Kabanata 21

11 2 0
                                    

Nagising si Semantha sa huni ng mga ibon. Kakabukas pa lamang ng mga mata n'ya agad na bumungad sa kanya ang magandang tanawin. Tumayo s'ya mula sa pagkakahiga sa duyan na yari sa buri.

"Patay na ba ako?" bulong nito sa sarili. Napapalibutan s'ya ng mga bulaklak at tanging dalawang puno lamang ang naroon na nasa kalapit n'ya.

"Gising ka na pala,Binibini." Agad na nilingon ni Semantha ang pamilyar na tinig. Nakita n'ya rito si Vicente na kulay kamiso de tsino at may hawak na rosas.

"Vicente?! Ikaw ba ’yan?" masayang saad ni Semantha. Nilapitan n'ya ito at niyakap.

"Ako nga." niyakap din s'ya pabalik ni Vicente at agad ding kumalas.

Hindi mataas ang sikat ng araw kaya hindi dama ang init. Naupo ang dalawa kung saan napapaligiran sila ng mga bulaklak at nagliliparang mga paruparo.

"Hinanap kita. Bakit hindi ka nagpaalam?" malungkot na usal ni Semantha.

"Ayokong malungkot ka." tugon ni Vicente rito.

"Kapag nangyari ’yun baka hindi na'ko bumalik sa panahong pinanggalingan ko. Ngunit hindi maaari dahil kapag nanatili ako doon makakalimutan mo'ko kahit pilit mo'kong alalahanin. At tsaka mababago ang kasaysayan. Ito ang panahong nakatadhana sa akin, dito rin ako mamamatay." dagdag na saad nito.

"Paano ’yun? Hindi na ba kita makakasama at makikita?" tugon ni Semantha habang may namumuong luha sa mga mata nito.

"M-mahal kita Vicente.." sambit ni Semantha at tuluyan nang bumuhos ang mga luha nito.

"Mahal din kita. Ngunit hindi ito ang tamang panahon." tugon ni Vicente at pinunasan ang basang pisngi ni Semantha.

"Hindi ka na ba babalik?" saad ni Semantha at tuloy pa rin sa iyak.

"Babalik ako. Magbabalik ako bilang alaala." tugon ni Vicente at marahang hinalikan ito sa noo.

Pagmulat ng mga mata ni Semantha bumungad sa kanya ang hindi pamilyar na silid. Puti ang kurtina nito at maraming aklat ang nasa aparador.

"P-panaginip lang pala." dismayang saad ni Semantha. Walang gana itong bumama ng hagdan at bumungad sa kanya si Raven na nagkakape.

"Gising ka na pala." wika nito.

"Dumiretso na tayong umuwi kahapon dito sa resto." dagdag pa nito. Sinenyasan n'ya si Semantha na maupo at ibinigay rito ang kwadernong iniwan ni Vicente. Tinitigan lamang ito ni Semantha dahil naalala n'ya ang panaginip n'ya kanina.

"May alam ka rin dito?" tanong ni Semantha.

"Oo. Simula pa nung pagkabata ko." tugon ni Raven at nagulat naman rito si Semantha.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" usal ni Semantha at nakihigop sa kapeng iniinom nito.

"Para saan?" pagsusungit ni Raven at inagaw ang kape n'ya.

"So it's possible na totoo nga yung reincarnation." wika ni Semantha at umiwas naman nang tingin si Raven dito.

"Nagpapaniwala ka sa ganyan. Sabi ni Vicente basahin mo yung nasa kwaderno. Isinulat n'ya sa Tagalog para maintindihan mo raw." lihis ni Raven sa usapan ngunit seryosong tinitigan lamang s'ya ni Semantha.

"Aminin mo ng ikaw si Gregorio sa nakaraan." sambit ni Semantha.

"Hindi nga. Alam ko ’yon dahil may nakapagsabi sa akin at lagi kong napapanaginipan. Buti nga nakabalik si Vicente nang ligtas e." palusot ni Raven.

