04

41 8 3
                                    

Chapter Four

Feelings


"Nilalagnat ka ba?" tanong ni Kio ang sumalubong sa akin paglabas ko ng unit.


Nandoon silang lahat nakaupo sa malaking sofa set sa gilid ng pool. Nilabas pa ata nila iyong nasa sala para 'may maupuan an lahat. Gaya kanina ay kasama pa rin nila Zack iyong mga babaeng kaibigan nila.


"Hindi. Nasarapan lang sa tulog," bulong ko sa pinsan bago tuluyang umupo sa tabi niya.


Maingay sila, 'may kaniya kaniyag topic pero nagkakaintindihan pa rin kapag lilingunin ang isa't isa. Wala pa akong ganang uminom kaya iyong juice sa lamesa ang kinuha ko. I looked for Aldrius. I saw him sitting beside his cousin, Max. Meron silang pinag uusapan na silang dalawa lang ang nakakaintindi.


Nang tumingin sa gawi ko si Aldrius ay biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Nagtagal ang mata niya sa akin kaya nag iwas kaagad ako ng tingin. Binalingan ko si Kio na kausap si Ford na nasa tabi niya lang. Nang makita ako noon ay biglan lumaki ang ngisi sa labi niya. He tapped Kio's shoulder and suddenly stand up. I watched him walks towards me and sit beside me.


"Hi, wala ka kanina ah?" naglahad siya ng hawak niyang beer pero inilingan ko iyon.


"Natutulog ako kanina."


"Oh, sleepy head..." he whispered.


Magsasalita pa sana siya kaso biglang 'may tumawag sa kaniya. Nilingon namin iyon.


"Ford! Halika rito!" Sigaw ni Zack na nasa dulong parte ng sofa. medyo malayo sa amin.


"Why?" sigaw pabalik ng katabi ko.


Zack chuckled. "Halika rito kung ayaw mong masuntok!"


Kumunot ang noo ni Ford sa sinabi ng pinsan niya pero sumunod din naman siya sa utos. Hindi pa ako nakakabawi roon ay 'may naramdaman na akong umupo sa tabi ko.  I shifted on my seat when Aldrius' manly body covered the sit beside me. Narinig ko ulit ang halakhak ni Zack pero hindi ko na siya nagawang lingunin. Masiyado akong nagulat sa biglang pag upo ni Al!


"You're not drinking?" he asked to stopped the awkward silence.


Naamoy ko ang pinaghalong pabango at alak sa kaniya. I don't know why i find it hot when in fact I hate the smell of alcohol! Pumikit ako ng mariin. Ano ba? Kasasabi mo lang kaninang huwag umasa tapos ngayon ay liyong liyo ka dahil lang sa amoy niya. Come on, Stella! You're men in Manila are better than him...


Oh... I think that's not true. He's hotter than them!


"Why are you so bothered?" he asked again.


"Wala," nahihiya akong ngumiti ng tipid. "Ikaw? Iinom ka?"


Of course! Hindi pa ba halata eh amoy alak nga siya! Damn!


Heart of ThirstWhere stories live. Discover now