Ganon pa rin ang posisyon naming dalawa. Nakayap siya patalikod habang ako naman ay ninanamnam ang sariwang hangin. Nakakagaan sa damdamin, malayo sa syudad, malayo sa problema, malayo sa polusyon at malayo sa mga taong hindi maganda ang pag-uugali.
'Sulit ang halos anim na oras na byahe.'
Masyadong Masaya ang nararamdaman ko dahil sa wakas nakalanghap ako ng sariwang hangin. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, nagsalita si Timothy.
"Are you happy with my surprise love? Kulang pa talaga ang ito para sa iyo." Tanong niya sa akin. Hinarap ko naman siya ng may ngiti sa labi at pinisil ang pisngi niya.
"Love, I'm happy, more than happy. Ngayon lang tayo lumabas sa Manila at na enjoy ko talaga ang trip natin. And no, masyado na itong sobra, hindi ako nakulangan pa love. Thank you for bringing me here." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi, nabigla siya sa ginawa ko kaya ang ginawa ko nalang ay tumakbo.
Napatawa nalang ako sa kahibangan ko, huminto muna ako saglit para tignan kung nakasunod ba siya sa akin at nakita kong kausap niya ang babaeng gumabay sa amin papasok dito kanina. Lumapit naman ako para makinig sa pinag-uusapan nila.
"Pwede bang tumakbo takbo diyan sa bulubundukin? I just want our safety there, baka habang tumatakbo kami ay may nahulog na pala. Ayaw ko lang na masaktan ang babaeng mahal ko." Sabi ni Timothy sabay lingon sa gawi ko, napangiti lamang ako sa kanya.
"Yes sir, very safe po diyan. Kapag nakaramdam kayo ng hilo pwede po kayong tumawag ng bantay, may nagbabantay naman po sa baba. It is our responsibility to keep our tourists like you to be safe here. So rest assured po na mabibigayan kayo ng paunang lunas kung sakaling may mangyaring hindi kanais-nais." Sabi ng babae at tumango naman si Timothy. Yumuko naman ang babae at nagpaalam.
Nakita kong papalapit sa pwesto ko si Timothy at ibinuka ko ang mga braso ko para bigyan siya ng yakap.
"Thank you, dahil parati mong inaalala ang safety ko kahit saan man tayo pumunta. I love you." Sabi ko at naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sa akin. Napangiti naman ako.
"Anything for you love. Wait may nakalimutan akong kunin sa bag ko, hindi pwedeng hindi kumpleto ang ating gala kung wala yun. Hintayin mo lang ako dahil kukunin ko muna yun. I love you." Sabi niya at dinampian ng halik ang noo ko. Tumalikod na siya at tumakbo para kunin ang nakalimutan niya sa bag. Habang hinintay siyang bumalik, kinuha ko muna ang cellphone ko at kinunan ng larawan ang tanawin.
Matapos kong kunan ng litrato ang tanawin, tinignan ko muna kung nasaan na si Timothy at nakita ko siya na may kausap sa cellphone niya. Hinayaan ko nalang siya at kinalkal ang cellphone ko.
'Hindi pwedeng wala akong maipost sa IG ko."
@lorrainefernandez_16: A beautiful scenery.
Inupload ko ang picture na kinunan ko at pinost yun sa IG ko. Mas marami kasi akong followers dito kaysa sa FB. Natanaw ko naman si Timothy na pabalik na after 30 mins na mawala. Hinihingal naman siyang umakbay sa akin at natawa nalang ako sa itsura nya.
"Bakit ba kasi kailangang tumakbo ka love, ayan tuloy pawisan ka na! Masyadong mapula ang mukha mo oh!" sabi ko habang tinuturo ang pisngi niya. Tinabig niya ang daliri kong nakaturo sa mukha niya at ipinakita ang dala niya.
Natuwa ako dahil dala nya pala ang tripod na regalo ko sa kanya noong 3rd anniversary naming dalawa. Napatingin naman ako sa singsing ko. Isa itong silver knot ring na ibinigay rin niya sa akin noong 3rd anniversary. Sa tuwing malungkot o hindi kaya namimiss ko siya, hinahaplos ko lamang ito. Every anniversary, we exchange gifts, yung makakaya lamang ng pera. Kahit ang mga dates na ginagawa naming dalawa ay galing pa rin sa ipon namin.
YOU ARE READING
Love Between Fear
Romance" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...