CHAPTER 20 (Part 1)

9 0 0
                                    

A/N: Sorry for the late update, may problema lang akong hinarap. But no worries, starting today, mag uupdate na ulit ako <3

"Unlike other sessions that we encounter, ito ang unang beses na bumalik ang trauma mo dahil sa ginawa ng boyfriend mo sa iyo."

Sabi ng doctor sa akin. Suki na ako dito dahil simula ng magkaroon ako ng trauma, dito ako dinadala ng parents ko. Ang huli kong punta dito ay noong malapit na akong malunod sa dagat.

Nakinig lamang ako sa sinabi niya. My mind was clouded with so much emotion that I cannot explain. Napatingin ako sa gawi nila daddy at nakita kong nag-uusap sila ng masinsinan nila mommy.

"This session will only last for 5 days straight baby. May isa rin akong pasyente na katulad ng sa iyo ngayon iha. Ang sabi ng parents niya, she tried to end her life dahil sa nangyari sa relasyon nila ng boyfriend niya."

'Napaisip naman ako bigla sa sinabi ni doc. Paano kaya kung tatapusin ko ang buhay ko dahil lang sa lalaki? Napakawalang kwenta naman yun. Gusto ko pang mag travel around the world.'

'Ayaw ko rin naman maging isang baliw dahil lang sa pag-ibig. Nakakabaliw pala pag sobra mong minahal ang tao.'

Napatingin ako kay doc na nakangiti sa akin. Gusto ko sana siyang tanungin pero nahihiya ako. Umiling lang ako ng umiling. Napansin siguro ni doktora ang sitwasyon ko kaya tumikhim siya at napatigil naman ako.

'Ito na ang umpisa ng pagigiging palaboy ko.'

"Iha, are you okay? May bumabagabag ba sa isipan mo? Umiiling ka kasi kahit wala namang kausap." Tanong ni doc sa akin habang nakataas ang dalawang kilay at tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Napaayos ako ng postura dahil sa hiyang nararamdaman ko. Kinalma ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim bago ako magtanong kay doc.

"Ahm doc, hindi pa naman po ako diba ipapasok sa mental hospital?"

Tanong ko na ikinabigla ni doktora sa akin at napatahimik nalang siya. Tinignan ko naman siya ng kakaiba at iniwas niya ang paningin sa akin bago tumawa ng malakas.

Huminga muna siya ng malalim at may pahawak-hawak pa siya sa tiyan niya. Napatingin naman ako sa gawi ng mga magulang ko at patuloy parin sila sa pag-uusap. Binalik ko ang tingin ko sa doctor ko at naroon pa rin ang impit niyang tawa.

'Nababaliw na ata si doc.'

"Iha, binigla mo naman ako sa tanong mo."

Taka ko naman siyang tinignan at isang ngiti lang ang ginawad niya sa akin. Naglakad siya papalapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"I didn't see any symptoms kung yan ang inaalala mo. Mabuti nga at maaga kang idinala ng magulang mo dito sa akin."

"Eh kasi doc, yan po kasi ang alam ko noong senior high ako dahil yan ang naging research ko. Mostly po, ang sagot ng mga anak nila, kaya nagkaganun ang nanay o tatay nila dahil nabigo sa pag-ibig."

"Maaring mapunta dyan pero magpasalamat ka sa magulang mo. Like what I said earlier ago, maaga kang ipinunta dito. Wag kang mag-alala, ang trauma mo ngayon ay mawawala yan starting tomorrow."

Sabi ni doc sa akin at nakinig naman ako. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga pasyente niyang hinahandle. May katulad din sa akin pero ang iba ay malubha na talaga.

"Everything will be back to normal again iha. After this 5 sessions, makakaramdam ka ulit ng kapayapaan katulad ng past sessions mo with me. Don't worry, kasama mo ako okay?"

Tumango nalang ako sa kanya at nanatili akong tahimik sa isang tabi. Pinikit ko ang mga mata ko para ipahinga ito kahit kunti dahil pakiramdaman ko kulang ako sa tulog dahil sa mga nangyari. Naramdaman kong may palad na humaplos sa ulo pero hindi ko na iminulat ang mata ko, alam ko namang si doktora lang yun.

Love Between FearWhere stories live. Discover now