CHAPTER 17
A/N:
Warning: May mga salita akong ginamit na hindi naaangkop sa aking mga mambabasa.
Nagtaksil ka na ba? O napagtaksilan ka na ba?
'Gusto ko lang ishare sa inyo ngayon ang topic na ito dahil sa aking napapanood sa telebisyon, sa ating mga magulang, at pati mismo mga kabataan. Noong nakaraang araw kasi, may lumapit sa akin na isang babae, naghihingi ng advice kung bakit nagtaksil sa kanya ang kanyang kinakasama. Bakit nga ba nagtataksil ang isang tao? Mali ba ito o dahil sa kagustuhan niyang magtaksil?
Ang cheating o pagtataksil ay isa sa pinakasagradong problema na kinakaharap ng simbahan. Bawat isa sa atin ay nagawang magmahal, pero bakit umabot sa punto na kailangang magtaksil ka?
'Ayon sa isang artikulo na nabasa ko, people cheat because they want to be accepted, sa madaling salita, ginagawa nila ito para matanggap sa mata ng ibang tao na hindi niya nararamdaman sa kasintahan niya ngayon.
There are so many reasons why do people cheat, dahil may iba silang hinahanap hindi lang ang salitang pagmamahal. Boys in general pero hindi ko nilalahat, naghahanap sila ng iba para magbigay ng init sa kanilang katawan.
Pero we will look on the other side of cheating, merong taong gustong magtaksil dahil naranasan na nilang mataksilan sa una nilang pagmamahal, kaya ang ginagawa nila, binabalik nila sa kanilang kasalukuyang kinakasama ang kanilang naranasan. In other words, they cheat because they do it for revenge.
People cheat dahil wala na ang tinatawag na "spark" kung sa millennial term. Ito yung puro nalang away ang nararanasan niyo, hindi na tulad ng dati na puro tawanan nalang.
People cheat baka may pagkukulang ka bilang partner niya na nahanap niya sa iba.
So, as we gathered here all today, isa lang masasabi ko, ang pagtataksil ay mali sa mata ng batas at sa mata ng panginoon. Ito ay isang pagkakamali, bakit ka papasok sa isang relasyon kung hindi ka sigurado hindi ba?
Imagine, ibinigay mo na lahat sa kanya, pero naghanap pa rin ng iba.
Para sa akin, cheating is a choice. Choice niyang maghanap ng iba dahil baka nakaramdam siya na mas lamang pa ang ibang tao kaysa sa minamahal niya. Kagustuhan niyang magtaksil dahil sa tinatawag na toxicity at tagal ng relasyon nyo......'
Muling nanumbalik sa aking isipan ang naging homily ni father kahapon, mas lalong bumuhos ang luha ko dahil doon. Nakayuko lang ako habang umiiyak, parang isang bata na nagawaan ng paboritong laruan ang aking estado sa harap nilang dalawa.
'Masyadong masakit sa damdamin ito. Bakit nangyari ito?'
Hinarap ko naman si Timothy habang may luha sa aking mukha. Huminga muna ako ng malalim para makapagsalita ako ng maayos, pag angat ko ng paningin sa kanya, umiiyak na rin ito. Nandoon ang sakit at pagsisisi sa kanyang mata na bihira ko lang makita.
"Masarap ba?! Masarap ba ang bagong ka blockmate mo ha Timothy?! Masarap ba?!" pasigaw kong tanong kay Timothy. Masyadong masakit sa damdamin ang isang to.
Sinubakang hawakan ni Timothy ang balikat ko pero patuloy ko lang itong iniwas sa kanya. Nung makalapit siya sa akin, binigyan ko siya ng mag-asawang sampal dahilan para matigilan ito sa paglapit at paghawak sa balikat ko.
"Wag mo akong hawakan hayop ka! Tangina Timothy! Ito ba ang rason kung bakit mo ako iniwan sa Sultan Kudarat ha?! Ito ba ang rason kung bakit hindi mo magawang sagutin ang mga punyetang tawag at texts ko ha?! Ito ba?!"
Patuloy pa rin itong sinusubukan na hawakan ang balikat ko at patuloy pa rin ang iwas ko rito. Pinagduduro ko ang mukha niya at pinagbabayo ang katawan niya ng subukan niyang yakapin ako.
YOU ARE READING
Love Between Fear
Romance" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...