Chapter Nine
Reject
"Saan ang punta mo?" kunont noong tanong ni Kuya nang maabutan akong nagmamadali na mag ayos ng sarili.
"Lalabas lang. Wala naman tayong family lunch diba? Babalik din ako mamaya! Bye!"
Hindi ko na siya nilingon at tinalikuran kaagad. Mabilis akong lumapit sa pintuan at binuksan iyon. Aldrius' car is already in front of the hotel. Wala siya sa labas dahil sinabi kong huwag siyang lalabas at baka makita siya ni Kuya.
Kahapon buong araw hindi siya umalis sa bahay. Siya na rin ang nagbantay sa kapatid kong naliligo habang ako ay natulog sa kwarto hanggang sa mag gabi. Nawala naman kaagad ang lagnat ko pagkagising. Nagulat lang ako nang hanggang sa mag alas dies ng gabi ay nandoon si Al sa hotel, hindi pa rin umuuwi.
Ang tanging dahilan kung bakit ko siya nagawang pauwiin ay nangako akong magkikita kami ngayon. He said he'll treat me for lunch and we'll go to an island so he can teach me how to swim or just do picnic.
"Magandang umaga,"
"Good morning!" Masigla kong bati. "So, saan tayo kakain ngayon?"
"How are you feeling?" he asked as soon as I entered his car.
"Okay na, hindi pa ba halata sa ingay ko?" nakangiti akong bumaling sa kaniya habang nilalagay ang gamit ko sa likod.
"Good, then. Saan mo gustong kumain? Sa restaurant ba o dadalhin nalang natin sa isla?" tanong niya habang pinapaandar ang sasakyan.
"Hindi pa naman ako gutom kaya sa isla nalang,"
Tumango siya at hindi na nagsalita. Hindi ko talaga alam kung bakit kami lalabas ngayong araw. Ang sabi niya kahapon ay ayaw niya akong turuan lumangoy dahil daw baka mabinat ako pero wala naman kaming ibang pupuntahan nang kaming dalawa lang kundi ang dagat dito sa Palawan.
Lunch dates in a restaurant is common. Naranasan ko na iyon sa iba't ibang lalaki sa Manila, I want to do something new with him. I want us to be unique, because he is.
Sinabi kong turuan niya na akong lumangoy dahil hindi pwedeng kumain lang kami buong araw sa isla na iyon. Noong unang beses akong pumunta roon ay nag-aral ang ginawa ko, ngayon I want to enjoy the moment. Tatlo araw nalang kami rito at pagkatapos ng bagong taon ay uuwi na kami sa Manila para bumalik sa dating buhay. I don't know Aldrius and his family's plans.
Kung ito na ang mga huling araw na makikita at magkakausap kaming dalawa ay lulubusin ko na iyon. Iniisip ko nga rin kagabi kung aaminin ko na ba sa kaniya ang nararamdaman ko. If I want this feeling to stop and disappear, maybe I should say it out loud right?
He should know! Dapat lang dahil siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito! Kasalanan niya, bakit ba kasi ang pogi at maaalalahin niya?
Dumaan kami sa isang restaurant. Sabi niya ay naka order na raw siya kanina palang at kukunin nalang niya ngayon kaya hindi na ako lumabas ng sasakyan.
YOU ARE READING
Heart of Thirst
RomanceSerendipitous Series #3 [ON-HOLD] Stella didn't expect to be saved by a stranger named Aldrius that night, when she finally see what's beneath the deep sea. First time in her life she became interested in someone, but she's afraid of commitment. Bec...