Chapter Nineteen
Single
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Dumami lalo ang tao at kahit nakasakay na ako sa ambulansya ay nakakarinig pa rin ako ng pagputok ng baril. Ni hindi ko na nga inalala ang sariling kalagayan. Buong oras ay si Aldrius lang ang nasa isip ko.
Kung magalit man ang pamilya nila at sisihin ako sa nangyari sa kaniya ay hindi ako magrereklamo. I would gladly take all the blame, pero hindi rin ako papayag na hindi mabibigyan ng hustisya ang nangyari. Lalo noong narinig kong hindi pa patay si Mr. Paula Escalera. At mas lalo lang namuhay ang galit sa puso ko nang malamang hindi maganda ang kalagayan ni Aldrius dahil sa ilang tama ng baril sa kaniya.
I was confined to the hospital for a month. Ang nakakausap ko lang ay ang mga Doctor. No one from my family or friends is allowed to enter my room because it will cause me a panic attack. Sa tuwing makakakita ako ng maraming tao sa paligid at nakakarinig ng kahit anong kaluskos ay natataranta ako. Ganoon din kapag sobrang tahimik. Hindi ako makatulog at sa sobrang takot ay sisigaw ako.
Nagawa ko lang makalabas nang onti onti ay nagiging normal ang pakiramdam ko. Isang buwan din ang inantay ko bago muling masilayan ang mga kaibigan at kapamilya. They were all crying the first time they entered my room. Ako, na marami nang naubos na luha, ay hindi na sila masabayan pa. It was torture to see them that way, but I couldn't control their emotions either, just like they couldn't control mine.
Because when they asked me if I was fine, the first thing that came out of my mouth was Aldrius. I asked what happened to him and if he's safe.
"He's not here." Si Kuya ang nagkaroon ng lakas na loob na sagutin nag tanong ko. "Nilipat siya ng mga Yexus sa Europe para roon magpagaling. Hanggang ngayon, hindi pa siya inuuwi."
Nang makauwi ako sa bahay ay ang una kong inalala ay ang pag-aaral ko. Hindi na ako nakahabol. I didn't pass the semester, so I have to take it again. Hindi na iyon kinuwestiyon pa nila Mama and Papa. Maybe because of my situation, they just let it pass. Isang buwan ulit akong kulong sa loob ng bahay habang nag papagamot sa isang psychiatrist dahil sa trauma ko.
It was already July when I got back to school. Sa unang dalawang buwan ay sa bahay ako nag aral. May mga professor na pumupunta roon para ituro sa akin ang mga major subject na naibagsak ko. It was already October when I took a special exam and I passed it. Nag simula na rin kaagad ang internship ko nang maipasa ko ang finals. It was an exhausting year. After the incident, no one from my family or friends wanted to talk about it. Kahit si Aldrius, ay hindi na nabanggit pa kahit sino sa kanila.
I've never heard anything about him. Kaya laging gulat ko nang bigla akong kausapin ng isa sa pamilya niya. I didn't know how to react when she asked me if we could talk privately. It was an honor to talk to her after what happened. Marami akong gustong sabihin at itanong kaya pumayag ako.
"My name is Addison Aina Marvis, mother of Aldrius." She smiled.
"Good afternoon po. I'm Stella-"
"No need to introduce yourself, hija. You're the Salazar heiress who is pursuing law instead of business. Am I right?"
YOU ARE READING
Heart of Thirst
RomanceSerendipitous Series #3 [ON-HOLD] Stella didn't expect to be saved by a stranger named Aldrius that night, when she finally see what's beneath the deep sea. First time in her life she became interested in someone, but she's afraid of commitment. Bec...