CHAPTER 9

8 1 0
                                    

Thursday

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga kaganapan kagabi sa loob ng sinehan. Bakit umiiyak si Gel pagkabalik nya galing cr? Bakit hinihingal na bumalik sa upuan si Timothy? Bakit naka kuyom ang mga palad ni Gel?

'Bakit ang ganda ko sa umagang ito? Parati naman akong maganda pero bakit mas gumanda pa lalo ang mukha ko?'

Tinignan ko ang orasan na nasa bed side table ko at nagulat ako dahil 6:00 am palang ay gising na gising na ako. Hindi ko alam kung dahil ba kulang na naman ako sa tulog dahil sa mga katanungan sa isipan ko, o hindi ba dahil iniisip ko ang nalalapit ko na kaarawan.

'Naks patanda ng patanda na tayo ah? 20 years old na pala ako. Pero hindi pa rin naman kumukupas ang ganda ko HAHA.'

Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba ng sala dahil mukhang bampira na ako. Simula sa pagligo hanggang sa matapos ang daily skin care routine ko ay bumaba na ako. Tinignan ko muna ang oras at naka ubos akong 45 mins sa pag-aayos pa lamang ng aking sarili.

I just looked myself in the mirror and fixed my uniform when mom suddenly came inside to my room.

'Bat hindi man lang ito kumatok?! May lahi ba itong kulto?'

Agad itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. I just gave her a questioning look saying 'Bakit ka nandito look' at mukhang nakuha nya ang ibig kong sabihin.

"I just wanna wake you up darling. Papunta sana ako ng room namin ng daddy mo noong nakita kong hindi nakasara ang pinto ng kwarto mo. Pero dahil nagising ka naman, wala na akong problema." Saad ni mommy habang inaayos nya ang buhok ko na nakatabing sa mukha ko.

"You're not getting younger baby, you'll be turning 20. I miss your kiddos days." Ungot ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko. Umupo ako sa upuan sa harap ng aking vanity mirror para hindi mahirapan si mommy sa kakatayo.

"Mom, edad ko lang ang dadagdag, I'm still your baby girl pa rin ma. Yung batang umiiyak kapag aalis ang mga magulang papuntang New York para sa business nila, yung batang mahilig sa marshmallow, yung batang mahilig sa color pink at ako pa rin ang anak na pinakaminamahal nyo." Sabi ko habang nakaupo pa rin sa vanity chair. Patuloy pa rin si mommy sa paghaplos sa aking buhok.

'My kind of comfort in this world full of negativity.'

Patuloy pa rin ang pag-uusap naming dalawa. Hindi alintana kung anong oras na, masyadong masarap sa pakiramdam ang ganitong mga sitwasyon.

"Yes darling, ikaw pa rin ang baby girl ko, kahit na magkaroon ka ng sarili mo boyfriend at the age of 16, ikaw pa rin. Time flies so fast, dati karga-karga lamang kita, ngayon you can stand on your own feet without our guidance. Napalaki kita ng tama anak, at hindi ko pinagsisihan na dumating ka sa mundong ito kapiling namin ng daddy mo." Saad ni mommy.

"Nah, I need your guidance pa rin ma, kayong dalawa ni daddy. You're my light when I encountered darkness, walang magbabago." Sabi ko habang may munting ngiti sa aking mga labi.

"I just wanna sit and reminisced only the beautiful days of yours anak. But look at you now, a full grown individual. I just wish for your happiness together with Timothy." Sabi nya habang umaakto na parang nagpupunas ng luha sa kanyang mga mata.

Natawa ako sa inaasal ni mommy at hindi ko maiwasang mamangha sa aking nasilayan. Kaya niyakap ko sya ng mahigpit.

"Hahahaha, you're funny mom, stop faking your tears in front of me. Hindi ka maganda, and yep,I think si Timothy na talaga ang the one ko."

Love Between FearWhere stories live. Discover now