10

35 7 0
                                    

Chapter Ten

Ready



"Paasa!" husga ni Monica pagkatapos kong i-kwento sa kaniya ang lahat ng nangyari kanina.


"Ano ba? Bibigyan mo ba ako ng advice oh ano? Hindi ko naintindihan yung sinabi niya!" I ranted.


After my confession earlier this afternoon, the atmosphere between me and Aldrius became too awkward. Hindi na ulit kami bumalik sa dagat para maligo. Nag banlaw ako at ganoon din ang ginawa niya. After that, he already called it a day. Kahit nang nasa bangka na kami pabalik ay tahimik lang siya. Nag o-open ako ng pag uusapan minsan pero hindi siya nakikipag cooperate!


Now I don't know how to face him again tomorrow! Wala pa kaming usapan na magkikita ulit pero ang huli niyang sinabi kanina nang ihatid ako rito ay "see you again tomorrow". So may balak pa siyang magkita kami pagkatapos niyang maging tahimik buong magdamag?


"Naturingang law student tapos hindi maintindihan! Baka naman nawala na ang utak mo kanina dahil masiyado kang kinabahan?"


"Sinong hindi kakabahan doon? I've never done it before! First time ko mag confess-"


"Alam ko. Ang sabi niya kasi hindi niya raw gusto mag padalos dalos ng desisyon, right? Pero hindi niya rin gusto na dumating ang araw na pagsisihan niyang wala siyang ginawa..." pag uulit ni Monica sa sinabi ni Aldrius kanina. "Hmm... so parang hindi niya pa muna gusto i-clarify feelings niya dahil baka hindi rin siya sigurado? But he don't want to waste this chance because he might regret it in the future?"


"Oh?" hindi pa rin kuntento sa sinasabi ng kaibigan.


"It means, meron na siyang nararamdaman! He just don't want to say it out loud or also confess like what you did because he's still not sure about it,"


"Imposible, bakit ang tahimik niya kanina at sinabi niya pang pwede raw kaming maging friends?"


It hurts. Indeed. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang ginawa iyan sa ibang lalaki, noon akala ko oa na sila dahil meron pa akong napaiyak dahil lang sinabi kong gusto kong magkaibigan lang kami. I didn't know it is this painful.


He really looked like someone who can break me into million pieces. Who can drown my heart without me noticing. Who can hurt me too much, but still, I like it that way. Hindi ko alam kung tama lang ang nararamdaman ko, pero hindi ko gustong iwasan iyon at tuluyang kalimutan. Masiyadong malalim ang narating ng nararamdaman ko sa kaniya na baka hindi ko na magawang makaahon.



Kung alam ko lang na ganito kahirap at kasakit ang magkagusto sa isang tao, sana pinigilan ko nalang ang sarili ko sa una palang. Dahil natatakot ako na baka kahit hindi niya ako gustuhin, pipilitin ko. But that's not the Stella I know.


I may not have experience liking someone this deep, nakita at narinig ko naman iyon sa mga nababasa kong libro at karanasan ng mga kaibigan ko. Their experiences and realizations also taught me that love, is really dangerous.


Kaya hahayaan ko bang masira ang sarili ko dahil lang dito?


"What's your plan, then?"


Bumuntong hininga ako. "Iiwas nalang ako. Bahala na. Ang mahalaga nasabi ko sa kaniya. Malapit na rin naman kaming umalis. I can spend the remaining days here in the hotel."


"Sure ka hindi 'yon pupunta diyan? Sure ka hindi kayo magkikita kahit nasa hotel ka lang?"


"I can talk to Zack. For sure mas kakampihan ako non!"


Heart of ThirstWhere stories live. Discover now