'We're going to Sultan Kudarat love'
'We're going to Sultan Kudarat love'
Sagot nya sa tanong ko at nabigla naman talaga ako! Sultan Kudarat?! Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat ko!
'Pwede naman dito sa Luzon, bat dun pa talaga sa Mindanao?!'
"B---bakit doon love?! Malayo yun dito sa Maynila! Saka anong gagawin natin dun?!" nagtataka kong tanong sa kanya. Nakita nya ang pag-iiba ko ng emosyon kaya tinawanan nya lang ako.
" Sa totoo love, masyadong boring na dito sa Luzon at Visayas. Napuntahan na natin lahat ng tourist destination dito. Sa kaka-scroll ko ng facebook ko noong mga nakaraang araw, one tourist spot caught my attention in Mindanao, at makikita lamang ito sa province ng Sultan Kudarat. And I want to gave my pre-birthday gift ko for you doon, just like what I do every year. I hope magustuhan mo ang lugar na yun."
Sagot nya sa tanong ko at bigla na lamang ako nakaramdam ng tuwa sa aking puso. Totoong binibigyan nya ako ng pre- birthday gift ko every year, hindi nga lang mga gamit kundi road trip within Philippines. It's my first time to spend my pre-birthday celebration in the Mindanao, particularly in the province of Sultan Kudarat.
"Teka love, nasabi mo na ba ito kay mommy at saka daddy? Knowing them, hindi yun papaya na lalabas tayon within Luzon and Visayas area of responsibility. Baka hindi tayo payagan." Tanging nasabi ko nalang at iniisip ang maaring itsura ng mga magulang ko.
'Parang nangangain pa naman yun ng buhay.'
"Wag ka nang mag-alala love, I already talked to your parents ahead of time. Kaninang umaga ko lang ulit ipinaalala, at pumayag naman sila. Basta siguraduhin lang natin na nakahanda na ang itinerary natin pagdating sa Sultan Kudarat. And by the way, I already arrange our itinerary kaya wag ka nang mag-alala. Just enjoy my pre- surprise birthday gift to you okay?" sabi nya at tumango nalang ako.
Habang nasa byahe pauwi para kunin ang mga gamit ko, napatingin naman ako sa likurang bahagi ng sasakyan at nakita ang malaking bag doon. Agad ko naman siyang tinanong ukol doon.
"Love para saan yan? Bat ang laki?" usisa kong tanong sa kanya habang nagmamaneho pauwi sa aming bahay.
"Ah that one is a tent. Kailangan natin yan dahil sa labas tayo matutulog. Although they have cottages there, gusto kong makita ang milky way sa kalangitaan." Sagot nya at tumango naman ako.
"Saan ba sa Sultan Kudarat ang punta natin love? Bakit kailangan pa ng tent kung meron namang cottage?" tanong ko ulit. Masyado talaga akong naiintriga sa lakad naming dalawa.
" We are going to La Palmera Mountain Range love, their newest attraction in the province of Sultan Kudarat. According to the article that I've read, maganda talaga doon ang tanawin." Sagot nya at doon naman nabuhay ang curiosity side ng utak ko.
Dahil gusto ko ng makita ang lugar na yon, agad kong kinuha ang phone na nasa bulsa ng skirt ko at inopen ang facebook ko baka sakaling may page sila doon para hindi na ako mahirapan sa browser.Agad naman ako napaluha sa aking nakita sa facebook.
YOU ARE READING
Love Between Fear
Lãng mạn" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...