay n'ya ito sa akin nung pumunta ka ng palikuran kahapon. Wala s'yang sinabi kung para saan ito. Balak kong isulat ang mga pangyayari." tugon ni Vicente.

Nangangamba si Semantha kung sakaling pumayag ito sa alok ni Raven. Nangangamba s'ya na mabunyag ang lihim nito. Lalo na at hindi pa nila masyadong kilala ang taong yun at animo'y may itinatago ring lihim.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon