13

37 6 0
                                    

Chapter Thirteen

Mine



"I'm not coming home. Baka mag stay ako rito hanggang sa susunod na buwan." Sagot ni Kuya nang tanungin ko kung bakit hindi pa siya bumabalik sa Pangasinan.


It's almost a week since my birthday. Kagaya ng mga nakaraang linggo ay busy ako sa pag-aaral. Aldrius always text me or sometimes call at night. Hindi na nasundan pa ulit ang lunch namin dahil palagi akong may ginagawa sa mga free time niya. Isang linggo na rin kaming hindi nagkikita.


"Kuya Marso na, anong sa susunod na buwan ka pa uuwi?"


"Edi sa April pa ako uuwi? What's wrong with that? I want to stay here and I can stay here anytime I want to," masungit nitong sabi.


"Ah, kaya pala sabi sa akin ni Kio ay bumili ka raw ng penthouse dahil naliliitan ka na sa condo mo?" sarkastiko kong tanong.


"Totoo naman. Maliit ang condo, kung gusto mo sa'yo na iyon-"


Hindi ko na siya pinatapos. "No thanks,"


"Buy your own condo Stella. I'm sure Athena have plans to buy her own condo too when she graduates, you can't live here forever,"


"Wala pa akong pera para bumili ng sariling condo,"



Hindi siya nag salita at tumigil saglit sa pag ta-type sa kaniyang laptop. Nag taas ito ng kilay sa akin. Sumandal siya sa kaniyang upuan at pinag cross ang mga braso sa kaniyang dibdib.


"What?" I asked.


"You know, I didn't really know what to give you on your birthday last month so I didn't bother to buy anything," anito. Hindi ako nagsalita at inantay siyang magsalita ulit. "Let's negotiate,"



Halos matawa ako sa sinabi niya. "Anong negotiate? Makikinabang ka rin?"


"Of course, hindi naman pwedeng gagastos ako sa isang bagay na wala rin akong pakinabang." Sinarado niya ng tuluyan ang laptop sa kaniyang harapan at tinuon ang buong atensyon sa akin. "I'll buy you a condo unit,"



Parang nagliwanag ang mata ko at nabuhayan ang tenga kong makinig.


"But..." he added. "You'll stay away from Aldrius,"


"What?" napalakas ang boses ko.


"Stay away from that guy. Bibigyan kita ng condo, ako na bahala sa gastos. You can buy everything under my card. You can hire an interior designer to design your unit the way you like it. But in one condition, you'll stay away from him. It's easy..."


"Kuya!" I protested. "Hindi naman pwedeng ganon! He's my friend! You're fine with him when we're in Palawan. Why are you so bitter now?"



"Bitter? I'm just asking you to stay away from him, Stella. He's not a good guy. He's an asshole. I'm fine with him back in Palawan because I don't really know him that time. Ngayon, kilala ko na siya kaya ayaw ko na siya sa'yo,"


"Is this about your girls again? Bakit, meron bang isa sa mga babae mo ang kakilala ni Aldrius at may gusto sa kaniya?"


Hindi na kasi ito ang unang beses na nag away kami tungkol sa mga lalaking nagiging kaibigan at nakakalandian ko. Most of them are ex-boyfriend of Kuya's girlfriend that time.


He glared at me. "Don't talk like you know everything. Gawin mo lang ang sinabi ko. Why don't you like it? You'll have your own condo Stella. Hindi ka lugi roon!"


Heart of ThirstWhere stories live. Discover now