Chapter Twenty-five
Jealous
"Aldrius..."
My mind was clouded with so many thoughts. Sa gulat ko ay hindi ako halos nakagalaw. It took me a minute to process everything. To realize that this is true. He's proposing! And he didn't even ask me! Sinabi niya lang nang diretso na magpakasal na kami.
I don't know what to feel.
I don't even know how to react.
"I want assurance, Stella. Na pagkatapos ng araw na ito, hindi ka na ulit mawawala sa akin. I want your commitment."
I shifted. That made me come back to my senses. Hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat. Hindi siya nag bibiro! Ang magandang singsing na nasa harapan ko ngayon ay hindi gawa gawa lang ng isip ko.
"Siguro mabilis para sa iyo ang lahat ng ito. Pero limang taon na akong nag aantay at nagmamahal sa malayo. This isn't fast for me. I am very ready for you. I am always ready for us."
Binaon niya ulit sa pangalawang pagkakataon ang kaniyang mukha sa leeg ko. He's still holding the ring. Hindi niya iyon sinuot sa akin. Maybe he's waiting for me to reach it. Tinaas ko ang nanginginig kong kamay at onti onti ay inabot iyon. Nag angat siya ng tingin at pareho naming pinanood kung paano ko kinuha ang sing sing sa kamay niya at sinuot sa daliri ko.
He showered me with his kisses while I was busy staring at the ring.
"I love you..." he whispered. "I love you so much,"
For years of hiding and denying that I moved on, hindi ko alam na isang pag uusap lang namin ay bibigay ako. Na sa limang taong iyon, pinaniwalaan kong hindi ko na siya mahal, pero heto ako ngayon at tinatanggap siya, sa pangalawang pagkakataon. If this isn't love, then I don't know what it is. I don't love Kiero this way. I loved Kiero because he took care of me. because he has done so much for me. Iyon ang naging basehan ko kung bakit pumasok ako sa relasyon kasama siya.
Pero kay Aldrius... hindi ako makahanap ng mga dahilan kung bakit hanggang ngayon nag uumapaw ang pagmamahal ko sa kaniya. Masiyado iyong marami, at nakakatakot isa isahin. Nakakatakot na baka kapag inalam namin ang mga rason kung bakit patuloy na nag aalab ang pagmamahalang ito, baka biglang maglaho. And that's the least I want right now.
Kung sakaling bibitaw ulit ako sa pangalawang pagkakataon, hindi ko mahulaan kung ano ang magiging dahilan. Because this love... I don't think I can still live without it. He feels like home. Loving him is like living in my dreams. It's just so unbelievable.
"I have never cleared my feelings for you in personal because of what happened in the past. I admit that I love you for so many times, kahit hindi ako sigurado kung naniwala ka ba. Patuloy ko iyong pinaalala sa'yo sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataong kausapin ko. I love you, Stella."
Hinarap niya ako. He caressed my cheek and smiled.

YOU ARE READING
Heart of Thirst
RomanceSerendipitous Series #3 [ON-HOLD] Stella didn't expect to be saved by a stranger named Aldrius that night, when she finally see what's beneath the deep sea. First time in her life she became interested in someone, but she's afraid of commitment. Bec...