Biglang umurong ang gutom na naramadam ko sa mga oras na ito. Alam kong mali ang instinct ko na 'siya' ang kasama ni Sam, pero dahil sa palantadaan ng damit, ay alam kong 'siya' talaga. Dahil ang damit niyang suot ay ibinigay ko sa kanya noong 2nd anniversary namin. Ako mismo ang pumili kaya alam kong ito nga ang suot niya.
Gusto ko sanang makita ang lalaki pero dahil na rin sa nakaharang na waiter ay hindi ko makita ng tuluyan ang mukha. Gusto kong batuhin ang waiter dahil masyado itong matagal sa pagkuha ng order ni Sam.
Napabalikwas ako sa aking kinaroroonan nung biglang pitikin ni Ginno ang nuo ko. Napatingin naman ako sa kanya ng masama na sinuklian naman niya ng isang munting ngiti.
"Bakla! Anu bang problema mo bat ka namimitik bigla?!"mahinang sigaw ko sa kanya habang hinihimas ang nuo ko. Narinig ko naman siyang tumawa kaya mas lalo akong nainis sa kanya.
'Sarap bunutan ng bulbol sa kilikili ang isang to!'
"Bakla, I've been calling you for several times pero mukhang wala ka na naman sa sarili mo." Sabi niya sa akin kaya napatingin man ako sa kanya.
"Sino ba kasi ang tinignan mo dyan at parang nawala ka na naman sa katinuan?" sabi niya sabay tingin sa loob ng restaurant na tignan ko kanina.
Ngunit ganun na lamang ang gulat ko, nung pagtingin ko doon, ay wala nang kasama si Sam! Agad ko namang iginala ang paningin ko sa loob ng mall baka sakaling makita ko 'siya', ngunit dala na rin sa dami ng tao, hindi ko na iyon makita.
'Bat ba kasi pinitik ako ng bakla! Ayan tuloy nasalisihan ako!'
Napatingin naman ako sa loob ng restaurant kung saan nandoon si Sam, ganun pa rin ang posisyon niya, nakaupo ngunit parang may kausap ito sa phone. Napailing nalang ako sa iniisip ko, baka guni-guni ko lang iyon.
Nung nakita kami ni Sam, agad siyang kumaway sa aming tatlo. Pinatay na niya ang cellphone niya at niyaya niya kami sa loob. Dahil nga sa sobrang gutom na kami, hindi na naming pinalampas ang pagkakataong ito at agad kaming kumaripas papunta sa loob.
'Nawawala ang hiya naming tatlo basta gutom ang pag-uusapan.'
Pagdating sa loob, ay namangha kaming tatlo sa aming nakita. Para kasi itong restaurant na ginawa para lamang sa mga mag-jowa. Isang maliit na square table na may table cloth na itim na kasya sa dalawang tao. Ang disenyo nito ay hango sa valentine's day dahil papalibutan ito ng puro mga hugis puso. Puro mag-syota ang nandito! Parang kami lang talaga ang grupo.
'Nahiya naman ang beauty naming tatlo dito.'
Tinawag naman ni Sam ang waiter para magpadagdag ng isa pang mesa para sa aming tatlo. Agad naman pumunta sa gilid at parang tangang tinignan ang waiter na magbuhat ng isang mesa at upuan para may maupuan kami.
Hindi naman tumagal ang paglilipat ng waiter sa mesa at upuan. Nung natapos na ito sa ginagawa niya, pinasalamatan naming tatlo sa kuya waiter dahil sa kabaitaan niya. Pagkatapos naming makapag-usap sa waiter, naglakad na kami papunta sa mesa at ganun na lamang ang yakap sa amin ni Sam.
'Kung makayakap naman ito! Close tayo bhie?'
"Hi guys! Oh my gosh! Mabuti naman at nakita ko kayo dito sa mall." Sabi ni Sam sa amin habang iginigiya kami sa aming mga upuan. Ako lang siguro nakapansin ng pagiging maarte niya.
'Wag mo akong artehan, baka mabura ang pekeng kilay mo.'
Pagkaupo naming tatlo ay agad tinawag pabalik ni Sam ang waiter para kuhanin ang gusto naming kainin. Dahil sa sobrang gutom namin, nag desisyon lang kami na burger, sandwich at saka lemonade lang ang gusto namin.
YOU ARE READING
Love Between Fear
Romance" How to fall in love with a broken hearted woman?" "How to fall in love with an innocent guy?" "How can I love you if your heart is as cold as ice and hard as stone?" " I'm afraid to fall in love again" " I'm afraid to be broken for the first time"...