Kabanata 2

41 3 5
                                    

"Ayaw mo ba kumain ng kanin? Tigilan mo na ang pag kain nyan." saad ko kay Vicente habang nanonood kami ng T. V. Napakakulit ng isang ito, pagkabukas ko pa lang ng TV ay pumunta agad sa likuran nito upang tingnan kung may pintuan daw ba sa likod at bakit may nakakapasok na tao sa loob. Pinaliwanagan ko ito at buti naman mabilis syang matuto.

"Mamaya na lang, pagkatapos nito." sambit nito at seryosong nanonood lang, may kalat pa na Milo sa kanyang bibig, hayss isip bata pa yata ang Koronel pero shetttt ang pogi!

"Oo nga pala, hindi ko pa natatanong ang iyong ngalan. Ano ang iyong pangalan at edad? " dagdag pa nito ngunit hindi manlang ako binabalingan ng tingin.
"Semantha Dizon ang ngalan ko at 19 years old na ako. " usal ko dito at napatango tango naman sya.
Habang nasa kalagitnaan kami ng panonood ay may biglang sumigaw kaya napalingon kaming dalawa dito.

"OMG ANO ITO?! NAGDALA KA NG FAFA E-ESTE LALAKI SA APARTMENT MO?!" sigaw ni Remz habang may hawak na mga paper bag. Tumayo naman kami at tsaka lumapit dito at nagbigay galang naman si Vicente.

"Magandang tanghali sa iyo Ginoo. " saad ni Vicente at yumuko.

"Ano ka ba Remz kumalma ka lang! Mamaya ko Ipapaliwanag sa iyo ang lahat. Okay?" saad ko dito at dali-daling kinuha sa kanya ang paper bag. Laking gulat ko na lang ng makita itong nakanganga habang nakatingin kay Vicente kaya ibinaba ko muna ang hawak kong paper bag at isinara ang bibig nito.

"Ginoo, tila namumukhaan kita." saad ni Vicente at sinusuri pa ang mukha ni Remz. Ehh magkakilala sila?

"Hindi ako isang Ginoo dahil babae na ako noh.. " malambot na saad ni Remz at yumapos pa sa braso ni Vicente.

"S-Sandali bumitaw ka nga, naalala ko na! Ikaw si Telesforo Carrasco!" sambit ni Vicente at tsaka humarap kay Remz. Huh? Paanong naging si Telesforo ito.

"Tinyente! Sabihin mo kung paano ka nakapunta dito! Para makauwi na rin tayo pabalik!" sigaw pa nito at hinawakan sa magkabilang balikat si Remz habang si Remz naman ay naguguluhan.

"T-Teka anong Telesforo ang sinasabi mo? OMG naguguluhan ako!  Sem ipaliwanag mo nga ito!" saad ni Remz habang nakahawak pa ito sa Sentido kaya hinila ko muna si Vicente pabalik sa panonood ng TV.

"Ganito kase yan, naniniwala ka ba sa time travel? " pabulong na saad ko dito at kaagad kumunot ang noo nya.

"Sa maniwala ka o sa hindi, siya si Vicente Enriquez! Ang ayudante ni Gregorio del Pilar!" usal ko at niyugyog ang mga balikat nito.

"Teka Teka, Nababaliw ka na ba? Imposible yang time travel time travel na yan noh!" hindi kumbinsidong saad nito kaya kinuha ko na lang ang cp ko para ipakita sa kanya ang picture ni Vicente. Pabalik balik naman ang tingin nito sa cp at kay Vicente. Ikinuwento ko na rin kung paano sya napadpad dito.

"OMG! Hala! Huwag mo sabihing dito mo sya papatirahin pansamantala! Nako! Huwag... Sa akin na lamang hehe" saad pa nito at tsaka nagpacute. Yocc ang harot talaga ng baklang toh!

"Gaga! Hindi pwede! Dito muna sya pansamantala habang hindi pa sya nakakabalik! Ako na ang bahala!" pataray na usal ko dito.

"Sus, baka mamaya mabalitaan ko na ahemm,, alam mo na. Kahit marespeto ang mga kalalakihan noon, pagnadala ng tukso. Wala na finish na. " pakantsaw pa ba saad nito kaya binatukan ko sya.

"Hindi noh! Huwag ka nga mag-isip ng kung ano-ano riyan! Tsaka never mangyayari yan noh" singhal ko dito kaya napakrus ang kanyang mga braso.

"Bakit? Umaasa ka pa rin sa crush mo na si Rafael noh!" usal nito tsaka humalakhak kaya napalingon sa amin si Vicente.

"Tsk! Turuan mo na lang si Vicente manamit! Mabuti pa!" singhal ko dito at kinuha sa sahig ang paper bag na may lamang mga damit. Nilapitan ko naman si Vicente at pinatayo.

