Kabanata 17

7 2 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas nang makapunta si Semantha sa tahanan ni Raven. Disyembre 1 na rin bukas, araw na napag usapan nila Remz na pupunta sila ng Ilocos Sur. Madalang na rin sila mag usap ni Vicente kahit sa tawag manlang dahil hindi sila nagkikita kaya pinapakumusta n'ya na lamang ito kay Raven. Ang sagot ni Raven lagi raw nitong hawak ang kwaderno nito at tila malalim ang iniisip.

Habang nagmumuni-muni si Semantha sa bintana biglang nag ring ang kanyang cellphone. Muntik pa itong mapasigaw dahil sa gulat.

"Si Raven? Ano namang sadya nito?" wika ni Semantha at tsaka sinagot ang tawag.

"Pumunta ka rito. Ngayon na." sambit ni Raven sa kabilang linya at kaagad na pinatay ang tawag.

"Anak ng! Napakabastos ng pulis na ’toh. Pinapapunta ako ng walang dahilan." inis na usal ni Semantha.
Pumasok s'ya ng kanyang kwarto at walang nagawa kundi magbihis.

Ilang minuto lang ang kanyang itinagal sa pagbibihis at pagkatapos ay bumaba na rin upang mag abang ng masasakyan.

Habang naghihintay ito ng taxi may kotseng tumigil sa harapan n'ya.
Bumaba ang ang sakay nito at bumungad si Rafael.

"Saan ka pupunta?" wika nito.

"Sa bahay ng kaibigan ko." tipid na tugon ni Semantha. Nahihiya ito kay Rafael dahil sa pagtanggi nito na ligawan s'ya. Matagal n'ya nang gusto si Rafael ngunit hindi na katulad noon.

"Hatid na kita." usal ni Rafael at bahagyang ngumiti. Binuksan na nito ang pinto ng kotse kaya hindi na nakatanggi pa si Semantha.

Tahimik ang dalawa habang nasa byahe at walang planong magsalita ang isa sa kanila. Napabuntong hininga na lamang si Rafael at tsaka nagpatugtog habang si Semantha naman ay nakasandal lamang sa bintana.

"Oo nga pala. Kumusta ang Daddy mo?" napabalikwas si Semantha dahil naalala nito na may pinagdadaanan ngayon si Rafael.

"Stable na lagay n'ya. Sa awa ng Diyos. Pero magtatagal s'ya ng one week sa Hospital." malungkot na tugon ni Rafael.

"Dadalaw ako pag uwi ko galing Ilocos." wika ni Semantha. Magkakilala naman ang Daddy ni Rafael at Mommy ni Semantha. Nagkakilala ang mga ito dahil sila ang laging dumadalo sa pagpupulong sa kanilang paaralan.

"Sige, salamat." tugon ni Rafael at bahagyang ngumiti. Nawawala ang mga mata nito kapag ngumingiti. Pansin din dito ang pagkakaroon ng dugong bughaw. Isang Chinese ang Ina nito na nanirahan sa Pilipinas.

"Doon sa ikatlong bahay." usal ni Semantha nang matanaw ang tahanan ni Raven. Nakita n'ya rin si Vicente na nagdidilig ng halaman.

Itinigil ni Rafael ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Raven.

"Si Vincent ba yun?" wika ni Rafael habang nakakunot ang noo.

"Huh? Hindi. Vicente pangalan n'ya." tugon ni Semantha.

"O s'ya sige. Dito na lang ako, maraming salamat." dagdag ni Semantha at tsaka bumaba ng sasakyan. Ngiti na lamang ang itinugon ni Rafael at tsaka umalis.

"Sino yun?" wika ni Vicente habang nagdidilig ng halaman.

"Ah si Rafael. Nadaanan n'ya ako na nag aabang ng sasakyan. Sabi n'ya s'ya na lang ang maghahatid sakin." tugon ni Semantha.
Nangunot naman noo ni Vicente at tsaka itinapat n'ya ang hawak n'yang hose sa mukha ni Semantha.

