Patuloy lang ako sa pag-iyak sa loob ng aking kwarto. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin, ang pagtataksil sa akin ni Timothy o ang pagtatago ng sekreto sa akin ng mga kaibigan ko.
'Sasabog na ang isipan ko sa mga pangyayari.'
Nakarinig ako ng sunod sunod na pagkatok sa aking pintuan. Pinunasan ko muna ang mukha ko gamit ang mga palad ko at tumikhim para sumagot
"Yes? Come in, hindi naka lock ang pinto ko." Tanging nasabi ko habang nakaupo at nakasubsob ang ulo ko sa aking mga tuhod.
Nakarinig ako ng ingay mula sa pagpihit ng door knob, isali mo pa pati ang yabag ng mga paa pero hindi ko ito binigyan ng pansin. Hinayaan ko lang kung sino man ang pumasok sa loob
'Marami na nga akong iisipin, dadagdag pa ba tong mga tao na ito.'
"Bess? Okay ka lang? Sorry if we chose not to tell you kung ano ang nalaman naming dalawa ni Ginno. Dahil ayaw naming pangunahan ang nararamdaman mo. Kung magalit ka sa amin okay lang, mali naman naming dalawa yun."
Narinig kong sabi ni Gel sa akin. Napaangat ako ng tingin sa kanya habang may butil pa ng luha sa aking mukha. Pinahid naman ito ni Gel habang hinihimas ang ulo ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Sa estado ko ngayon Gel? Hindi ako okay. Masyadong masakit sa damdamin ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang kinahantungan ng pagsasama naming dalawa."
"Hindi ako galit sa inyong dalawa. Alam ko naman kung bakit niyo itinago sa akin yun. In order to save our relationship, gumawa kayo ng bagay na mas delikado pa. Thank you dahil nagawa mong irecord yun."
Niyakap niya ako ng sobrang higpit at tumulo na naman ang luha ko. Alam kong pati siya ay umiiyak dahil ramdam ko ang mga kamay niyang ipinupunas sa mukha niya. May sinasabi siyang mga salita pero hindi ko maintindihan dahil sa kakaiyak niya.
Kumawala ako sa yakap niya at hinawakan ko ang pisngi niya habang lumuluha siya. Napangiti naman ako sa inasal niya.
"Tahan na, akala ko ba ako lang ang iiyak dito? Sandal lang may kukunin lang ako." Sabi ko sa kanya sabay tayo at naglakad papunta sa divider kung saan puno ito ng mga larawan naming dalawa. Kahit nanginginig man ang tuhod ko, pinilit ko paring tumayo.
Kumuha ako ng tatlong larawan na naka frame doon. I just glance at it, ni hindi ko nagawang himasin ang larawan naming dalawa ni Timothy doon. The pain was too much, na kahit anong pag-iyak ko, hindi yun mabubura.
'Parang sirang plaka na umuulit sa aking pandinig ang mga ungol nila.'
Habang naglalakad pabalik sa pwesto ko, mahigpit ang naging yakap ko sa mga larawan. I sighed heavily at tumikhim para makuha ko ang atensyon ng kaibigan ko. Tiningala niya naman ako, at nakita ko naman ang pag-iyak niya. Pagkakita niya sa akin, agad naman siyang yumuko ulit.
Napailing nalang ako habang umuupo sa tabi niya. Pagkaupo ko, hinawakan ko ang balikat niya at pilit kong iniharap sa akin ang mukha niya. Kita ko pagpahid ng kamay niya sa kanyang mukha.
"Hey! I said stop crying will you? Hindi ikaw ang nasaktan boba!"
"Hindi nga ako ang nasaktan, pero dahil bestfriend mo ako, nasasaktan ako sa nangyari sa iyo. Kahit ngayon lang, hayaan mo akong umiyak dahil sa kaibigan ko. My tears are worth it dahil kayo lang din naman ni Ginno ang kaibigan ko."
Pagkatapos niyang sabihin yun,ibinaba ko muna ang picture frames at niyakap ko siya ng napakahigpit. Hinagod ko ang likod niya and said comforting words para hindi na siya umiyak pa.
Nung maramdaman kong okay na siya, niluwagan ko na ang pagkakayakap ko sa kanya. Ikinalma ko ang sarili ko at pinulot ang picture frames na ibinaba ko kanina. Gulat siyang napatignin sa picture frames na bitbit ko.
YOU ARE READING
Love Between Fear
Romance" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...