"Girl, bat late ka naman? Mabuti nalang magaling magpalusot itong si Ginno bakla at napaniwala si Prof. Legaste" saad ni Gel, nandito kami ngayon sa cafeteria ng school,dahil nga late ako kanina, dito na kami dumiretso. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Gel kanina sa harap ng classroom naman. Natatakot ako sa kahihinatnan ng relasyon naming ni Timothy, iniisip ko palang naluluha na ako. Jusko naman, binigyan pa ako ng iisipin nitong bruhang babae na to.
"Hindi ko kasi narinig na tumunog na pala ang alarm clock, kaya ayun, si mommy na naman ang gumising sakin gamit ang mahiwagang boses nya" usal ko habang nag-uusap kami sa cafeteria.
"Anu ba kasi ang pinaliwanag mo bakla at napaniwala mo si Prof?" Tanong ko kay Ginno habang hinihintay naming ang susunod na schedule naming sa cafeteria.
"Sir, malalate na naman po si Ms. Fernandez, dahil sobrang traffic po ngayon sa Edsa prof promise mamatay ka man." Sabi ni bakla sabay tawa na sinabayan namin ni Gel.
"True girl, yan talaga ang sinabi nya kanina, natawa nalang kami sa kanya. Ewan ko ba jan, mukhang kulang sa sapak haha." Sabat ni Gel at natawa nalang ako.
Nagpatuloy pa kami sa aming kwentuhan hanggang sa naisipan na namin na bumalik na sa room. Habang naglalakad kami, naisipan ko munang dumaan sa cubicle para mag ayos, sinamahan naman ako ng dalawa. Habang papunta kami sa loob, nabangga ko ang isang bulto ng tao na halatang galing sa loob.
"Hala miss, sorry hindi ko sinasadya. Hindi ko napansin na may tao pala galing sa loob" hingi ko ng tawad sa taong nabangga ko. Hindi ko pa man makita ng buo ang kanyang mukha, alam ko na maganda na ito. Nahiya naman ang mukha ko kay ate girl.
" No, it's okay, hindi naman ako nasaktan, by the way, thank you sa pag-aalala. Ako nga pala si Samantha Gimenez, Sam for short" pagpapakilala nito sakin, sabay lahad ng kamay nya sakin.
'Hindi ko naman tinatanong pangalan nya ah? Feeling close ka ate?'
At dahil pinalaki ako na mabait ng aking mga magulang, tinanggap ko ang kamay nya, mukhang nangangalay na nga ito, hahaha.
" I'm Trisha Lorraine Fernandez, Raine for short. Pleased to meet you. This are my friends, Gela Marie and Ginno" pagpapakilala ko sa mga kaibigan ko. Nakipag kamayan naman silang dalawa.
" Pleased to meet you guys." Masayahing bati sa amin ni Sam.
"Anong course mo bhie? Ngayon lang ata kita nakita dito, baguhan ka ba dito?" Tanong ni Ginno sa kanya. Tanginang tao ito oo.
" Well, 4th year college na ako,new blockmate ng engineering team and yes, transferre ako a week ago kaya ganyan, minsan lang lumabas." Sagot ni Sam sa tanong ni Ginno.
'Teka, new blockmate? Eh bakit hindi naikwento ni Timothy sa akin ito?'
" Sige Sam, una na kami, may klase pa kasi kami ngayon eh, see you around." Paalam ni Gel sa kanya. Nag paalam kami sa isa't isa at naglakad na papunta sa aming room.
Natapos lamang ang pang-hapon na klase ko, at hindi ako nakapag focus, anak ng kagang naman oh. Nandito na ako sa labas ng room naming dahil dito ko hihintayin si Timothy. Tumawag na sya kanina at sabi ko na dito ko nalang sya hihintayin, hindi rin tumagal at dumating na sya.
" Sorry to keep you waiting love, may binigay pa kasi ang prof ko na panibagong plates na gagawin namin" sabi ni Timothy nung makalapit na sya sa akin at humalik sa pisngi ko.
"Give me your things, ako na ang magdadala nyan." Papunta na kami sa parking lot ng school. Pagkarating naming dalawa sa kotse nya, agad kong kinuha ang mga gamit ko sa kanya dahil pagbubuksan nya pa ako ng pinto. Agad akong pumasok sa loob at sumunod din kaagad sya papuntang driver's seat.
" So love, saan ang destination natin ngayon? I bet ayaw mo na sa mall, maraming tao doon" tanong nya sakin habang palabas na kami ng campus. Nag isip naman ako.
"Gusto ko dun tayo sa Hepa Avenue love, gusto ko naman ngayon ng street foods, I bet you like kwek-kwek and fishball" saad ko sa kanya ng may ngiti sa labi.
