A/N: This chapter contains the POV only. Babalik ulit kay Trisha ang susunod na mga chapters. XOXO
R-18
*Read at your own risk*
GEL'S POV:
Naiinis ako! Gusto kong manapak ng tao, yung tipong hindi na magigising ang taong susuntukin ko sa sobrang inis! Nakakasakit ng damdamin na nakakagago. Gusto kong magwala sa loob ng sinehan at sabihin kay Trisha ang nalaman ko bago lang! Nakakauyam na nakakasira ng desisyon sa buhay.
Pagbalik ko sa loob, nagtataka ang mga matang tinignan ako ni Trisha. Sino ba naman ang hindi magtataka kung sa pagbabalik mo ay may bahid ng luha ang iyong mga mata at nakakuyom ang mga kamao.
'May nalaman ako sa jowa mong magaling, bugarets ka!'
Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at binaling ko sa ibang anggulo ngunit nahagip na naman ng aking mga mata ang pinakainiinisan kong nilalang sa balat ng lupa, si Timothy. Muli naman akong lumuha, pagdating sa mga kaibigan ko, nagiging mahina ako lalo na kay Trisha na itinuring ko na parang kapatid.
Naramdaman ko nalang ang mga kamay na humaplos sa likod ko. Nanlabo man ang mga mata kong tinignan kung sino man ang humaplos nun, at nakita ko si Trisha na nag-aalala sa akin. Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit at humagulgol sa kanya. Wala akong pakialam kung may makarinig at makakita sa akin sa loob. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko
'Napakawalang kwenta mong lalake para saktan lamang ang taong malapit sa puso ko.'
"Bess, tahan na. Kung ano man ang problema mo, nandito lang ako para sa'yo, tandaan mo yan ah? Tahan na, I love you bess" pampalubag ng loob nya sakin. Masyado talaga akong nasasaktan.
'Hindi mo alam na ikaw ang dahilan kung bakit ako lumuluha ng ganito Trisha. Nasasaktan ako. Sana talaga hindi ko na yun narinig'
Pinaupo na ako ni Trisha sa upuan ko at nanood nalang ng palabas mula sa screen. Hindi ko na maintindihan ang daloy ng istorya dahil sa iniisip ko. Maraming nag-iingay sa paligid ko pero ang atensyon ko ay nasa isang bagay lamang.
'My mind is full of emotions that I couldn't explain. Masyadong masakit ang isang ito kung malalaman pa ito ng kaibigan ko.'
Naputol lamang ang iniisip ko nung tumayo na si Trisha at niyuyugyug ang mga balikat ko. Napansin ko naman ang kunot nyang noo kaya tinawanan ko nalang sya para hindi nya mapansin na may problema ko.
"Bess tara na, uwian na. Kanina pa kita tinatawag ngunit mukhang malalim ang iniisip mo, hihi sorry na bess." Sabi ni Trisha sa akin at agad akong nakaramdam ng awa sa kanya.
'Hindi mo alam na niloloko kana pala ng jowa mo habang nakatalikod ka.'
Agad naman akong tumayo at naunang lumakad dahil ayokong makasabay si Timothy. Mukhang napansin naman ata ng bakla ang mabilis kong lakad kaya hinabol nya ako.
"Bakla, bat ba nagmamadali ka ha?! Nako sa'yo nalang ako sasabay dahil masyadong sweet ang dalawa." Sabi ni Ginno at agad naman akong lumingon sa likod ko at nakita ko ang masayahing mukha ni Trisha at ang mukha ng manloloko nyang jowa.
Nanatili lamang akong tahimik hanggang sa parking lot ng mall. Napansin iyon ni Ginno kaya tinanong nya ako.
"Girl, bat ang tahimik mo? May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa akin kung ano man ang bumabagabag sa isipan mo."sabi ni Ginno sa akin at napaisip naman ako.
'Kung sasabihin ko kay Ginno ang nalaman ko, mabibigyan nya ako ng payo. At isa pa, mapagkakatiwalaan ko ito pagdating sa mga sekretong malulupet.'
YOU ARE READING
Love Between Fear
Romance" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...