18

39 8 0
                                    

Trigger Warning: This chapter contains violence and kidnapping. You may skip if it makes you uncomfortable.


Chapter Eighteen

Gunshot


Ilang beses akong nagising sa pagkakawalan ng malay pero dahil sa pagod at hilo ay agad ding nakakatulog ulit. Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog hanggang sa magising nalang ako dahil sa gutom.


"Patay na ba 'to?" isang baritonong boses ang nag pagising sa akin sa apat na pagkakataon. Nang dumilat ako ay saka ko palang naramdaman ang pagod at gutom.


"Tanga! Buhay pa!" Panibagong boses iyon galing sa ibang lalaki.


Nilibot ko ang tingin sa buong lugar pero wala akong nakikita. Mainit and madilim, hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng hangin para makahinga. When my eyes adjust to the dark, that's when I realize where I am and what is happening.


I was kidnapped! Parang isang suntok iyon sa akin na nagpagising sa buong katinuan ko. I moved just to find out that my hands were cuffed. Sunod sunod na tumulo ang luha sa mata ko nang biglang makaramdam ng kawalang pag-asa.


How am I supposed to escape this fucking house again!


"Pakainin ba natin?" may narinig na naman ako.


"Wala pang utos, huwag ka ngang mag marunong!"


"Eh tang ina mo pala, sampung oras 'yang tulog, ngayon lang ata nagising. Paano kung mamatay?"


"Edi mabuti? Wala nang makukulong kung patay na ang ikukulong! Antayin nalang natin ang utos ni boss!"


Napalunok ako. Wala silang pakialam kung mamatay ako! Panibagong luha ang agad na tumulo dahil sa narinig. I cried the whole time until I fell asleep again. Ang sinag ng araw na tumama sakto sa mata ko ang nagpagising sa akin.


Bubuksan ko palang sana ang mata ko nang biglang matigilan dahil sa pagsaboy ng malamig na tubig sa mukha ko.


"Tang ina ka talaga eh noh?" boses ng isang nag hahamong lalaki.


"Ano na naman ba? Kailangan niyang mahimasmasan, tanga ka?"


"Gago, kapag 'yan talaga namatay, isusunod kita,"


A creepy laugh made me close my eyes. I don't want to see them. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.


"Masiyado kang takot. Hindi ka pa ba nakakasama sa mga misyon ng Ezgies? Baka ikaw pa ang una nilang patayin kapag sinalang ka roon!"


I tried to lick the water dropping down my face because of thirst. Isang malakas na tawa ulit ang narinig ko bago muling nakaramdam ng saboy ng malamig na tubig. Ngayon mas marami iyon. Nasisiguro kong nabasa ang buong katawan ko!

Heart of ThirstWhere stories live. Discover now