"Nasaan si Remz?" pangingibang usapan ni Semantha dahil batid nitong hindi magpapatalo sa kanya si Raven.

"Pupunta raw s'ya ng palengke. Kahit sa totoo maglilibang lang yun kase nalulungkot din sa pag alis ni Vicente." iling-iling na tugon ni Raven.

"Bakit naman s'ya malulungkot? Minsan n'ya lang nakasama si Vicente ah." pagtatakang saad ni Semantha.

"Malay ko dun." wika ni Raven.

"Aba! Nakakalungkot naman talaga." biglang singit ni Remz. Hindi namalayan ng dalawa na kanina pa pala ito nakikinig sa usapan nila. Ibinaba n'ya ang pinamili n'yang mangga sa lababo at inilagay sa lamesa ang bagoong. Natakam naman dito si Semantha habang si Raven ay may pagka dismaya ang mukha. Napansin ito ni Remz kaya agad namang inilabas nito ang dala nitong suman.

"Syempre. Makakalimutan ko ba ang suman?" wika ni Remz at agad na itong nilantakan ni Raven.

"Ikaw Semantha hindi ka pa ata kumakain. Mamaya ka na kumain ng mangga." dagdag ni Remz at naupo sa upuan.

"Raven, pahingi na lang ng suman para makakain na ako ng mangga." pagmamakaawa ni Semantha.

"Wag ka na." tugon ni Raven habang puno pa ang bibig nito ng pagkain. Inilayo pa nito ang mga suman na nakabalot.

"Damot!" inis na saad ni Semantha. Mabilis itong kumuha ng isang pirasong suman at agad na lumayo kay Raven.

"H-hoy! Ibalik mo ’yan!" sigaw ni Raven sa kanya. Binalewala naman sila ni Remz dahil sanay na ito sa ganitong sistema.

"Isa lang naman." tugon ni Semantha at akmang bubuksan nito ang hawak n'yang suman. Agad na tumayo si Raven at kinuha ang mga manggang nasa lababo.

"Sige. Akin na lang ’tong mangga mo HAHAHA!" halakhak ni Raven. Walang nagawa si Semantha kundi ibalik rito ang suman.

"Para kang mangga e ’noh? Manggago." sambit ni Semantha.

"Anong nakasulat sa kwaderno?" singit ni Remz na kumakain na rin ng paborito nitong lansones.

"Hindi ko pa nababasa." tugon ni Semantha. Kumuha ito ng garapon upang paglagyan ng kanin at ulam. Dinala n'ya na rin ang mga mangga at bagoong kasama ang kutsilyo dahil balak n'yang kumain sa ilog na may kalapitan sa kanila.

"Doon muna ako sa may ilog ah." pamamaalam ni Semantha at kinuha nito ang kwaderno sa lamesa. Tumango-tango naman ang dalawa na abala pa rin sa pagkain.

"Wow! Ang sarap ng hangin dito ah!" sambit ni Semantha at naupo sa ilalim ng puno. Kinuha n'ya ang kwaderno na pag aari ni Vicente at sinimulang buklatin ito.

Nobyembre 02, 2018

Napunta ako sa isang hindi pamilyar na silid. Nakapagtataka dahil hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa loob na iyon. Pagkamulat ko pa lamang ng aking mga mata sinigawan ako ng isang binibini at pinagkamalan akong akyat bahay. Hindi naman ako masamang tao pero nauunawaan ko dahil marahil s'ya ang may ari ng silid. Maganda s'ya ngunit parang suman.

Nag init ang mata ni Semantha sa huling isinulat ni Vicente dahil ipinagkumpara pa sa kanya ang suman. Binasa pa nito ang sumunod na pahina hanggang sa matapos. At napansin n'yang may nakaipit na rosas dito. May kasama itong papel na nakaipit kaya agad n'ya itong binasa.

Babalik ako,pangako.
—Vincent

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon