A/N: I just want to say thank you to ate Ali for enhancing my book cover! Thank you for your words of encouragement and tips. I love you ate!
Hindi na ako nagulat pag gising ko ngayong umaga dahil sa aking nadatnan. Tinignan ko ang buo kong mukha sa salamin, putok na putok ang mga eyebags ko dahil sa kakulangan ng tulog, hindi ako makatulog dahil sa mga pangyayari na naganap kahapon. Unang una, yung sinabi ni Gel sa akin kahapon.
Flasback:
"I'm warning you bess, bantayan mo yang jowa mo, mahirap na tsk" sinabi ni Gel sa akin bago ako pumasok sa loob ng room naming.
"Bakit ko naman sya babantayan aber? Malaki na sya, kaya na nya ang sarili nya. Kung magloloko man sya sa relasyon namin, ako mismo ang tatapos non. Sabi ko sa kanya bago ako magyaya papuntang cafeteria para doon magpahinga habang hinihintay ang susunod namin na professor.
"Wag mong ibigay ang tiwala mo ng buo jan sa jowa mo bes, sa huli ikaw ang talo, tandaan mo to."
"Ilang taon na kami bes, ang tiwala ko sa kanya ay buo pa rin. Nandon ka noong nagsisimula pa lang kami, alam mo yun kaya mong pangunahan ang puso ko. Promise kapag nalaman kong nagloloko na sya, ako mismo ang tatapos ng pinagsamahan naming dalawa. Alam ko masasaktan ako pero kakayanin ko." Sabi ko para matapos na ang pag-uusap namin.
Pagkatapos ng usapan dun sa cafeteria, nagyaya ako sa kanila ng pumunta ng cubicle, at doon ko nakilala si Samantha Gimenez, ang bagong blockmate nila Timothy. Ang ipinagtataka ko lang naman eh kung bakit hindi sinabi sakin ni Timothy na may bagong blockmate sila. Dati-rati sinasabi nya sa akin kung may bago silang ka blockmate.
Natapos ang klase buong maghapon ay lutang na lutang ang aking isipan. Hinatid ako ni Timothy sa bahay at nagkaroon akong oras para tanungin sya tungkol sa bagong blockmate nya.
"Love, may bago pala kayong blockmate sa engineering department. Hindi mo kasi itong nasab ------------------------------" biglang naputol ang sasabihin ko dahil sumabat na sya sa usapan. At ang ipinagtataka ko ay ang pagpapalit ng emosyon nya. Ang kaninang kalmadong itsura,ngayon ay napalitan na ng galit at pagkairita.
"I didn't know that your interested in my course, at hindi ko alam na may responsibilidad pala ako na sabihin sayo ang mga kaganapan tungkol dyan" sarkastiko nyang sagot sa akin.
Bakit ganon nalang ang sagot nya? Pakiramdam ko parang binugbog ang katawan ko sa dami ng katanungan na pumasok sa isip ko. Maraming katanungan sa isip ko ang bumabagabag. Bakit sya apektado sa tanong ko? Bakit ganun magsalita si Gel? Bakit pakiramdam ko may tinatago si Timothy sa akin? Masyadong masakit mag isip ng mga bagay bagay, nakakabaliw.
-End of Flashback-
Mukhang hindi na ako nakatulog dahil sa kakaisip ng litseng bagay na yun. Tumunog ang alarm clock ko, gumising na agad ako,naligo at nagbihis ng aking uniporme. Kapansin pansin rin ang pagiging matamlay ko at ang nagsasalpukan ko na mga eyebags dahil sa sobrang putok nito.
Bumaba na ako papuntang dining area na matamlay at walang kagana- ganang pumasok o kahit man lang na gumalaw. Napansin kaagad ni mommy ang putok na putok ko na eyebags at ang pagiging matamlay ko.
"Anak anong nangyari sa'yo? May sakit ka ba? Jusko naman anak, wag ka nalang kaya pumasok?" alalang tanong sakin ni mommy. Mabuti sana kung walang gawain, aabsent talaga ako, bakit ba kasi nagkasabay sabay ang lintik na iisipin ko?!
"Wala akong sakit ma, kulang lang ako sa tulog kaya nagkaganyan ang estado ng mukha ko, sa school na po ako mag-aagahan. Mauuna na ako sa school ma,pa." Pakisabihan nalang si Timothy na nagpahatid na ako sa driver natin kung sakali mang dadaan sya dito sa bahay. "Bye mom, dad."paalam ko sa kanila bago ako lumabas ng bahay at hinanap ang family driver namin para magpahatid.
Wala pang trenta minutos ng dumating ako ng campus namin. Hindi pa rin bumabalik ang dati kong sigla.
"Manong tawag lang ako mamaya sa bahay kung magpapasundo ako mamayang hapon ah?" sabi k okay manong driver naming nakatayo sa passenger's seat para isara ang pinto.
"Sige po maam, hihintayin ko lamang ang tawag nyo sa mansion maam. Ingat po maam." Sabi ni manong sakin.
"Sibat na ako manong, mag-iingat po kayo sa pagmamaneho" paalam k okay manong bago ako naglakad papuntang room namin. Pagdating ko sa room, dumiretso lang ako sa aking upuan at umupo. Hindi naman tumagal, dumating sila Gel at Ginno bakla na mukhang napansin ang mukha ko at matamlay kong pangangatwan.
"Bakla, anyari sa'yo? May sakit ka ba?" tanong ni Ginno sa akin pagkaupo nya sa kanyang upuan.
"Oo nga girl, mukhang matamlay at nagpuputakan yang mga eyebags mo sa sobrang laki ah?!" saad ni Gel na umupo na sa tabi ko.
"Hindi ako nakatulog sa sobrang pag-iisip sa mga nangyari kahapon" sabi ko at bumitaw ng malalim na hininga.
"Anong pangyayari kahapon bes? Mind telling us you dimwit?!" sabat nilang dalawa. Patuloy lamang ako sa buntong-hininga, nag-iisip kong sasabihin ko ba sa kanilang dalawa ang nangyari. At dahil wala akong choice, sinabi ko sa kanila ang nangyari. Nagulat naman ako sa sabay-sabay nilang pagsinghap.
'Masyadong O.A ang mga gaga'
"Bakla! Anong nangyari sa boylet mo bat nagkaganun?"
"Ewan, hindi ko alam" tanging sagot habang nagkibit-balikat. Totoo naman na hindi ko alam ang nangyari sa kanya kahapon.
"Alam ko na ang sagot dyan bess!" sigaw ni Gel at sumenyas sya sa amin na lumapit sa kanya at bumulong ng mga salitang mas lalong nagpasakit sa ulo ko. Punyetang buhay to!! Ang sarap mamuhay!
-Itutuloy-
~clyde~
YOU ARE READING
Love Between Fear
Romance" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...