03

43 7 4
                                    

Chapter Three

Purpose



"Kaano ano mo nga?" pamimilit ko 'kay Zack sa telepono.



"He's just a childhood friend Stella. Hindi ko pinsan."



I sighed. "Sure ka?"



Narinig ko siyang tumawa. "Bakit? Gusto mo si Aldrius?"



"Hindi ah!" Nanlaki ang mata ko at agad nag protesta. "C-curious lang ako!"



I heard him laughed loudly. "Come on Stella, you don't have to hide it from me,"



"Hindi nga! Ewan ko sa'yo! Bye!" Bago ko binaba ang linya ay narinig ko pa siyang tumawa ulit.



Inalala ko ang nangyari kanina lang. Pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa ay dumating ang mga pinsan niya kaya wala akong choice kundi ang umalis din doon. I just waved them good bye and walked away immediately.



Bakit pa kasi ako lumapit? Hindi ko nalang sana kinausap. Nakakahiya naman! Dahil sa frustration ay binaon ko ang mukha ko sa unan. Gabi na. Gabi na at iyon pa rin ang iniisip ko. Iyon lang ang laman ng isip ko.



Pagkagising ko kinabukasan ay ang maingay na tawanan ng mga pinsan ko sa sala ang bumungad sa akin. Sabi nila ay maaga raw kaming aalis dahil nakakita na naman sila ng magandang place para mag scuba diving.



Nilingon ko ang dagat sa malaking bintana ng hotel room. Sa lahat ng bagay na nag e-exist dito sa mundo, sa dagat ako hangang hanga. It has that power to kill a person with just a splash of a wave. It can give someone the peace that they've been looking for years.



I was a victim of that too. Minsan na akong nalunod. Minsan ko nang ginusto na mawala sa malawak at malalim na karagatang iyan pero andito pa rin ako, malakas na nakakatayo at 'may gana pang magkagusto sa isang lalaking niligtas lang naman ako.



I tilted my head sideways, avoiding the ocean. Bakit sa dami ng pagkakataon na maramdaman ko ito, dito ba? Ngayon pa?



"Problemado ka ah?" tanong ni Cha. "Anong problema?"



"Wala. Iniisip ko lang lahat ng readings ko pagbalik ng Maynila."



She chuckled. "Hindi mo ba dinala rito?"



"Dinala ko naman. Hindi nga lang ako makapag concentrate."



Habang nag lalakad ay biglang tumunog ang cell phone ko. Walang gana ko iyong sinagot nang makita ang pangalan ni Zack.



"Oh?"



Humalakhak na naman siya.



"Zack, kung tumawag ka para asarin lang ako, 'wag mo na akong tatawagan ulit kahit kailan."



"Natawa lang ako sa pambungad mo!" Anito. Umirap lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Anyway, my cousins wants to be with your cousins again. Saan kayo ngayon?"



Huminto ako saglit. "Mag scuba diving ulit kami pero sa Cuttlefish Shawl daw..."



"Okay, copy."



Gaya kahapon ay ginanahan ulit ako nang malaman ang sinabi ni Zack. Pagdating namin sa sinasabi nila ay agad kong sinabi kila Kuya na sasama sa amin sila Zack. Isang malaking yacht ang nag aantay sa amin pagdating doon.



Heart of ThirstWhere stories live. Discover now