Chapter Eight
Care
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala pagkatapos ibaba ni Aldrius ang tawag. Hindi na ako nakapag protesta. I can text him and say that he don't need to go here but I am too shocked to think about it!
Bakit kasi sa sobrang tanga ko siya pa ang natawagan? I can call my friends in Manila, my other cousins. My parents or other relatives, bakit kailangan siya? Baka mamaya isipin non sinadya ko pa talaga ah! Pagkatapos kong magalit sa kaniya kahapon! Hindi ko pa kaya 'yon nakakalimutan!
I can still feel the anger in me but my tiredness won't let me think about anything but him going here this early! Baka nagising ko siya? Or is he a morning person?
Malay ko! Gaya nga ng sabi ko, wala akong alam.
Hindi nagtagal ay narinig ko na ang tatlong sunod sunod na katok sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim. Inayos ko ang sarili ko at nagsuklay saglit ng buhok. I even check the smell of my breathe for some reason!
Marahan akong naglakad palapit sa pintuan. Bawat hakbang na ginagawa ko ay para akong mahihimatay sa kaba. When I reach for the doorknob, I heard him knocked again. Binuksan ko iyon kaagad.
He stiffened. My lips parted for words that didn't come. Nagulat ako nang bigla niyang ilapat ang likod ng palad sa noo ko. Nang titigan ko ang mukha niya ay nakakunot na ang noo nito. His eyes are on me, watching me carefully.
"Mainit ka," he said the obvious. "Nagdala ako ng gamot at thermometer. Bumili rin ako ng pagkain mo..." then he sighed heavily.
Galit ako pero marunong pa rin naman akong mag appreciate. Ngumiti ako sa kaniya at umatras ng kaonti palayo sa pintuan.
"Pasok ka," nagsalita ako sa maliit na boses.
He stared at me for a moment before he nodded.
Habang naglalakad pabalik sa kusina ay ramdam ko ang pagsunod niya sa likod ko. Kung kanina kinakabahan ako, ngayon nawala ang lahat ng iyon. I don't know what makes me comfortable beside him after what happened yesterday. My heart became soft and I feel like a little girl.
Pero kahit na ganoon, hindi pa rin nawala ang sama ng pakiramdam ko. Actually I think my I eyes says it all. Tinignan ko kasi ang itsura ko sa salamin kanina at kitang kita ko ang pagod doon. Namumula rin na parang umiyak buong gabi. Natulog lang naman ang ginawa ko.
"How are you feeling?"
"Ah... masama lang ang pakiramdam ko." Nilingon ko siya. "Pasensya na pala sa abala. I didn't know I called the wrong number."
His lips twisted. Nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi na ata niya tinanggal ang mata niya sa akin simula kanina.
"Salamat din sa pagpunta. Kakain muna ako at iinom na ng gamot pagkatapos. You can now leave," I smiled to assure him that I'll be okay alone.
YOU ARE READING
Heart of Thirst
RomanceSerendipitous Series #3 [ON-HOLD] Stella didn't expect to be saved by a stranger named Aldrius that night, when she finally see what's beneath the deep sea. First time in her life she became interested in someone, but she's afraid of commitment. Bec...