Kabanata 10

16 2 2
                                    

Napakalamig ng aircon sa mall, hindi pa kami makauwi dahil umuulan kaya napag isipan na muna naming tumambay dito at subukan yung cellphone na binili namin. Inilagay ko na rin  yung number ko sa cellphone n'ya at ganun din sa akin.

"Oh, alam mo na ba pipindutin mo kapag tatawag ka o magt-text?" tanong ko rito at tumango naman s'ya.

"Sige,kunwari tatawagan mo'ko kase naliligaw ka. Tataguan muna kita! HAHAHA" saad ko at tumakbo papalayo. Sinisilip ko naman s'ya at maya-maya tumunog ang aking cellphone.

"Hello Vicente. Anong kailangan mo?" saad ko sa kabilang linya habang sinisilip pa rin s'ya. Ngumiti naman ito nang marinig ang aking tinig.

"Hulaan mo HAHAHHA. Biro lang." pagbibiro nito.

" Oh ayan, alam ko na. Ikaw naman ang tumawag at ako naman ang sasagot." dagdag nito sa kabilang linya at kaagad na pinatay ang tawag. Inalis ko naman ang tingin sa kanya at binaling ang atensyon sa cellphone.
Isang ring pa lang ay kaagad na nitong sinagot.

"Hello. Sino ka?" pamilyar na tinig ang bumungad sa akin. Bakit parang ibang tao ang sumagot?

"Hoy akin yan." rinig kong saad ni Vicente sa kabilang linya. Ibinalik ko ang aking tingin kung saan naroon si Vicente ngunit bigo akong masumpungan ito. Kaya nagsimula na akong hanapin s'ya habang hindi ko pa rin inaalis sa aking tenga ang cellphone ko.

"Anong sayo? Akin toh noh, tingnan mo yung kulay. Tsaka pano napunta sayo toh? Ilang beses na kita nakikita ngayong araw. Siguro plinano mo toh noh." tugon nito sa kabilang linya at tila nag init ang aking tenga sa aking narinig kaya binilisan ko ang paghahanap.
Ilang minuto lang ay natagpuan ko rin si Vicente na tila nakikipagtalo.

"Narito ka lang pala. Anong nangyayari dito?" usal ko at kaagad namang kumapit sa akin si Vicente na parang batang nagsusumbong.

"Kinuha n'ya ang cellphone na binili natin at inaangkin n'ya." kunot noong tugon nito. Tiningnan ko naman ng masama ang lalaki at nagulat nang makita kung sino ito. S'ya yung pulis na nakita ko na naman sa ikatlong pagkakataon.

"May proweba ka ba na sayo yan? FYI kabibili lang namin yan kanina. Tsaka baka yung sayo kung saan mo lang nailagay. Basta-basta ka na lang nang aangkin ng hindi tinitiyak kung pag mamay-ari mo ba talaga ang bagay na yan. Pulis ka pa naman!" pagsusungit ko rito at inagaw ang cellphone ni Vicente sa kamay n'ya.

"Talaga lang ah. Pag yan napatunayan kong akin, ipakukulong ko ka--" naputol ang sasabihin n'ya ng may tumawag sa kanya.

"Sir! Yung cellphone n'yo po nahulog!" habol hiningang saad ng lalaki. HAHAHA ano s'ya ngayon!
Nagulat naman ito at kaagad na kinuha ang cellphone tsaka nagpasalamat sa nagsauli.

"Bakit hindi ikaw ang magpakulong sa sarili mo?" taas kilay kong usal dito.

"Tama!" sabat naman ni Vicente.

"Okay, I'm sorry.  Importante lang kase ang laman ng nasa cellphone ko e. Hindi ko sinasadya I swear." tugon nito sa amin habang chinicheck ang cellphone n'ya.

"Hindi mo kami madadaan sa sorry mo. Sa susunod ayus-ayusin mo pananalita mo." pagtataray ko pa rito at tumango-tango naman si Vicente. Ang panget n'ya pa magsorry, hindi sincere. Pulis ba talaga s'ya?!Napabuntong hininga na lamang s'ya at nakita ko pang umikot ang mga mata n'ya. Aba! Ang kapal naman ng mukha ng pulis na toh!

"Oh sige, paano ba ako makakabawi? Jollibee tayo? Nagugutom na ako e. Treat ko hehe" saad nito. Kumislap naman ang aking mga mata habang si Vicente mukhang walang naintindihan sa sinabi nito.