"A-ano ka ba Vicente?!" galit na saad ni Semantha at tsaka pinunasan nito ang basa n'yang mukha.

Hindi naman ito pinansin ni Vicente. Inayos nito ang ginamit n'yang pandilig at tsaka pumasok sa loob na parang walang nangyari. Kaya lalong nagdilim ang paningin ni Semantha rito.

"Hoy! Vicente tinatanong kita!" sigaw ni Semantha habang sinusundan si Vicente. Naabutan naman ito ni Raven na naka suot ng uniporme.

"Ano yan at nagsisigawan na naman kayo?" wika ni Raven. Pumunta naman si Vicente sa sala at iniwan ang dalawa.

"Si Vicente kase! Tingnan mo ginagawa n'ya. Binasa n'ya ako." mangiyak-ngiyak na sambit ni Semantha.

"Edi punasan mo." tugon ni Raven. Naiyak naman si Semantha sa inis at tsaka pumunta ng sala. Nakita n'ya rito si Vicente na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Umupo s'ya sa sofa kung saan malayo ang agwat nito kay Vicente.

"Yan pala ang gusto mo ah. Tingnan natin." bulong ni Semantha habang pinupunasan ang mukha.

"Biro lang yun. Kasalanan yun ng hawak ko biglang tumapat sayo." wika ni Vicente at halata namang pinipigilan lang nito ang pagtawa.

Hindi naman ito pinansin ni Semantha at inabala ang sarili kakapindot sa cellphone.
Hindi tumitigil si Vicente sa pagkuha ng atensyon nito.

"Malapit na'ko umalis tapos hindi mo pa ako papansin." malungkot na wika ni Vicente kaya napalingon si Semantha rito.

"Kailan?" tugon n'ya rito.

"Pumunta kami ni Goyo sa Bulacan. Ang ganda pa rin ng bahay namin doon. Buo pa yung pwesto na pinaglalaruan namin nila Kuya Etoy." pangingibang usapan nito at bahagyang ngumiti.

Buo pa rin ang tahanan ng Pamilyang Enriquez dahil pinapangalagaan ito. Inayos din ito noong nasunog ito.

"Share mo lang?" sagot ni Semantha nang pabalang kahit paulit-ulit sa utak nito ang sinasabi ni Vicente na malapit na itong umalis.

"Te amo." bulong ni Vicente. Hindi naman ito naintindihan ni Semantha kaya tinarayan n'ya lang ito.

"Kayo ni Vicente ang vocalist bukas. Kaya mag practice na kayo." singit ni Raven na kararating lamang sa sala.

"Maiiwan ko muna kayo rito. May pupuntahan lang ako." dagdag ni Raven at tsaka umalis.

"Anong kakantahin natin?" wika ni Semantha.

"Kahit ano." tipid na wika ni Vicente.

"At kahit ano pa ang
sabihin nila’y ikaw pa rin ~" awit ni Semantha at bahagyang tumawa.

"Baliw. Ako’y sayo at ika’y akin lamang ang pamagat n'yan." tugon ni Vicente at namangha naman si Semantha.

"Wow. Dami mo na atang alam ah." wika ni Semantha.

"Oo naman. Kumanta lagi ang ginagawa namin ni Goyo. Kadalasan nagpapatugtog kaya nakakabisado ko." usal ni Vicente.

Sa kabilang banda seryosong nag uusap si Raven at Remz.

"Malapit na." wika ni Remz.

"Ang gagawin lang natin ay samahan s'ya sa Tirad Pass." seryosong sambit ni Raven.

Sila ang nakakaalam kung bakit napunta rito si Vicente. Alam ang misyon ngunit hindi maaaring sabihin dahil marami ang pwedeng magbago at mag iiba ang takbo ng mundo.

"Paano kung hindi s'ya makabalik?" pag aalalang tugon ni Remz.

"Lahat ng nakilala n'ya rito ay makakalimutan s'ya. Kasama si Semantha. At higit pa roon, mawawala sa kasaysayan kung ano s'ya. Maraming kamalasan ang dadanasin n'ya." wika ni Raven.


AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon