CHAPTER 25
"Rain, saan ka pupunta?"
Isang tanong na galing sa kanya pero hindi ko masagot dahil sa kabang nararamdaman. Napatingin ako sa mga mata niya at nakita kong naghihintay siya sa sagot ko. I cleared my throat para sagutin ang tanong pero walang lumabas kahit isang salita.
Hindi maalis sa isipan ko ang nakakatunaw niyang mga ngiti, ewan ko ba. There's something in his smile that caught my attention. Tinitigan ko ang mga mata niya na tila nangungusap, na kahit hindi na siya magsalita malalaman mo rin sa pamamagitan ng kanyang mga mata.
Napakurap ako nang biglang iniwagaywag ni Adrian ang isa niyang kamay sa harap ko. Inis ko siyang tinignan dahil sa ginawa niya ngunit binigyan niya ako ng isang nakakalokong tawa. Binawi ko ang braso ko sa kanya at padabog na naglakad palayo.
Dahil nga lalaki siya at malalaki ang kanyang mga paa, mabilis niya akong hinabol at pilit na iniharap sa kanya. Napairap nalang ko sa hangin at salubong na kilay ang tumambad sa kanya noong hindi na ako nagmatigas pa.
'Nakakabwesit! Bakit ba ang laki ang mga hakbang niya?!'
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin noong makita niya ang mukha ko. Isang buntong hininga ang binitawan ko at nakataas ang kilay ko para sagutin siya.
"Doon sa mga bata, gusto ko silang makilala at makalaro na rin. Nakakahiya naman tignan na ako ang may-ari nitong orphanage pero ni isa hindi ko pa kilala ang mga batang inaalagan dito." Mataray kong sagot sa kanya at narinig ko naman ang tawa niya.
"Babalik ka ba dito mamaya?" tanong niya at napakamot naman ako sa ulo ko.
'Hindi ba siya nauubusan ng tanong?!'
"Oo. Pagkatapos ko doon sa mga bata, babalik agad ako dito. Tanungin mo nalang si mommy kung saan banda ang pipintahan mo. Baka may hindi pa natapos na pinturahan si manong, check mo nalang every rooms para makita mo." Sagot ko sa kanya at tumango naman siya.
"Kailangan ko ang mga pictures na pagkukunan ko ng idea. Meron ka ba dyan? Kukunin ko na ngayon."
" Wala. Maghahanap pa ko. Sige, mauna na ako sa'yo, dami mong tanong." Mataray kong sagot sa kanya habang binawi ko ang braso ko na hawak niya at naglakad na palayo.
Rinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya mas lalo akong naiinis. Binilisan ko ang paglakad ko para hindi na niya ako maabutan pa. Naging magaan lang ang pakiramdam ko nang makarinig ako ng mga batang nagtatawanan.
Naglalakad ako sa hallway noong biglang sumulpot sa harapan ko si Gel na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi, inirapan ko siya at naglakad ng diretso. Kahit hindi na ako lumingon pa, alam kong nakasunod siya sa akin, may pasipol-sipol pang nalalaman.
Itinirik ko ang mga mata ko at hinarap siya sa bored na paraan. Napahinto naman siya sa pagsipol at ngumiti ng nakakaloko. Dahil medyo may kalayuan ang agwat naming dalawa, lumapit ako sa kanya habang ang mga kamay ko ay na bewang ko.
'Alam ko may sasabihin siya kaya nagkakanganyan.'
"Anong problema mo? Mukha kang tanga alam mo ba yun?" komento ko nang makalapit na ako sa kanya. Isang tango lang ang naging tugon at tumawa na naman.
"Mukhang malakas ang tama sa'yo ng lalaki na yun ah? Wag ka nang magsinungaling pa dahil kitang-kita ko kayong dalawa na nag-uusap."
'Ah, kaya naman pala sumulpot nalang bigla. Nagtago pala para lang makachika.'
"Ewan ko, wala naman akong ginawa sa kanya. Kababae mong tao ang hilig mong makinig sa usapan ng iba. Daig mo pa mga reporter sa ginawa mo." Masungit kong sagot sa kanya at tumawa na naman siya. Hinampas niya ako sa braso bago sumagot.
YOU ARE READING
Love Between Fear
Romance" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...