Kabanata 23

16 1 0
                                    

Madalas na puntahan ni Semantha ang puntod ni Vicente Enriquez. Lagi itong may dalang bulaklak na rosas upang ilagay sa puntod nito at ipinagtitirik ng kandila. Sinasamahan naman s'ya ni Raven sa tuwing dadalaw s'ya rito, nagrereklamo pa ito dahil lagi raw itong dumadalaw sa puntod ni Vicente.

"Reklamo ka nang reklamo sumasama ka naman. Akala mo ba hindi ko alam na dinadal'han mo rin s'ya ng bulaklak sa tuwing pupunta tayo rito." wika ni Semantha habang nagsisindi ng kandila. Napakamot naman sa ulo si Raven dahil hindi n'ya akalain na malalaman ito ni Semantha. Hindi nawawalan ng oras sa pagdalaw si Semantha rito kahit nung nag aaral pa s'ya. Kapag wala s'yang pasok sa trabaho at paaralan dito ang punta n'ya at animo'y ito ang nagiging pahinga n'ya. Isa na s'ya ngayong ganap na flight attendant, nagpapasalamat s'ya dahil nakadalo ang kanyang Ina sa graduation nila.

"Sus! Eh pa'no ba naman e halos dito ka na tumira. Gusto mo ipagtayo kita ng bahay dito e." tugon ni Raven at naupo malapit sa puntod ni Vicente.

"Parang kailan lang nakakasama natin s'ya. Tapos ngayon ilang dekada na s'yang patay." sambit ni Semantha at tsaka tumayo at pinagpagan ang suot nito.

"Nilulubos ko na kase e. Pupunta akong Paris bukas. Magbabakasyon muna ako, gusto kong paglaanan ng oras ang sarili ko." dagdag pa nito.

"Oo nga. It's been 10 years na rin e 'noh? Laging ganito sistema ng buhay mo. Malapit ng lumampas sa kalendaryo ang edad mo tapos hanggang ngayon single ka pa rin." iling-iling na tugon ni Raven.

Halos sampung taon na rin sila laging magkasama nila Raven at Remz. Sa katunayan hindi pa s'ya nagbabalak magkaroon ng nobyo dahil umaasa pa rin itong babalik si Vicente. Sa katunayan hinahanap ng kanyang Ina si Vicente, sinabi n'ya na lamang na bumalik ito ng Spain. Kinukulit pa s'ya na bigyan na raw n'ya ito ng apo dahil matanda na ito.

"Nahiya ako sayo ah! 34 years old ka na nga e tapos NGSB pa. Baka nakatadhana na talaga sayo ang tumandang binata." pangangantyaw ni Semantha. Tumayo si Raven at pinagmasdan ang puntod ni Vicente.

"Wala naman kase akong pag asa sa gusto ko." tugon nito.

"Paano mo nasabi? Umamin ka na ba?" saad ni Semantha.

"Hindi pa. Ayo'kong umamin 'noh. Bawas angas." sambit ni Raven at tsaka hinawi pa ang buhok nito.

"Agnas." tipid na tugon ni Semantha at tsaka palihim na tumawa.

"Tara na nga. Hindi ka pa ata nakapag impake ng gamit mo e. Yaman mo naman, biglaang lipad." wika ni Raven kaya naalala ni Semantha na hindi pa pala s'ya tapos mag impake.

"Aba! Ang gastos kaya sa tourism nung nag aaral pa lang ako. Binabawian ko lang ngayon. Tsaka last week pa ako nag booked ng ticket." tugon ni Semantha. Nagtatampo naman si Raven dahil bakit ngayon n'ya lang daw sinabi sa kanya, tinakot pa s'ya nito na mas magtatampo rito si Remz.

Bago tumungo ito sa kotse ay nilingon n'ya muna ang puntod ni Vicente bilang huling paalam. Marahil kailangan n'ya nang tanggapin na hindi na ito babalik. Ibig n'ya nang magsimula ng panibagong buhay.

-

"Ladies & Gentlemen, now we're approaching Paris where the local time is 11:00 A.M. At this stage you should be in your seat with your seatbelt firmly, fastened." wika ng flight attendant. Hindi na pinakinggan ni Semantha ang mga sinasabi nito dahil paulit-ulit n'ya rin naman itong sinasabi kapag may pasok s'ya. Nananakit ang kanyang balakang dahil labinlimang oras din ang itinagal ng byahe.

Maya-maya lamang ay lumapag na ang eroplanong kanyang sinasakyan. Pagkatapos ay bumaba na ito upang kunin ang dalang maleta. Hindi na naman s'ya nanibago sa ganitong environment dahil ilang bansa na ang kanyang napuntahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon