Nagulat ako dahil magkasama at nag-uusap sina Samantha at Timothy sa aming pwesto. Nadagdagan na naman ang mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan dahil sa aking nasilayan. Hindi lang ako ang napatahimik kundi pati na rin sina Ginno at Gel na kasabayan ko lamang sa paglalakad papunta rito.
'Bakit naman ganito ang nangyayari huhu'
Agad naman kaming lumapit sa kanila at halata ang gulat sa mga mukha nilang dalawa, na para bang nahuli sila sa kasalanan nilang ginawa. Nagkibit balikat nalang lamang ako at patuloy na pumunta sa pwesto ko. Binati ko naman silang dalawa.
"Good morning love, hindi ko pala alam na close na kayo ni Sam." Sabi ko at tinignan ang kinaroonan ni Sam at mukhang wala itong sa mood na para bang hindi nya narinig ang sinabi ko. Hinalikan ko ang kanyang pisngi at umupo na sa pwesto ko. Sina Ginno at Gel naman ay umupo na rin.
Narinig kong tumikhim si Samantha kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.
"Ahm, Trisha at Timothy, mauna na muna siguro ako sa inyo, marami pa kasi akong tatapusin na plates, doon ko nalang sa loob ng classroom tatapusin. May tinanong lang ako kay Timothy. Sige mauun-------" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil sumabat na ako sa usapan.
'Hindi ko naman tinanong kung bakit sya nandito ah?!Bat ba ang hilig nitong magsalita ng tuloy-tuloy?!'
"Pwede ka samin sumabay mag breakfast Sam, para magkalaman ang tyan mo bago mo umpisahan ang mga plates mo." Magalang kong sabi sa kanya at nakita ko naman ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.
"A---ah kasi Trish, baka maka istorbo lang ako sa inyo dito, hindi n-----" agad na namang naputol ang sasabihin nya dahil umeksena ang baklang Ginno.
"Hindi ka istorbo sa amin, kaya sumabay kana". Magiliw na anyaya ni Ginno sa kanya.
'Bat ba parating napuputol kung sya ang kausap namin?'
Napakamot ng ulo si Sam, hindi alam kung ano ang sasabihin. Ng makaisip ng sasabihin, agad nya itong isinapubliko.
"A-------ah kasi mara------" naputol na naman po ang sasabihin nya dahil kay Gel.
"Wag nang maraming satsat dyan, uupo nalang marami pang arte sa katawan. Anong gusto mo pagsilbihan ka? HAHAHA?!" pabiro ngunit sarkastikong saad ni Gel, natawa na lamang ako.
'Kawawang nilalang hindi pinapatapos pagsalitain.'
Walang nagawa si Sam kundi ang umupo sa tabi ni Timothy. Palihim kong sinulyapan ang dalawa na nasa tabi ko at yun na naman ang papalit palit sa tinginan nila sa isa't-isa na para bang nag-uusap sila gamit lamang ng kanilang mga mata.
'May lahi talaga silang alien'
Tumayo sina Gel at Timothy para umorder ng aming kakainin. Masyadong awkward ang atmosphere sa pagitan naming tatlo na naiwan sa table, walang nagsasalita, si Ginno busy sa notes nya na binabasa, si Sam na busy rin sa notes nya at ako naman na busy sa kakaselpon at nanonood ng videos.
Mabuti nalang at dumating na ang dalawa dala ang inorder nilang pagkain. Masaya kaming kumakain ngunit si Sam ay parang na out of place samin. Pagkatapos nyang kumain, nagpaalam nya sya.
"Guys, thank you sa treat nyo ah? Mauuna na ako, may plates pa kasi ako na tatapusin eh. Bye" paalam nya at isa-isa kaming nagsipagtanguan sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami saglit. Sa kalagitnaan ng katahimikan naming apat, nagsalita si Timothy, nakinig naman kaming tatlo sa sasabihin nya at para kaming nanalo sa lotto dahil sa sinabi nya.
"So after your class, manonood tayo ng movie, bali moviedate kasama sila Ginno at Gel, ano G? After class, susunduin ko kayo at ako na rin ang maghahatid sa inyo dalawa Gel. So, love kitakits nalang tayo mamaya. I love you." Paalam ni Timothy sa amin at saka sya tumalikod.
"Girl, makakasama tayo sa date nilang dalawa! Oh my gulay! Nakaka excite naman ito! Gosh." Pasigaw na sabi ni Ginno habang paakyat kami sa aming room.
Hindi naman mawala sa aking mukha ang labis na kasiyahan dahil makakasama ko ang mga kaibigan sa aming date. Madalas kasing kami lang dalawa kaya naman Masaya ako na sinama nya sina Ginno at Gel.
Buong maghapong klase namin ay excited silang dalawa dahil makakasama na daw sila sa date naming dalawa. Kaya nong nag bell na hudyat na n gaming uwian, agad na kumaripas palabas ang dalawa. Ako naman ay naiwan sa loob para makapag ayos ng kahit konti at tinawagan ko na sya na nasa labas na kami ng room naghihintay.
Hindi naman tumagal ay dumating na sya at kinuha ang mga gamit na bitbit ko. Pababa na kami nung biglang nag ingay ang phone nya. Dahil katabi ko sya, narinig ko ang ingay, kaya naman naglakad sya palayo at sumenyas na mauna nalang daw kami sa parking lot. Nababagot na kami sa kakahintay sa kanya, mga walang magawa.
Matapos ang limang minutong paghihintay, dumating na si Timothy at nabuhayan ng dugo ang mga kasama ko. Pinagbuksan ako ni Timothy ng pinto sa passenger's seat habang sina Ginno naman ay pinagbuksan nya din. Instart na nya ang kotse at binuksan ang radio, umalis na kami papuntang mall.
Hindi naman tumagal ay dumating na kami sa mall. Pagkadating namin doon, naghanap kami muna ng makakainan.
Puro tawanan lamang kami sa buong pagkain naming apat, na para bang ngayon lang nagkakasama.
Pagkatapos kumain, dumiretso na kami sa cinema area, ang totoong plano naming apat. Nagtext muna ako sa bahay na baka gabihin ako dahil kasama ko sina Timothy.Pumila kaming dalawa ni Timothy sa bilihan ng ticket, samantalang sina Gel at Ginno naman ay nasa bilihan ng mga pagkain. Nagkita kita kami sa harap ng pintuan ng cinema.
"Are you guys ready? Its time for our movie date!" sabi ni Timothy at nag agree naman kami. Habang papasok kami, nakaramdam ako ng matinding kaba sa aking dibdib, na para bang anytime ay may mangyayaring hindi masama.
Nagsimula na ang movie at magkakatabi kaming apat. Si Ginno, Timothy, ako at si Gel. Ang kwentong istorya ay umiikot sa pangangaliwa ng lalaki sa kanyang nobya.
'Naiisip ko naman ang istado naming dalawa ni Timothy ay nasasaktan na ako. Sana naman hind imaging ganito ang kahahantungan ng pag-iibigan namin.'
Sa kalagitnaan ng panonood namin, biglang nagpaalam si Timothy na pupunta lamang sya ng C.R. Hinayaan ko nalang at bumalik na sa panonood ko
Wala pang kinse minutos ay nagpaalam rin si Gel na pupunta raw munang cr dahil masakit daw ang kanyang puson.
"Bess, cr lang muna ako. Mukhang lalabas na talaga eh, paalam." Sabi nya bago umalis. Pagkaraan ng trenta minutos ay bumalik na si Timothy sa tabi ni Ginno. Mukhang pinagpawisan talaga sya ng todo, hinihingal kasi ito na bumalik sa upuan nya. Samantala, pagkabalik ni Gel sa upuan nya, ay napansin ko ang mga mata nya na may luha, at mukhang hindi mapakali. Ang mga kamao nya ay nakaporma na parang manununtok ng tao, at mukhang galit na galit. Pagkaupo nya, narinig ko syang bumubulong ng:
'Walang hiya ka! Sana hindi kana pinagkatiwalaan ng kaibigan ko'
'Walang hiya ka! Sana hindi kana pinagkatiwalaan ng kaibigan ko'
Mga salitang paulit-ulit na sinasabi nya at nag-alala talaga ako, kusa akong tumayo at niyakap sya ng mahigit na tila ba ayaw nya akong pakawalan. Hinagod ko lamang ang kanyang likod at tumahan naman sya. Nalungkot ako ng sobra.
'Kung ano man ang problema nya, sana sabihin nya sakin, hindi yung sinosolo nya lamang ito. Nakakadurog ng damdamin na makita syang umiyak .'
-ITUTULOY-
~clyde~
YOU ARE READING
Love Between Fear
Romance" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...