" Alright, Hepa Avenue here we come!" sabi nya at pinaandar na ang kotse. Nakangiti lamang ako habang papunta kami sa Hepa Avenue. Mas gusto ko ang street food date kineme bukod sa mura lang ito, mas masusulit naming dalawa ang pera dahil sa mura nito. Dumating na kami sa Hepa at nagulat ako na maraming estudyante ang naroroon at bumibili. Bumaba na kaming dalawa at pumunta sa isang stall ng tusok-tusok dito.
"Manong, tusok-tusok nga po, all kinds. Hanap lang kami ng mauupuan manong" sabi ko sa manong nagtitinda doon. Nakahanap naman kaming dalawa ng mauupuan, at ilang sandal lamang ay dumating na ang all kinds of tusok-tusok na inorder naming dalawa.
" Love dito nalang tayo pumunta after class, makakamura tayo dito sa Hepa Avenue, makakatipid pa tayo." Sabi nya habang kumakain kami ng fishball.
" Oo naman love, mas sulit dito, hindi na natin kailangan pang gumastos ng mahal." Pag sang-ayon ko sa kanya.
Tamang street food date is enough na para sa akin, masyadong Masaya ang street food dates. Hindi ko lang talaga alam kung bakit merong mga babae na gusto talaga sa mga mamahaling lugar mag date? Tapos magdedemand ng kung ano-ano sa mga jowa nila para matawag nila itong mahal na mahal sila. Hindi sa mamahaling bagay masusukat ang pagmamahal, kundi sa pinagsamahan at tatag ng relasyon.
Pagkatapos naming kumain ng tusok-tusok sa Hepa Avenue, nagpasya na kaming dalawa na umuwi dahil parehas kaming dalawa na maraming gagawin na homeworks at activities. Gusto ko sana syang tanungin tungkol sa bago nyang blockmate pero napag isipan ko na mamaya nalang. Habang pauwi kami, tanging musika lamang na nanggagaling sa Bluetooth sang kotse nya ang nag-iingay, pareho kaming dalawa na walang imik. Noong malapit na kami sa aming bahay, doon ko na sya tinanong tungkol sa bagong blockmate nya sa engineering department.
"Love, may bago pala kayong blockmate sa engineering department si Samantha Gimenez. Hindi mo kasi ito nasab ------------------------------" biglang naputol ang sasabihin ko dahil sumabat na sya sa usapan. At ang ipinagtataka ko ay ang pagpapalit ng emosyon nya. Ang kaninang kalmadong itsura,ngayon ay napalitan na ng galit at pagkairita.
"I didn't know that your interested in my course, at hindi ko alam na may responsibilidad pala ako na sabihin sayo ang mga kaganapan tungkol dyan" sarkastiko nyang sagot sa akin.
'Lord gabayan nyo po ako na hindi ko po ito masapak ng wala sa oras, boyfriend ko po ito amen. Tumangon lang naman po ako bakit ganyan na.'
That answer caught me off guard. Girlfriend nya diba ako kaya may karapatan syang sabihin sa akin lahat pero bakit bigla yatang umiba ang ihip ng mundo? Natahimik nalang ako at humugot ng isang napakalalim na hininga bago ako sumagot.
"Bababa na ako, baka may masabi pa ako na hindi maganda at baka humantong pa ito sa pag-aaway nating dalawa take care love, bye."tanging nasabi ko nalamang bago bumaba sa kotse nya at naglakad patungo sa bahay. Hindi ko na sya nilingon kahit pa narinig ko ang gulong ng kotse nya na umalis na.
Pagkarating ko sa loob, nandoon na sa dining area sila mommy at kumakain, tumikhim lang ako para makuha ko ang atensyon nilang dalawa ni daddy.
"Mom, may tanong po sana ako, may tinatago po ba si daddy sa inyo noon?" biglaang tanong ko at huminto naman sila sa pagsubo ng kanilang kinakain.
"Anak, may nangyari ba sa inyo ni Timothy kaya mo natanong yan?" tanong ni daddy.
"Wala naman dad, natanong ko lang. Akyat na po ako sa taas, mamaya nalang po ako kakain, good night mom, dad" paalam ko sa kanila bago ako umakyat sa taas. Pagpasok ko ng kwarto, naglinis agad ako ng katawan ko, nagbihis ng pantulog at humiga na sa aking kama. Iniisip ko ang mga nangyari sa kotse kanina at hindi ko lubusang maisip kung bakit nalang ganon ang kanyang emosyon na ipinakita sa akin. May dapat ba akong malaman? Iniisip ko palang natatakot na ako, sana makayanan ko ito kung sakali mang mangyari ito sa akin.
~clyde~
YOU ARE READING
Love Between Fear
Romance" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...