CHAPTER 21

7 0 0
                                    


"Ladies and gentlemen, we arrived at the John F. Kennedy International Airport. The standard local time is 7:00 in the evening, and the temperature here is fairly sunny.
For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until Captain Mariano turns off the fasten seat belt sign.

This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. At this time, we will use your cellular phones if you wish. Cellular phones will be used once the fasten seat belt has been turned off.

Please check around your seats for personal belongings you may have brought on board with you and please use caution while opening the overhead bins, as heavy articles maybe shifted around during the flight.

If you required deplaning assistance, please remain on your seats until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you.

On behalf of Cebu Pacific Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us in this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice stay here in New York City. Once again, this is your cabin crew speaking, good evening everyone."

Nagising ang natutulog kong isip dahil sa narinig. Kinusot ko ang mga mata ko para ang nangyayari sa paligid ko. Ang ibang mga pasahero ay nakatayo na at naghahanda na sa pagbaba.

Hinintay ko munang makababa ang ibang pasahero bago ako tumayo dahil ayaw kong makipagsiksikan. Inayos ko muna ang sarili ko habang naghihintay, ayaw ko namang mapahiya si Tita Angelina sa akin pag nakita niya ako mamaya.

Nung kakaunti nalang ang mga pasahero sa loob, isang malalim na paghinga ang binitawan ko bago tumayo at naglakad palabas ng eroplano. Umalalay naman sa akin ang isang crew hanggang sa may pintuan.

Isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagtapak ko palang sa lupa. Ipinikit ko ang aking mga mata para damhin ito.

'Welcome back to the city that never sleeps'

Pagkatapos kong damhin ang hangin, naglakad na ako papasok ng airport para hintayin ang maleta ko. Pagdating ko sa arrivals, bumungad sa akin ang maaliwas na mukha ni Tita Angelina na may ngiti sa mukha ang naghihintay sa akin. Lumapit na ako kay Tita para bigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Nice to see you again here iha, huling kita ko palang sa iyo dito ay sanggol ka palang, ngayon dalaga ka na. How are you? We missed you so much! Kumusta ang byahe mo?" tanong ni Tita sa akin habang nakayakap.

Si Tita Angelina ay mommy ni Gel. Kagaya ko, dito din ipinanganak si Gel. Naging magkaibigan ang mga magulang naming dalawa. Ninang at ninong ko sa binyag ang parents ni Gel, at syempre dahil magkaibigan nga, ginawang ninang at ninong din ni Gel sila mommy. Unlike Gel na dito nagkaisip bago lumipat sa Manila, 6 months palang ako noon nang maisipan ng parents ko na bumalik na nasa Pilipinas para magsimula ng bagong buhay doon.

Dito talaga nakabase ang kompanya ng mga magulang ko, pero nang magdesisyon sila mommy na magpatayo ng second branch doon sa Pilipinas, ibinigay ang 50% share dito sa daddy ni Gel dahil magkasosyo naman sila at malaki ang tiwala ni daddy sa daddy ni Gel na mapapalago niya ito. As years passed by, sa awa ng diyos naging sikat din ang kompanya namin dito lalo na sa Pilipinas. Kahit nasa Pilipinas na kami, si daddy ang laging takbuhan ni Tito Ginno sa pagpapatakbo ng kompanya.

"Hi tita! I miss you too, kayong dalawa ni Tito Gio. Masyadong nabugbog ang katawan ko sa sobrang pagod tita, hindi na nasanay ang katawan ko sa mahabang byahe." Sabi ko kay Tita. Totoo, napagod ang katawan ko sa mahigit 15 hours na byahe.

Love Between FearWhere stories live. Discover now