CHAPTER 23

7 0 0
                                    

23

"I am Adrian Rye Castillanes. Ikinagagalak kong makita at makilala ang babaeng mamahalin ko at papakasalan ko. See you soon again my 'tinatangi'."

"I am Adrian Rye Castillanes. Ikinagagalak kong makita at makilala ang babaeng mamahalin ko at papakasalan ko. See you soon again my 'tinatangi'."

"Babaeng mamahalin at papakasalan ko"

"Tinatangi"

"Tinatangi"

"Babaeng papakasalan ko"

"Papakasalan ko."

'Papakasalan ko'

'Tinatangi'

'Tinatangi'

'Babaeng mahal ko'

Parang sirang plakang paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga sinabi ng lalaking nagngangalang 'Adrian Rye Castillanes' habang naglalakad pabalik sa loob ng dressing room. Kung ibang babae lang ang makakarinig nun, baka himatayin na sila sa kilig, but not for me. Wala akong naramdamang kilig at kaunting kasiyahan. Sinong matinong lalaki ang magsasabi ng ganon sa isang babae? Walang iba kundi siya.

'Naaawa ako sa girlfriend niya.'

Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari. Pati na rin ang kakaibang pagtibok ng aking puso kanina noong tinitignan niya ako. Parang kinakabisado niya ang bawat parte ng mukha ko pati na rin ang buo ko kong pagkatao at talagang nangangamba ako dahil ngayon ko lang ulit ito naramdaman paglipas ng isang taon.

Sa paglipas ng panahon, wala akong pinapasok na lalaki sa buhay ko. Noong nasa New York pa ako, umiikot lang ang buhay ko sa pagmomodelo. Hindi ko pinaglalaanan ng oras ang mga lalaking nagkakandarapa sa akin noon. Tama na ang isa, ayaw ko nang masundan pa ang sakit na naramdaman ko noon kay Timothy.

Pagpasok ko sa loob, naabutan ko sila Gel at Ginno na nakaupo at kumakain ng meryenda na ipinadala siguro nila o ipinabili sa mga guards na kasama namin, hindi ko na nakita ang ibang kasama namin kanina, baka nauna na silang uwumi. Pabagsak kong isinara ang pinto para makuha ko ang kanilang atensyon at mukhang effective naman dahil agad silang tumigil sa pagkain at ibinigay ang buong atensyon sa akin.

"Bess? Kumusta ang interview? Okay ka lang ba? Mukhang pagod ka ata ah?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Ginno. Sumalampak ako ng upo sa couch at ipinikit ang aking mata habang hinihilot ko ang aking noo. Hindi ko sinagot ang mga katanungan ni Ginno sa akin.

"Bakit? Ginisa ka na naman ban g mga host doon sa loob?" tanong sa akin ni Gel. Gusto ko man sana matulog pero dahil sa mga katanungan nila, hindi na ako dinalaw ng antok at pagod. Kinusot ko muna ang mata ko bago ko sila hinarap at sinagot.

"The interview went well. Maraming fans ang nandoon kanina, iba talaga magmahal ang mga Pinoy. Hindi ko alam na ganoon pala kadami ang gustong makita ako dito sa Pilipinas." Masayang sabi ko sa kanila habang bumabalik sa aking isipan ang mga kumpol ng tao sa loob, at ang mga hiyawan at sigawan nilang lahat doon.

"Eh, ang lagay ba natin neto ngayon ay hindi na tayo babalik ng New York?" tanong ni Ginno sa akin.

"Syempre babalik. Nandoon ang buhay natin, simula ng sumikat ako sa pagmomodelo. Bibisita pa rin tayo dito." I assured him. Alam naming lahat na sa pagbabalik namin doon, maghihintay sa amin lalo na sa akin ang mga projects doon.

Biglang napatayo si Gel, dahil may tumatawag sa kanya. Lumayo ito sa amin. Dala ng gutom, kinuha ko ang pagkain na nasa upuan ni Gel at inumpisahan itong kainin. Hindi rin tumagal ang pagkausap niya sa telepono at bumalik na ito sa aming dalawa ni Ginno.

Love Between FearWhere stories live. Discover now