"Hindi mo kami masusuhulan ng pagkain. Kaya naming bumili n'yan kahit araw-araw pa. Gusto mo ako pa manlibre sayo e, pasalamat ka nagtitipid ako ngayon. Pero sige, nagugutom na rin ako e. Vicente, halika na!" tugon ko rito. Napakamot naman sa ulo si Sir Raven at sumunod na lamang sa amin si Vicente.

Nakaupo kaming dalawa ni Vicente sa table habang hinihintay umorder si Sir Raven. Sabi ni Vicente pilian n'ya raw ako ng pagkaing tiyak na hindi n'ya pa natitiman nung panahon nila. Kaya pinili ko yung ice cream at spaghetti dinagdagan ko na rin ng yamburger at cokefloat. Sana hindi samain ang tyan n'ya.

"Paano n'ya nakuha cellphone mo?" taka kong usal rito.

"Hindi ko alam,bigla n'ya na lang inagaw cellphone na hawak ko. Ibang-iba ugali n'ya." inis na tugon nito sa akin.

"Kamukha n'ya si Goyong. Kamukha n'ya lamang ngunit magkaiba sila ng ugali. Kahit babaero ang Heneral hindi ganyan ang ugali n'ya ano!" inis na tugon nito. Heneral Goyo... kaya pala pamilyar ang mukha n'ya! Kaya pala nabanggit n'ya kanina na makikilala n'ya agad ang taong yan dahil matagal na silang nagkakasama.

"Wow! Ang galing naman! Totoo kaya yung reincarnation?!" manghang tugon ko sa kanya. Hindi n'ya naman naintindihan ang reincarnation kaya nakakunot ang noo nito.

"Reincarnation. Yan yung mabubuhay ka ulit sa ibang panahon pero sa ibang katawan na. Pwedeng kamukha mo ulit pwede ring hindi. At bihirang tao lang ang makakaalala kung ano sila sa nakaraang buhay nila." paliwanag ko rito at napatango-tango naman ito.

"Marahil kaya hindi ako naaalala ni Telesforo ngayon. Ganon pa rin ang mukha n'ya nung nakaraang buhay n'ya. Litaw ang pagka mestizo." tugon nito. Nakita ko ang dalawang may kamukha sa past life. Si Remz na kamukha ni Telesforo Carrasco at si Sir Raven na kamukha ni Heneral Goyo. Si Vicente lang ang hindi kase nanggaling talaga s'ya sa nakaraan.

"Ikaw kaya? May kamukha ka rin kaya na nabubuhay sa panahong ito?" seryosong tanong ko rito. Hindi naman s'ya sumagot pa dahil biglang naupo si Sir Raven sa bakanteng upuan. Ang haba ng pila kaya kababalik n'ya lamang.

"Pinag-uusapan n'yo ba ako?"usal nito sa amin. Ang talas naman ng pandinig ng taong ito.

"Ah Oo, sabi ko kamukha mo ang Heneral Goyo." tugon ni Vicente rito. Nanatili lamang s'yang nakatitig kay Vicente at walang mabasang emosyon dito.

"Kamag-anak mo ba ang Heneral?" pagtatanong ko rito. Napahinto naman ito at tumingin sa malayo. Muli itong tumingin sa amin at ngumiti.

"Kamukha n'ya talaga si Goyong. Parehong-pareho itsura nila at boses." mahinang bulong sa akin ni Vicente.

"Oo, sa katunayan great-great-grandfather ko ang Kuya Pablo n'ya. Raven del Pilar ang buo kong pangalan. Hindi ko nga alam kung bakit kapatid n'ya ang naging kamukha ko e. Astig diba?" nakangiti nitong saad.

"Ah ganun ba? May asawa ka na ba?" tanong ko rito. Ano naman kung personal na tanong na yun? Malay mo sugurin pa kami ng asawa non dito e. At tsaka interesado ako sa buhay n'ya.

"Asawa? Napakabata ko pa para d'yan. Ni hindi pa nga ako nagkaka girlfriend e." mahinahong tugon nito. Napanganga naman si Vicente kaya agad ko itong siniko.

"Himala." mahinang bulong nito.

Naputol ang pag-uusap namin ng dumating na ang inorder ni Sir Raven. Kumikislap-kislap pa ang mata ni Vicente nang matikman ang ice cream. Paniguradong hindi na naman s'ya magsasawa bumili nito.

AMOR de un CORONEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon