CHAPTER 26

5 1 0
                                    

26

Tinitigan ko lang siya pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yun. Walang lumabas na kahit anong salita mula sa akin. Napailing nalang siya at ngumiti ng walang makuhang sagot mula sa akin. Nahigit ko ang hininga ko nang bigla niyang ginulo ang buhok ko. Hindi ko iniexpect na gagawin niya yun.

"Wag mo nang isipin ang sinabi ko, masyadong kabisado ko na ang mga linyahan ko sa mga palabas kaya yun ang sinabi ko."

Tumango ako habang inaayos ang buhok kong sinira niya at tahimik na pinagmasdan siyang ligpitin ang mga ginamit niya na mga paint brushes, at mga pinta. Tsinek ko ang paligid para tignan kong ano ang idinagdag niya. Habang sinusuri ko ang loob, hindi ko mapigilang magtaka kung may ginawa ba siya dito sa loob. Mukhang tinapos na ito ni manong bago umalis.

'May ginawa ba itong tao na ito?'

Nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa na hindi tumitingin sa akin. Walang nagsalita sa pagitan naming dalawa, tanging ingay lang ng mga lata ang naririnig ko. Gusto ko sana siyang tanungin kung meron na bang siyang naisip na designs para sa mga natitirang kwarto, ngunit natatakot akong magsalita.Nilakasan ko ang loob ko para kunin ang atensyon niya.

Tumikhim ako para magsalita nung bigla nalang siya pumihit paharap sa akin at nagsalita. Itinikom ko ang bibig ko dahil sa gulat at wala akong nagawa kundi ang makinig.

"Natapos mo ba yung pinagawa ko sa'yo?" tanong niya sa akin habang pinupunasan niya ang kanyang kamay na mayroong pinta habang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa uri ng tingin niya sa akin. Yumuko nalang ako para mag-isip ng isasagot ko.

"M-meron ka bang ibinigay sa akin na trabaho? Sa pagkakaalam ko wala." Sagot ko sa tanong niya. Naghintay ako ng ilang segundo para sa sagot niya at wala akong narinig galing sa kanya kundi ang impit na tawa. Iniangat ko ang paningin ko sa kanya at tumawa ng malakas. Kumunot naman ang noo ko dahil dun.

'May mali ba sa sinagot ko?!'

Huminga muna siya ng malalim habang pinipigilan ang sarili na tumawa ulit. Inis ko siyang tinignan bago umirap.

" Mali pala ang sinabi ko, sige uulitin ko nalang. May mga picture ka na ba dyan na gagamitin ko para kunan ko ng idea." Nakangiting sabi niya sa akin. Napailing nalang ako at napapahiyang nasapo ko ang noo ko dahil sa kabobohan ko.

'Jusko! Lupa kainin mo na ako! Nakakahiya ang pagiging bobo ko.'

"A-ah? Y-yun? H-haha? Ahm, sorry. Hindi ko n-nagawa y-yung pinapagawa mo. K-kasama ko kasi ang mga bata kanina kaya nawala sa isipan ko. Pasensya ka na ha?" sagot ko sa kanya. Hindi ko mapigilang yumuko dahil dun. Narinig ko naman ang tawa niya kaya mas lalo akong kinain ng hiya.

"Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala, at isa pa, nakita rin naman kita kanina na kasama ang mga bata kaya hindi na kita inabala pa." sagot niya sa akin at nakahinga naman ako ng maluwag. Inayos ko ang sarili ko at mahigpit na kumapit sa bag ko dahil sa kabang nararamdaman.

"Anong ginawa mo rito? Mukhang tinapos naman ito ni manong bago umalis." Tanong ko sa kanya. Inaayos niya ang polong nagusot bago sumagot sa akin. Ngayon ko lang nagawang tignan ang ayos niya. Nakasuot ito ng pink na polo shirt na may tatak ng isang kilalang brand ng mga damit, nakamaong short na black, tennis shoes na galing sa kilalang brand din at may relo.

Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa simpleng pananamit niya. Walang bahid ng piercing sa buong katawan. This man screams aura and charm, hindi na nakakapagtaka kung meron na itong babaeng napupusuan.

'Ano namang pakialam ko sa kanya?'

"Tinignan ko lang kung ilang rooms pa ang hindi nagagalaw, at ito na ang panghuling kwarto na pinasukan ko. Dinagdagan ko lang ng kulay dahil masyadong light ang pagpahid ng dati nyong pintor, hindi pantay sa ibang kwarto na nadaanan at natignan ko." Sagot niya sa akin habang pinagpagpag ang damit.

Love Between FearWhere stories live. Discover now