CHAPTER 5

13 2 1
                                    

'Maging detective ka'

'Maging dectective ka'

'Maging detective ka'

Mga salitang binitiwan ni Gel pagkatapos nyang bumulong. Para naman itong sirang plaka na paulit-ulit sa aking tenga. Ng makabawi sa pagkabigla, agad ko syang sinabutan sabay batok. Saan ang utak nitong babae na ito!

"Aray ko! Gaga bitiwan mo na ako! Suggestion ko lang naman yun!" Halos mangiyak ngiyak na usal ni Gel sa akin matapos kung bitawan ang kanyang buhok.

'In fairness, malambot ang buhok ng gaga, mukhang alagang dove conditioner o di kaya creamsilk na kulay pink. Nakakainis, sarap sabunutan ulit.'

"Anong suggestion?! Yun ang suggestion mo?! Punyeta ka Gel!" sigaw ko sa kanya. Natahimik sya sandali at agad tumawa ng malakas.

'May dugo ata sya ni Nannon ng "The Girl from nowhere" tumatawa ng malakas pagkatapos sabihin ang naiisip. Isa syang takas ng mental.'

Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Hinarap ko sya ng maging okay na ang paghinga ko.

"Please enlighten me bakit yan ang naisip mong suhestyon? Makakatulong ba yan?" nag aalalang tanong ko kay Gel, habang nakaupo na kami sa aming mga sariling upuan at binuo namin ito na parang pabilog.

"Yan lang kasi ang naiisip ko na paraan para mawala na sa isip mo ang bagay na kinatatakutan mo, mahirap maghinala sa una kung wala kang matibay na ebidensya." Saad ni Gel.

"Sa totoo lang bakla, yan lang din naman ang naiisip ko, wala ng ibang paraan pa kasi. Lalo ka lang mahihirapan kung ganyan ang iniisip mo palagi. Graduating pa naman tayo, dapat iwas stress na tayo sa mga bagay-bagay." Sabi ni Ginno habang nakapanglumbaba sa kanyang upuan.

Hindi talaga mawala sa isipan ko ang mga sinagot sa akin ni Timothy at ang emosyong ipinapakita nya sa akin ay isang malaking hiwaga sa akin. Hindi sya masasaktan sa isang tanong ko ng walang dahilan. Masyadong masakit sa ulo ang isang to, simula pa man noon, hindi ko pa nakitaan ng interest si Timothy sa ibang mga bagay, pero sa tinanong ko kahapon bigla ko yatang nakuha ang interest nya. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago humarap sa aking mga kaibigan.

"Baka masyado lang syang pagod dahil sa mga plates na ginagawa nya kaya ganun na lamang ang naging sagot nya sakin." Pampalubag ng loob ko na sagot sa kanila. Hindi ko kayang pagdudahan ang taong minahal ko ng ilang taon at hindi ko kayang maging isang detective para lamang malaman ko ang mga kasagutan sa aking mga tanong.

"Bess pwede mo namang subukan ang suggestion naming dalawa ni bakla, walang mawawala sa'yo kung susubukan mo."pangungumbinsi sa akin ni Gel.

"Bess, hindi ko pagdududahan ang taong naging bahagi na ng buhay ko. Sa halos tatlong taon naming dalawa na magkasama, hindi ko kailanman man pinagdudahan ang pagmamahal nya sakin." Pangungumbinsi ko sa mga kaibigan ko, kahit na sa loob-loob ko, umiiyak na ako sa mga posibilidad na pagdadaanan ko.

'Huhu, Panginoon tulungan mo po ako'

"Kung ayaw mong gawain ang suggestion na binigay naming dalawa sa'yo, kami nalang ni Gel ang gagawa, total kami naman ang nakaisip nito." Sagot ni Ginno sa akin. Agad naman itong sinangayunan ni Gel na nasa tabi ko lamang.

"True bess, kung ayaw mong ikaw ang gumawa, kami nalang para mapanatag ang loob mo. Alam mo, matalino ka sa lahat ng bagay, pero sa tinatawag na 'pag-ibig' ang bobo bobo mo talaga." Singhal ni Gel sa akin, at natahimik naman ako.

"Girl, alam kong madaming katanungan ang gumugulo sa isipan mo, pwede mo naman kaming malapitan ni Gel diba? Bakit pa tinawag na magkaibigan kung hindi nagtutulungan. Hindi mo naman dapat sinosolo ang ganitong problema nyong dalawa ni Timothy." Sagot ni Ginno sa akin. Napayuko na lamang ako sa aking inuupuan, hindi na alam ang gagawin. Kung kukunin ko ang suggestion nilang dalawa, paano ko ito malalampasan?

"What if, gagawin ko ang pagiging detective, paano ko itong malalampasan ng hindi nahuhuli ni Timothy?" Tanong ko at nag-isip naman silang dalawa ng magandang isasagot sa akin.

'Tangina?! Nagbibigay ng suggestions ng walang back up plan at mga reasons kung bakit yun ang naisip nila?! What the fudge!!'

"Hoy! Tangina?! Anu na, walang back up plan itong suggestions nyo?!" singhal ko sa kanilang dalawa at huminto naman sila pag-uusap ng silang dalawa lang ang nakakaintindi.

'Ano ba naman to, may lahi ba silang alien at nakakapag-usap sila gamit lamang ng kanilang mga isipan?!'

"A—ah hihi, sorry naman bess, biglaan lamang naman naming ito naisip eh. Baka mamaya ibibigay namin sa'yo ang back up plan naming dalawa." Saad ni Gel at tumango naman ako. Habang nakaupo sa aking upuan, bigla nalang nag-ingay ang phone ko na nasa bulsa ko. Tinignan ko ang caller id, at nong nakita ko na si Timothy ang tumatawag, pinatahimik ko ang dalawang tao na nagbabangayan sa harap ko.

"Hello love?" pagkausap ko sa telepono.

"Love, nasaan ka? Dumaan ako sa bahay nyo at sabi ng mommy mo, nauna ka na dito sa school. Sorry love, na late ako ng gising kaya hindi kita nasundo. Nandito ako sa cafeteria, hinihintay kayong tatlo. See you love, I love you." Sabi ni Timothy at binaba na ang linya. Nagisip naman ako.

'Late na syang nagising?! Nyetang buhay to oo.'

Niyaya ko na silang dalawa sa cafeteria at naglakad na kami. Pagkarating naming tatlo sa cafeteria ay nagulat ako sa aking nakita.

-ITUTULOY-

~clyde~

Love Between FearWhere stories live. Discover now