"Oh! Bilis sukatan mo na sya! Pupunta tayo ng mall para bilhan ito ng mga gamit habang naririto pa sya! " saad ko kay Remz kaya kumuha na sya ng damit upang isukat kay Vicente habang ang isang toh naman ay nakalingon pa rin at nanonood ng TV. Nang makita ko ang palabas sa TV ay kaagad kong pinihit ang ulo nito paharap sa akin. Paano naman kase nanonood ng halikan sa TV! Tsaka paano nalipat yan duon e SpongeBob yung pinapanood nya kanina! Tsk!

"Huy! Huwag ka manood nun!" singhal ko dito ngunit nananatiling walang emosyon ang kanyang mukha.

"Oh ito! Bagay! WAHHHHH pwede ka bang magpanggap maging boyfriend ko?! Sige na please!" saad ni Remz at tsaka yumapos nanaman kay Vicente.

"Ano ka ba Telesforo! Hindi tayo talo! Napadpad ka lang dito ay naging binabae ka na! Nawalan ka na ng bayag! " singhal ni Vicente at iritadong inalis ang pagkakayapos ni Remz.

"Ano ka ba?! Hindi nga ako si Telesforo! Ako nga si Remz!" naiinis na tugon ni Remz.

"Semmy ipaliwanag mo nga sa kanya!" naluluha-luhang tugon ni Remz.

"Vicente halika dito.. " tugon ko dito at tsaka sabay kaming naupo.

"Binibini, hindi kaaya-aya sa isang Binibini ang paghawak sa hindi naman nya kasintahan o asawa. Isa itong kapangahasan! " saad ni Vicente at tsaka kaagad inalis ang pagkakahawak ko sa kanya. Oo nga pala, konserbatibo nga pala ang mga Pilipino noon.

"Ano ka ba? Hindi na big deal yan sa panahon ngayon noh! Naku! Pagnakalabas ka lang makikita mo!" singhal ko dito ngunit nakakunot lamang ang kanyang noo.

"Hays ganito kase yan, hindi talaga sya si Telesforo Carrasco na kilala mo. Matagal ko na syang kaibigan Vicente, marahil ay nagkataon lamang na magkamukha sila o magkaparehas ang pisikal na anyo. Tingnan mo kaya ang galaw nito o! " saad ko sabay turo kay Remz at pinagtaasan naman ako nito ng kilay. Sayang din itong si Remz,mestizo at napakapogi pero naging bakla lang.

"Tsk! Mabuti naman! Akala ko naging binabae na si Tinyente e! " usal ni Vicente at napapadyak naman si Remz at umupo na lang sa kabilang Sofa.

"Oo na sige na, maligo ka na lang at magbihis may pupuntahan pa tayo." usal ko kay Vicente at kinuha ang mga susuotin. Ipinaliwanag ko pa kung paano suotin ang mga kasuotan na dala ni Remz, mabuti na lamang at naintindihan nya agad.
Hinila ko na sya papasok ng CR at tinuruan din kung paano buksan at isara ang gripo,namangha naman ito dahil hindi na daw kinakailangang umigib pa sa balon para kumuha ng tubig. Ilang beses nya pang inaamoy amoy ang sabon dahil napakabango daw. Jusku! Di ko na ata ito kakayanin! 
Pagkatapos kong paliwanagan ito ay iniwan ko na sya at kaagad naman akong nagbihis. Nagsuot na lang ako ng maong na palda na hindi aabot sa tuhod at isang itim na offshoulder.

"Hays ayos na ito!" usal ko at lumabas ng kwarto. Dalawa ang kwarto dito, ang isa ay sa pinapaliguan ni Vicente at ito naman ay katabi lamang ng sala.

Kalalabas ko pa lang ng pintuan ay agad na bumungad sa akin si Vicente, maayos na ang buhok nito. Kahit polo at pantalon lang ang kanyang suot ay lumilitaw ang kanyang kagwapuhan. Mabuti naman at may dala rin si Remz na sapatos, saktong sakto pa sa kanya.

"Bakit ganyan ang iyong suot? Taghirap na ba ang Pilipinas ngayon sa tela?" nakabusangot na tugon ni Vicente.

"Ano ka ba?! Ito ba ang uso ngayon noh! Halika na! Baka maabutan pa tayo ng traffic!" saad ko at hinila si Vicente ngunit hindi sya natinag.

"Hindi tayo o ikaw aalis kapag hindi mo pinalitan ang iyong kasuotan! Magbihis ka!" saad ni Vicente at itinulak ako papasok sa kwarto at tsaka sinarahan ang pinto.
Daming alam! Anong gusto nya magsuot ako ng Baro't saya?! Tsk!

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon